Marky Cielo spent his last night playing online video game

Young actor Marky Cielo was last seen alive last night, December 6, playing an online video game in an Internet shop on Tomas Morato, Quezon City.


Alas-singko kahapon, December 6, nagpangkita pakami ng ikatlong StarStruck Male Survivor at kaisa-isang StarStruck SoleSurvivor na si Marky Cielo sa Station 168 Internet Café sa Tomas Morato.Nakakahiligan kasi ng young actor nitong mga huling buwan ang larong SF or Special Forces,isang war-type online game.

Naengganyo siyang maglaro nito ng kapwa StarStruck MaleSurvivors niyang sina Mark Herras (Batch 1) at Mike Tan (Batch 2). In turn,siya naman ang nagturo ng laro sa StarStruck 4 Avenger na si Paolo Avelino.

Dahil sa paglalaro ng SF, madalas na naming nakikitangmag-isang pumupunta si Marky sa Station 168, na hindi na kasama ang kanilang "tatay" saStarStruck na si Rommel Gacho, na siya ring tumatayong manager niya kasama ngGMA Artist Center.

Kahapon nga, biniro pa namin si Marky dahil unang besesnamin siyang nakitang naka-shorts. Nagtanong pa si Marky kung sino ang mgadarating na ka-SF or ka-StarStruck niya bago ito bumalik sa kanyang seat, sa #1.

Alas-diyes ng gabi nag-time out si Marky. Sa unangpagkakataon na tuwing nagkikita kami sa Station 168, nagpaalam siya sa amin. Palagilang siyang dumadaan sa aming seat kapag parating siya o nakita niya kamingunit hindi siya kailanman nagpapaalam dahil bilang artista, hindi niya hawakang oras niya at puwede siyang on-call.

Alas-tres ng hapon kanina, December 7, nagsunud-sunod na angtext at tawag na natanggap namin mula sa mga kasamahan namin sa panulat. Namatay nanga raw si Marky, ang "Mountain Province Boy"—proud siya sa kanyang roots dahilang pangalan niya sa SF ay "Igorot"—sa bahay nito sa Antipolo.

Bangungot ang balitang ikinamatay ni Marky, sa murang edadna 20.

Balitang dadalhin sa Benguet ang bangkay ni Marky.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN