Sarah-John Lloyd movie sequel, Piolo-Angel movie, and other stories from "Entertainment Live"

After their successful team-up in A Very Special Love, Sarah Geronimo and John Lloyd Cruz will be reunited in the sequel of the blockbuster movie under Star Cinema.



Ilan pa sa mga interesting featured stories ng EntertainmentLive kahapon, November 29, ay ang mga sumusunod: ang story conference para sa sequel of A Very Special Love nina John Lloyd Cruz at Sarah Geronimo, kuwento nina Piolo Pascual at Angel Locsin tungkolsa kanilang first movie team-up, ang pagko-cover girl ni Mariel Rodriquez saFHM, ang pananapak daw ni John Regala ng taxi driver, at ang diumano'ypagsa-shopping ng Hollywood singers na sina Rihanna at Chris Brown sa tianggesa Greenhills.

A VERY SPECIAL LOVE SEQUEL. Ginanap ang story conferencepara sa sequel ng pelikulang A Very Special Love last Wednesday, November 26.Tulad noong una, paborito pa ring biru-biruin ni John Lloyd Cruz ang leadinglady niya na si Sarah Geronimo, na idinadaan na lang sa tawa ngsinger-actress.

Ilan sa mga direktang itinanong ni John Lloyd kay Sarah ayang nasulat daw na hindi si KC Concepcion o Marian Rivera ang Box-Office Queenkung hindi si Sarah talaga. Ito ay dahil sa box-office success ng pelikula nilang A Very Special Love. Nandiyan pang si Sarah na rin daw ang bagongConcert Queen dahil nagawang punuin ng singer-actress ang Araneta Coliseum noong huling concert niya.

Sinagot naman itong lahat ni Sarah with humility.

Paano kung sa second movie nila together ni JohnLloyd ay mag-react pa rin ang mga John Lloyd-Bea Alonzo fans sabalik-tambalan nila?

"Nakalagpas na po kami sa A Very Special Love, sana,hopefully, natanggap na kahit papaano. Basta, thankful po kami sa suportangibinigay nila sa amin at pag-iintindi," sagot ni Sarah.

Sabi naman ni John Lloyd, "Napatunayan po ng pelikula kunggaano nag-mature ang audience."

Bukod sa pagbabalik tambalan ng dalawa sa sequel ng movie,nandiyan pa rin ang bagong theme song ng movie na siguradong maiibiganna naman ng mga manonood.

PIOLO-ANGEL MOVIE. Na-interview rin ng Entertainment Live sina PioloPascual at Angel Locsin, na mga bida naman ng pelikulang Land Down Under ngStar Cinema. Ikinuwento nila ang mga naging experience nila while shooting themovie in Australia.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Mas mainit pa raw ang panahon doon kesa sa Pilipinas ataminado silang pareho na hindi naging madali ang pagsu-shoot nila. In fact,hindi lang daw sila umarte bilang mga artista kundi naging part na rin daw silang crew.

Ayon din sa dalawa, for the first time, mas mauunangmag-premiere ang Land Down Under sa Los Angeles sa December 6, at sa San Francisco naman sa December7, bago pa ito ipalabas sa Pilipinas.

RIHANNA & CHRIS BROWN. Pinagdiskuyunan din ng Entertainment Livehosts na sina Toni Gonzaga, Bianca Gonzalez, at Luis Manzano kung totoo ngabang picture ng dalawang sikat na Hollywood singers, sina Rihanna at ChrisBrown, ang ipinadala sa kanila through e-mail na nakuhanang nag-shopping daw satiangge sa Greenhills.

Nagbiro si Toni na baka raw tsine-check nina Rihanna atChris ang mga pirated CDs nila dahil ano naman kaya ang bibilhin nila sa Greenhillsgayong napakarami nilang perang pambili ng mga branded clothes talaga.

Prior to that, nabalita rin na after ng successful concertng dalawang international singers sa The Fort, nagkaroon sila ng party sa Alchemy Bar.

MARIEL FOR FHM. Ipinakita rin ang bagong December issue ngFHM, kung saan ang cover ay si Mariel. Ayon kay Bianca, she texted Marielsaying na, "I think, it's the best issue ever for this year. Napakasosyal atnapaka-well done."

Ayon naman kay Toni, "She looks like a Hollywood star."

JOHN REGALA. Kitang-kita naman sa video na ipinalabasng Entertainment Live ang insidenteng nanapak ng taxi driver ang character actor na si JohnRegala. Nagreklamo raw ang taxi driver nangmagkabanggaan ang taxi at kotseng sinasakyan ni John sa may Sgt. Esguerra St.,Quezon City.

"Minura ako, e, di sinapak ko na!" sabi ni John.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN