KC Concepcion busy rehearsing musical play "Katy"

KC Concepcion will be one of the busiest stars in the next few months. She is currently rehearsing for the musical play Katy. She will soon begin shooting her second movie with Richard Gutierrez and she is also slated to do a primetime series opposite Piolo Pascual.



Siguradong matutuwa ang fans nina KC Concepcion at Richard Gutierrez dahil napag-alaman ng PEP (Philippine Entertainment Portal) namatutuloy na ang pelikula nila sa GMA Films. At press time, Save the Bestfor Last pa rin ang working title ng pelikula na ididirek ni Joey Reyes.

After ng meeting ng GMA Films president na si AnnetteGozon-Abrogar at ni Direk Joey last week sa Starbucks Café sa Imperial PalaceSuites, mukhang tuloy na ang project. Maitatakda this week kung sino angibang bubuo ng cast at kung kailan magsisimula ng shooting.

Hindi na tuloy si Ryan Agoncillo sa pelikula dahil maliitang role na dapat ibibigay sa kanya. Sayang din na hindi natuloy makasama sacast ang isang controversial young actress na makaka-love triangle sana ninaRichard at KC. Tiyak na gagawa sana ng alingasngas kung natuloy ang youngactress dahil tiyak na maraming kokontra.

KC AS KATY. Sa kasalukuyan ay busy si KC sa rehearsal ng musical play naKaty, na base sa buhay ng Queen of Vaudeville na si Katy dela Cruz. Iba't ibang age bracket niKaty ang ipapakita sa musical mula 10 years old hanggang tumanda ito, at si KCang gaganap na dalagang Katy.

Kasama niya rito si Jericho Rosales, bilangPeping, sa ligawan number. May dance number din sina KC at Gab Valenciano sa "Basta Masasayaw"number. Dahilpareho silang magaling sumayaw, siguradong hahataw ang dalawa rito.

Kasama rinsa cast sina Mitch Valdez, Eugene Villaluz, Frenchie Dy, at Rachel Alejandro.Si Ryan Cayabyab ang musical director ng Katy, si Freddie Santos ang director,at libretto, kay Joey Reyes.

Ang Katy ang nabalitang concert diumano ni KC after theMetro Manila Film Festival awards night, pero musical pala ito at isa nga siyasa gaganap sa role ni Katy. Gagawin ito sa tent na nasa likod ng Sofitel Hotelsa December 27. Sit-down at red-carpet affair, kaya ibig sabihin nito ay formalaffair.

TV PROJECTS. Tuloy rin ang soap na pagtatambalan nina KC at Piolo Pascualsa ABS-CBN next year, pero hindi pa sigurado kung ito yung Pinoy adaptation ng Loversin Paris. Basta may commitmentna si KC sa Kapamilya network and with Piolo as her leading man.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

This early, naghahanda na rin si KC sa guesting niya sabirthday presentation ng Sharon sa January next year. Kung inyongnatatandaan, this year sa Sharon, "lumipad" si KC sa dance number niya.Abangan kung ano ang sorpresa niya para sa ina niyang si Sharon Cuneta at sa kanyangfans this time.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN