Castoffs Zita Ortiga and Cris Cartagenas have different takes on being eliminated from "Survivor Philippines"

Dubbed as "Nanay ng Bayan" Zita Ortiga feltsad and disappointed for being eliminated from Survivor Philippines. On theother hand, company driver Cris Cartagenas says he holds no ill-feeling towards the the remaining three Castaways who voted him and Mama Zita off the island.


Tatlo na lamang ang natitirang Castaways saSurvivor Philippines na magpi-finalena ngayong darating na Biyernes, December 12 sa GMA-7. Magkasunod ngangnatanggal ang "Nanay ng Bayan" na si Zita Ortiga at ang company driver na siCris Cartagenas.

Sa interview ng Startalk noong Sabado kay Cris, maayos naman nitong tinanggap angpagka-eliminate sa kanya.

"Masaya, kasi makakakain na nang maayos. Atsaka isa pa, makakatulog po nang maayos. Hindi po ako nagtampo or nagalit kasi,alam ko na, narinig ko sila noong nag-uusap sila na kaming dalawa ni Nanay Zitaang mawawala. Kaya naka-ready na ‘ko."


Iba naman ang naging reaction ngtinaguriang "Nanay ng Bayan" na si Zita sa elimination niya.

"Talagang malungkot, masama ang loob ko.Hindi ko talaga akalain na yun ang mangyayari. Parang nagtampo lang ako sakanila, pero, naisip ko na sabi ni Paolo [Bediones], ‘Ito, laro. Hindi ka dapatmasaktan.'"

Sa pagka-tsugi nga nina Cris at Zita,tatlong castaway na lamang ang natitira sa Isla Koh Tarutao—sinaAnna Charisse Yacapin, JC Tiuseco at Rob Sy. Isa sa kanilang tatlo ang mapaladna tatanghaling kauna-unahang Ultimate Survivor ng Survivor Philippines atmananalo ng tatlong milyong piso.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN