Precious Lara Quigaman says no to breast enhancement

"Ayaw ko, masakit. Okey na ito at saka hindinaman ito naging hadlang nang napanalunan ko ang Misss International crown, diba?" says former Miss International Precious Lara Quigaman about breast enhancement.



Nakausap ng Philippine Entertainment Portal (PEP) siPrecious Lara Quigaman sa taping ng TV5's You Can Dance, kung saan isa siya samga contestant na nakapasok sa finals.

Napansin namin ang kanyang body-hugging dance outfit, kungsaan talagang litaw ang kanyang mala-gitarang pangangatawan. Natanong naminsiya kung kagagawan ng Calayan Surgicentre ang kanyang kaseksihan dahil isasiya ngayon sa mga newly-launched celebrity endorsers ng Calayan.

"No, skin maintenance lang ang ginagawa nila sa akin,pero hindi ang aking katawan," paglilinaw ng dating Miss International. "I don'tneed it pa naman kasi firm and very young pa ang aking skin, at malayo pa itongmag-sag tulad ng mga nangyayari sa mga older women."

Sabay rito ang pagkapansin namin sa kanyang boobs. Inaminnaman ni Lara na kulang ito sa laki para sabihing mayroon siyang perfectmeasurement.

Is she willing to go under the knife to enhance her breasts?

"No, ayaw ko, masakit, e," sagot niya. "Imagine, I needa week of rest after the surgery. Ayaw ko, masakit. Okey na ito at saka hindinaman ito naging hadlang nang napanalunan ko ang Misss International crown, diba?"

Bakit ayaw niyang gawin yung exercise intended para sapagpapalaki ng boobs?

"No, I don't believe in it. It's not effective dahilkung effective ito, dapat noon pa lumaki ang boobs ko dahil noon pa ako nag-exercise. Okeyna ito sa akin. Maghihintay na lang ako ng himala na paggising ko sa umaga aymabigla na lang ako na malaki na ang aking boobs!" tawa niya.

Matatandaang dinala ni Lara ang kanyang mga kandidata sa Bb.Turismo Filipina sa TV show ni Willie Revillame, ang Wowowee, na dati nitongpinagtatrabahuan. Doon, muling nag-offer sa kanya si Willie na bumalik sashow.

Tinangap ba niya ang offer ni Willie?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
"I love to do it again dahil nami-miss ko anghosting. Kaya lang, sa load ng trabaho ko ngayon bilang head ng TourismCharity, mahirap. May conflict na dahil madami akong ginagawa ngayon parasa charity. Kaya even though I love the idea of going back to Wowowee, mytime won't allow it," sabi ni Lara.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN