Kuya Germs honors third batch of stars through Walk of Fame

The pair of Marian Rivera and Dingdong Dantes (left) and Kapamilya star Claudine Barretto are some of the stars honored in this year's Walk of Fame, a brainchild of Master Showman German Moreno.



Ginanap noong Lunes, December 1, ang pagbibigay parangal niGerman "Kuya Germs" Moreno sa ilang piling artista sa local showbiz paramabigyan ng kanilang sariling star sa Walk of Fame, na makikita sa EastwoodCity, Libis, Quezon City.

Ito ang ikatlong pagkakataon na kinilala ni Kuya Germs angmga artistang sa palagay niya ay may naiambag na maganda sa local showbizindustry. Immaterial kung ang artistang ito ay matagal nang namayapa o aktibopa sa showbiz.

Kung pagbabasehan ang pagdating ng mga artistangpinarangalan ni Kuya Germs last Monday, masasabing successful ang naturangevent na brainchild ng veteran TV host.

Ang mga honored stars ngayong taong ito aysina Gina Alajar, Helen Gamboa, Albert Martinez, Dawn Zulueta, HerbertBautista, Dina Bonnevie, Tirso Cruz III, Dulce, Claudine Barretto, MarianRivera, Dingdong Dantes, and the late Dindo Fernando.

In attendance lahat ng honorees this year for Walk of Fameat napakarami rin taong nanood sa taunang pagbibigay ni Kuya Germs ng parangalsa mga artista. Ang nag-represent naman kay Dindo ay ang kanyang asawang si Mrs.Cora Fernando.

Para sa mga hindi nakakakilala kay Dindo, isa siya saitinuturing na pinakamahusay na dramatic actors ng bansa. Ilan sa mga nagawaniyang pelikula ay ang mga sumusunod: Langis at Tubig, Karma, T-Bird at Ako, Gaano Kadalas angMinsan, Init Sa Magdamag, Palabra de Honor, Sana Bukas Pa ng Kahapon, BabyTsina, Muling Buksan ang Puso, Sana'y Wala Nang Wakas, at Magdusa Ka. Kilala rin siya bilang si Col. Leo Alicante sa soap opera na Flordeluna Namataysiya noong 1987 dahil sa heart attack

Pumarada isa-isa ang lahat ng artista atpumunta na sa kani-kanilang stars. Sabay na naglakad papunta sa magkasunod na stars nila ang magka-love team na sinaMarian at Dingdong dahil sa pag-alalay ng aktor sa kapareha, na naka-saklay pa dahilhindi pa niya puwedeng iapak ang paang naka-cast.

Yun nga lang, hindi na halos nakabalik si Dingdong sa mismongvenue ng program dahil pagkapuwesto niya sa kanyang star, nagpaalam na rin itodahil ilang oras na lang ay kailangan na niyang magpunta sa airport papuntang Los Angeles.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Si Marian din ay nagpaalam agad dahil kailangan naman niyang magpunta sa presscon ng Desperadas 2.

Nakita na PEP na nag-stay pa sa program na inihanda ni KuyaGerms ang ibang honorees.

Ipinahayag ni Kuya Germs ang dahilan kungbakit niya naisipang maglagay ng Walk of Fame sa Pilipinas tulad ng saHollywood.

Naniniwala si Kuya Germs na malaking bagay ang nagagawa ngmga artista para sa bansa kung kaya't karapat-dapat lang naman daw parangalanat bigyan ng importansiya ang mga artistang may naiaambag sa ikauunlad ngindustriya.

During the Walk of Fame parade din nalaman ng PEP nanagdadalangtao pala si Dawn sa kanilang second child ng asawang si AntonLagdameo. May paalala kasi ang nagsilbing host ng event na si John Nite na pakialalayandaw mabuti si Dawn dahil kasalukuyan nga itong nagdadalangtao. Five weeks naang ipinagbuntis ng aktres.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN