Jennylyn Mercado and Mark Herras to revive love team with "Paano Ba Ang Mangarap"

Jennylyn Mercado and Mark Herras will begintaping for their new drama series Paano Ba Ang Mangarap once they return fromtheir trip in Dubai.


Kadarating pa lang ni Jennylyn Mercado fromthe U.S. pero heto nga't nakuhanan pa ng Startalkang pag-alis niya nung Huwebes patungong Dubai kasama sina Mark Herras at MangEnriquez. Pupunta sila roon para sa isang event ng GMA Pinoy TV.

Huling nagkasama sina Mark at Jennylyn saibang bansa nang gawin pa nila ang I Luv NewYork sa Amerika. Ayon kay Mark, malamang naman daw na meron pa rin namangnakaka-miss sa tambalan nila at gusto silang makita ni Jen together.

"Ang plano lang namin, gusto naming matuwaang mga tao sa amin. Hindi naman namin sinasabi na agad-agad. Basta yung Dubai,i-enjoy lang namin para mag-enjoy lang yung mga tao. Yun lang din ang nasa isipko ngayon," pahayag ni Mark.

Magiging hectic ang schedule nila saDubai, ayon kay Jen.

"Yung itinerary kasi namin, medyo tight ngkonti, so, baka hindi kami makapagpasyal."

MATUREDJEN AND MARK. Pagbalik naman daw ng dalawa aymagsisimula na sila sa kanilang drama series kunsaan, ibang Jennylyn at Mark naang puwedeng mapanood ng mga tao.

"Malamang na sisimulan na po yung Paano Ba Ang Mangarap," banggit ni Mark.

Kuwento naman ni Jen, "Siyempre iba na. Masmatured na kami. Siyempre, hindi na katulad ng dati na parang tweetums na love team."

Dugtong naman ni Mark, "Siguro mas iba nanga ngayon katulad sa mga nangyari kay Jen, sa mga pinagdaanan niya. ‘Tapossiyempre, hindi naman puwedeng hindi ako naggo-grow, di ba? So, siyempre, habang dumaraan ang panahon, lahatnagma-mature, lahat nag-iiba. So, siguro ngayon, tulad nga ng sabi namin niJen, less pa-tweetums na ang gagawin namin sa mga darating naming shows. Pero,hindi naman siguro ganoon na ka-daring. Pero still, wala nang pa-cute-cute. "

Ngayong ready na sila sa mas mature roles,totoo nga bang ready na rin si Mark na magpakita ng katawan?

"Pinag-iisipan ko pa kung magpapalaki akong katawan...kasi, kung magpapakita ako, dapat magpalaki ako ng katawan. Peroonce na nagpakita ako, alam mo yun, parang nagse-semi bold ka na."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Natawa si Jen sa ginamit na termino ni Markna "semi-bold."

LOVETEAM YES, LOVE LIFE NO. May nagsasabing bakamalaki ang posibilidad na magkabalikan silang muli, lalo pa nga't sila nanaman ang magkakasama sa mga projects nila sa GMA-7.

"Wala kasi kaming communication for a longtime. Ngayon lang ulit kami nagkita. Hindi naman nagbabago ‘yan, e. Ganoon parin," sabi ni Jen.

Ayon naman kay Mark, "Yung hitsura ni Jen,mature na, maganda pa rin."

Hirit naman ni Jen, wala na munang lovelife. Baby muna raw. Yun daw ang focus niya. Ang trabaho, pamilya at ang babyniya na si Alex Jazz. At dahil isang araw lang daw ang inilagi niya saPilipinas pagkagaling ng Amerika, miss na miss daw niya talaga ang anak.

"Sobra! Hindi ko na siya binitawanpagdating ko. Hindi na ‘ko umalis ng bahay. Kaya nga nalulungkot na naman ako.Pero, nandoon naman ang mommy ko. At saka, babalik din naman ako, sandali langako."

PATRICKGARCIA. Sinagot din naman ni Jen ang isyung hindina raw muna mag-aartista si Patrick hangga't hindi pa niya nakikita ang anaknila.

"I think, that's his problem na. Kung ayawniya, e, di huwag. I don't care. Katulad nga ng sabi ko, wala na ‘kongpakialam. Out na siya sa picture and, di ba, kung talagang sincere ka, bakit mokailangang idaan sa media? Ano yun, pakitang-tao or gusto mo lang ng sympathyng tao? Hello! Ano ba yun? Obvious naman na hindi totoo."

Dugtong pa ni Jen, "Kung gusto niyatalagang ayusin at sincere siyang talaga, hindi niya yun idadaan sa media.Walang publicity."

Aware din si Jennylyn na nali-link ngayonsi Patrick kay Glaiza de Castro.

"Oo! I'm happy for them and why not, di ba? Single naman siya. At single namansi Glaiza, so, bakit hindi? Single din ako. Nakasama ko na si Glaiza, Kaputol ng Isang Awit...mabait si Glaiza, so, kumbaga, hindi ako against kayGlaiza at wala talagang masama. Gusto kong maging masaya sila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kasi ako, naka-move on na ‘ko at gusto ko,ganoon din siya. Tantanan na niya yung kung anu-anong intrigang yan, ayoko nang ganyan."

Nagkaroon na nga ba sila ng communicationni Patrick simula nang manggaling ito ng Amerika?

"Wala...wala talaga, at sanay na naman ako.Wala talaga. At wala na rin akong planong marinig ang kahit ano. Wala akonginteres. Wala na rin akong kuneksiyon. Kung ano ang sinabi ko, yun na yun.Walang pagbabago. Tumutupad naman ako sa usapan. As in, tantanan! Period! Yun. Huwagka nang magulo, di ba? Huwag mo na kaming guluhin, di ba? Masaya na kamingayon. Hindi ko na siya kailangan," ang tahasan ngang mga pahayag ni Jen.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN