Sid Lucero turns down offer to reprise Mark Gil's role in "Miss X"

"I don't wanna do it because it's a film that's alreadybeen done by very good actors. And you can't replicate that. So, I'll never doit again. Get someone else, why me? Kay Mark Gil na ‘yan, e," explains Sid Lucero about turning down the offer to reprise his father's original role in the remake of Miss X.


Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang aktorna si Sid Lucero sa awards night ng Cinema One Original Digital Film Festivalnoong November 28 sa Dolphy Theater ng ABS-CBN.

Tinanong ng PEP si Sid kung bakit sa independent films nalang siya ngayon napapanood. Wala bang offer sa kanya na mainstream movies?

"Mas maraming offers from the independent side, e. Bihiralang dumating yung sa mainstream," paliwanag ni Sid.

Ganunpaman, happy pa rin naman daw si Cid kahit puroindependent films ang ginagawa niya ngayon.

"I've no complaints," saad niya. "Okey lang naman sa akinyung ganun, e. I like how my career is going on."

Marami nang nagawang role si Sid. Kung mabibigyan ng choice,ano pang roles ang gusto niyang gampanan?

"Marami pa po," aniya. "But I don't really chooseroles, e. I mean, as long as it's something I've never done, I'm always veryexcited to do it. I wanna work in a foreign film. It's not the role. It's theexperience working with other country, that's what I wanna do."

NO TO MISS X. May balitang kasama raw dapat si Sid sa remake ng pelikulangMiss X na pagbibidahan ni Katrina Halili. Ang unang Miss X ay pinagbidahan niVilma Santos at katambal niya rito si Mark Gil, ang ama ni Sid.

May intriga na tinanggihan daw ni Sid ang pelikula dahilayaw niyang makapareha si Katrina. Gaano ito katotoo?

Natawa muna si Sid bago niya sinagot ang tanong ng PEP.Pero paliwanag niya, "I don't wanna do it because it's a film that's alreadybeen done by very good actors. And you can't replicate that. So, I'll never doit again. Get someone else, why me? Kay Mark Gil na ‘yan, e.'

Threatened ba siya na baka ma-compare siya sa father niya?

"No, it's not that. It's just that, it's his role, e. Gawaniya na ‘yan, e, ba't ko pa uulitin, di ba? It's just respect to thatparticular film," saad niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

So, pag may movie ang father niya, ayaw niyang i-remake?

"That's his movie, e. Ang weird nun, e. Parang get someoneelse na lang."

QUITTING SHOWBIZ. Tinanong din namin si Sid tungkol sa announcement ng uncleniyang si Michael de Mesa na magku-quit na siya sa showbiz.

"I don't know about that. I don't think anyone ever resignsfrom show business for real," sabi niya.

Pupunta na lang daw sa abroad si Michael?

"He's been planning on going there."

Nagulat ba siya dun?

"No, ‘cause it's been small talk in my family to moveup in the country. It's a small talk. It was never really final. It wasnever really serious. It was just like, ‘I wanna do this, I wanna do that. Iwanna live here, I wanna live there.' I guess he's just realizing thatparticular dream," saad ni Sid.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN