Bruce Quebral bent on marrying Wendy Valdez next year

"Plano kotalaga, next year na kami magpapakasal ni Wendy. Ang target ko talaga aynext year, e. If ever na makaipon talaga ng pera. I'll be turning 27ngayong birthday ko sa November 29 at matanda na ako, kaya kailanganmakapag-asawa na ako," says Bruce Quebral about settling down with girlfriend Wendy Valdez.



Hindi naman palatotally mahu-homesick ang dating Pinoy Big Brother housemate na si Bruce Quebral sa pagpunta nito sa Dubai, U.A.E. para magtrabahobilang isang steward ng Emirates Airlines dahil mayroon namansiyang monthly day-off sa trabaho.

Nakausap ng PEP(Philippine Entertainment Portal) si Bruce sa farewell party sa kanya ng mgafans nila ng girlfriend niyang si Wendy Valdez sa Jade Valley noong Huwebes,November 27. Ayon kay Bruce, sa December 5 na ang tentative date ngkanyang departure. Hinihintay na lang niya ang visa mula sa EmiratesAirlines para tiyak na ang kanyang pag-alis ngayong buwan ngDecember.

"Pagdating kodoon, mayroon kami agad six weeks straight na training. Siguro kapagmakakaalis ako ng December, February na ako makakabalik," sabi ni Bruce.

Tatlong taon angkontratang pinirmahan ni Bruce sa Emirates Airlines. Every month ay allottedsila ng walong araw na day-off at puwede siyang umuwi sa Pilipinas paramakapiling ang kanyang pamilya at si Wendy.

"So, magkikitapa rin kami ni Wendy," ngiti niya. "Ang magiging problema lang namin, nasanaykaming araw-araw kaming nagkikita at nagkakasama. Pero ngayon,magkakahiwalay kami at matatagalan bago kami magkikita."

Ayon kay Bruce,maganda ang kanyang pinasok na trabaho at mas stable ito kumpara sashowbiz. Bago pa siya pumasok noon sa Pinoy Big Brother ay talagang planona nitong magtrabaho abroad. Kaya lang, nang makapasok siya sa PBBay napunta muna sa backseat ang planon ito.

Does it mean,totally goodbye na siya sa showbiz?

"Hindi naman.Kapag may magandang offer naman na talagang hindi ko mahindian dahil magandaito, babalik pa rin ako sa showbiz. This will happen pagkatapos ngcontract ko," ani Bruce.

WEDDING PLANS. Hindi na rawhihintayin ni Bruce ang pagtatapos nito ng kanyang three-year contract saEmirates Airlines dahil after a year ay papakasalan na nito si Wendy.

"Plano kotalaga, next year na kami magpapakasal ni Wendy. Ang target ko talaga aynext year, e. If ever na makaipon talaga ng pera. I'll be turning 27ngayong birthday ko sa November 29 at matanda na ako, kaya kailanganmakapag-asawa na ako. In my opinion, matanda na ako. Gusto ko ngangayon, may anak na ako. Pero ang plano talaga namin, kasal muna bagoanak. Pero hindi natin masasabi," saad ni Bruce.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi pabor si Brucesa live-in kaya naka-focus siya ngayon sa plano nilang magpakasalnext year para makapagsimula na sila ng kanilang pamilya. Aniya, mahabangpanahon ang kanilang hihintayin ni Wendy at posibleng may temptation napuwedeng pumasok.

"Actually,anywhere you go, there will always be a temptation. Just be strong andconcentrate ka na lang para maiwasan ang temptation," sabi niya.

Ano ba ang mayroonkay Wendy kaya siya ang pakakasalan ni Bruce?

"SiWendy kasi, nakita ko sa kanya 'yong pagmamahal niya sa pamilyaniya. Nakita ko kung gaano siya kaligaya kung nakakakita siya ngbata. So, alam ko na kapag siya ang napili ko, ang family ko in thefuture, alam ko na hindi niya pababayaan, ang mga anak namin hindi niyapababayaan. Grabe siya magmahal sa family. So, gusto ko yun sa isang babae,na nakita ko sa kanya," sagot ni Bruce.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN