Niño Muhlach asks media for help to find his son

Niño Muhlach claims his ex-wife EdithMillare has been keeping his son away from him. He now asks help from the media to help him be with his seven-year-old son whom he has not seen for twoyears.


Nanawagan si Niño Muhlach sa Startalk kahapon, December 6, kungmatutulungan daw siya ng media this time sa paghahanap sa kanyang anak na siAlessandro, anak niya sa dating asawang si Edith Millare na apat na taon nanghiwalay sa kanya.

Ayon kay Niño, matagal na raw niyang hindinakikita ang anak dahil nga matagal na silang hiwalay ng ina nito.

"She's already with someone. She's happilymarried again. So, yun...siyempre, nauna naman siya. So, siguro, it's my turn tobe happy rin."

May special someone na rin ba siya?

"Oh, yeah, yeah, of course! Of course," nakangitingpahayag ni Niño. "She's one month and two weeks pregnant," ang pagbibigay-impormasyonpa niya.

Hindi naman daw ang pagkakaroon ng ibang karelasyonna ni Edith ang ipinagsisintir ni Niño kung hindi ang pagkakawalay niya sapitong taong gulang na anak na si Alessandro na hindi raw niya nakikita ng maydalawang taon na.

"Gusto ko rin manawagan. Gusto ko rinmanawagan na sana, sana huwag mo namang itago sa akin ang anakko. Na sana ayipakita mo naman sa akin. I don't care if you're living withsomeone. Hindi naman ako magdedemanda. Pero sana, huwag mo namang idamay anganak ko. Sanaipakita mo naman sa akin ang anak ko. Alam ko na napakasakit din sa kanya nalumalaki na siya na hindi niya nakikita ang sarili niyang tatay."

Dugtong pa ni Niño, "Siguro naman, kahitkanino natin itanong, karapatan ko rin naman bilang tatay na makita ko ang anakko, di ba?"

Kuwento pa ni Niño, simula raw nangmakakita ng bagong karelasyon ang asawa, itinago na raw nito ang anak sa kanya.

"I think kasi, nabuntis siya. So, siguro,natakot siya na baka magdemanda ako. Wala naman na kong pakialam dun. Gusto ko lang naman makita ang anak ko. Butisana kung hindi ko nakasama yung baby ko. Nakasama ko, e.

"In my house right now, yung kuwarto niya,nakaayos yun. Lahat ng laruan niya nandoon. Spoiled na spoiled yun. Siyempre,first baby ko yun. Minsan naiiyak ako kapag nandoon ako sa kuwarto niya. Nami-missko siya ng sobra."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

At dahil magpa-Pasko na nga, nakikiusap siNiño na baka puwede raw na ibalato na lang sa kanya ang chance na makitang muliang anak na si Alessandro.

"It will be the best Christmas gift that Iwill ever receive in my whole life. Gusto lang talaga kitang makita. Mahal namahal kita. Kung puwede n'yo lang talagakong tulungan sa media. If you can find my son for me, that would really be thebest gift.

"Kung puwede ko lang talagang ibigay ang number ko publicly, gagawin ko. PeroAlessandro, you know where I live, El Nino Apartelle. I love you so much, son."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN