Luis Manzano says dad Edu hasn't told him yet about marrying Pinky Webb

"If everything is set, siguro iku-consultmuna niya [Edu] ako. Parang nabalitaan ko pa na ako yung magiging best manniya. Wala pa naman siyang nasasabi sa akin. But if matuloy nanga, and may plano sila, wala namang problema sa akin," says Luis Manzano about reported wedding plan of his dad Edu Manzano with fiancée Pinky Webb.



Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang TVhost-actor na si Luis Manzano kahapon, December 7, sa taping niya para saMYX, kung saan isa siya sa VJs dito. Kinuha ng PEP ang reaction ni Luis sabalitang plano na ng kanyang amang si Edu Manzano na pakasalan ang kasintahannito na si Pinky Webb.

"Nabasa ko lang or may nagkuwento sa akin tungkoldiyan," sabi ni Luis. "If everything is set, siguro iku-consultmuna niya [Edu] ako. Parang nabalitaan ko pa na ako yung magiging best manniya. Wala pa naman siyang nasasabi sa akin. But if matuloy nanga, and may plano sila, wala namang problema sa akin."

Close ba siya kay Pinky?

"I never get to spend time with her dahil kung sarili kongang pamilya ni hindi ko nakakasama dahil sa schedule. Pero yung mga rareoccasions, ayun, like for example yung sa Star Awards... Unfortunately, mayisang time na nagsama kami nung namatay yung lola ko. Pero yung sabihin mongbonding talaga, never. But I know she's a very good woman," saad ni Luis.

Ano ang tawag niya kay Pinky?

"Of course, she's a bit close to my age, di ba?" sabi ni Luis. "So I don'tthink she's that comfortable with ‘Tita Pinky.' For a while, I was calling her'Tita Pinky'. Pero sabi niya, ‘Pinky na lang.' But of course, 'andun pa rin yungrespeto ko sa kanya."

Si Maricel Soriano ay naging karelasyon din noon ni Edu.Naging close ba si Luis kay Maricel noon?

"I honestly can't remember dahil... The only instance nanaalala ko kay Tita Marya, siguro mga two or three instances lang, I was really, really young. Ang naalala ko lang talaga is bumaba ako ng hagdanan, nandun siTita Marya, fully blonde pa yung buhok, yung ganun lang. Pero sabihin mongbonding time namin, wala akong naalala masyado kay Tita Marya. But, of course,when I see her napakalaki ng respeto ko sa kanya."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

POLITICS. Sa hiwalay na panayam naman sa ina ni Luis na si GovernorVilma Santos ay sinabi nito na may nag-uudyok kay Luis na pumasok sapulitika. Totoo ba ito?

"Dati pa, kahit nga nung last na election, apparently angnaging isyu, e, pupunta ako para mag-file ng candidacy. E, ako nasa bahay,naka-sando, pakamot-kamot ng tiyan bigla na lang kailangaan daw nandun akosa Comelec [Comisssion on Elections]. No, wala namang nag-uudyok. May mga nagpapatawa, humihirit. Peroyung udyok na ‘Hindi, tumakbo ka!' wala namang ganun."

Sabi pa ni Vilma, nang tanungin daw niya si Luis kung gustorin nitong pumasok sa pulitika ang naging sagot daw ng anak, "Kung nakabutiyung ginawa mo, why not?" Totoo ba ito?

"Yun nga ang sabi ko, IF lang naman, isang malaking if,"diin ni Luis. "Sabihin nating mapunta yung calling ko sa politics. You know,after na ma-established ng mommy ko, ng Tito Ralph [Recto] ko, ng daddy koin the field of politics, siyempre kahit paano susubukan ko na pantayan yun, orkahit napakahirap, higitan."

Sa ngayon ay wala pa raw talagang plano si Luis na pasukinang pulitika.

"Not yet, isang malaking yet," sambit niya."The same way na nung tinatanong ako about showbiz before, sabi ko, 'Notyet.' But it just so happened na pumasok pa rin ako. So, not yet. I'm notclosing my door, the same thing that I'm not opening any doors."

KISSING SCENE WITH JOHN LLOYD. May gagawing pelikula si Luis with his mom and with John LloydCruz titled A Mother's Story under Star Cinema. May kissing scene dito sinaLuis at John Lloyd dahil gumaganap silang gay lovers. Nang hingan ng reaction si Edu tungkol sa kissing scene ngkanyang binata ay nagpayo ito na ipikit na lang daw ni Luis ang kanyangmga mata sa kissing scene. Ano ang masasabi ni Luis sa sinabi ng kanyang ama?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Nabasa ko lang din yun, actually kanina. Ang pangit namansiguro kung may kissing scene na nakadilat kaming dalawa ni John Lloyd. Sakaany kissing scene, bihira naman yung naghahalikan na nakadilat. Dapat namantalaga, it's more heartfelt," saad ni Luis.

MAKING ANGEL HAPPY. Sa nakaraang 22nd Star Awards For TV ng Philippine Movie Press Club (PMPC) aysi Angel Locsin ang itinanghal na Best Single Performance by An Actress para sa"Pilat" episode ng Maalaala Mo Kaya. Sa kanyang acceptance speech ay isasa pinasalamatan niya si Luis, at sinabi niya ring ito ang nagpapasaya sakanya ngayon.

Reading between the lines, ibig bang sabihin nitoay pagkumpirma na yun na sila na talaga ni Angel?

"I think she has answered enough the same way na Ihave answered enough. Yun na yun, di ba?" misteryosong sagot ni Luis.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN