Kuh Ledesma gets emotional while singing love song in "Divas 4 Divas"

"I thank the three divas—sina Regine, Zsa Zsa, and Pops—for working very hard. Alam ko, pagod napagod sila. Pagod na pagod na kami actually, pero we just really gave our bestto the audience. Maraming-maraming salamat sa suporta," says Kuh Ledesma about the "Divas 4 Divas" concert held last Saturday, December 6, at the Araneta Coliseum.



Bukuhan at hindi rin nawala ang papuri nina Zsa Zsa Padilla, Pops Fernandez, at Regine Velasquez sa kapwa nila diva na si Kuh Ledesma sa ginanap na Divas 4 Divas concert noong Sabado, December 6, sa Araneta Coliseum. Si Kuh kasi angnagsilbing daan para mapagsama-sama silang apat sa isang malaking concert sa kauna-unahang pagkakataon.

"Maraming salamat!" bulalas ng Pop Diva. "This is really anevening I will never forget. Napakasarap kasama nina Regine, Zsa Zsa, at Pops!" saad ni Kuh nang makausap siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sabackstage ng Araneta Coliseum pagkatapos ng kanilang concert.

"Huwag na langat secret!" bulalas naman uli ni Kuh nang tanungin namin kung bakit naging emosyunal siya sa spot number niya na "I Will Always Love You." Tulad ni RegineVelasquez ay kitang-kitang napaluha rin siya.

May nag-isip na na-touch lang siya masyado bilang concertproducer dahil natupad na niya ang kanyang dream concert sa kabila ng mga aberya a few daysbefore the event. May iba pa bang dahilan?

"Siyempre, meron din naman akong minamahal sabuhay. Kaya lang, siguro naisip ko lang na hindi kami maayos ngayon... Huwagna lang, naiiyak ako..." bitin na sagot ni Kuh.

Lumalabas na lovelife din pala ang reason ng kanyang pagiging emotional. Sa kanilangapat nga, si Kuh lang ang walang special someone, other than her daughterIsabella, na umakyat ng stage at nag-abot ng bulaklak sa kanya. Regine has OgieAlcasid, na siyang masipag na naging photographer that night for the Asia's Songbird. Pops naman has Jomari Yllana na nasa isang front seat. And Zsa Zsa, ofcourse, has Dolphy, na kasama pa ang kanilang dalawang dalaga na sina Nicole atZia.

"Siyempre, love song yun [‘I Will Always Love You], e,"paliwanag ni Kuh. "Talagang may minamahal ako sa buhay. Kaya lang, kung minsannga lang, may mga challenges, may mga test sa buhay. Pero nagpapasalamat langako na may mga kaibigan at may Panginoon na nagbibigay sa akin ng strength.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"And this show, this is so special to me. I thank the three divas—sina Regine, Zsa Zsa, and Pops—for working very hard. Alam ko, pagod napagod sila. Pagod na pagod na kami actually, pero we just really gave our bestto the audience. Maraming-maraming salamat sa suporta."

WHY ROWELL RESIGNED. Divas 4 Divas is also considered another milestone on Kuh'spart, being a concert producer. Ito ay sa kabila ng ilang naging balakid bagoang mismong concert. Nandiyan pang nawala ang original director nila, si Rowell Santiago, at pinalitan nga ito ni Johnny Manahan.

"Well, ako kasi, simple lang akong tao," sabi ni Kuh. "Kapagsinabi mo sa akin na hindi puwede, kahit na nag-promise ka, wala akong magagawa.But there will be another time, I know. I've been wanting to work with Rowell.

"Rowell, mahal kita, at hindi totoo yung sinasabi sa mgadiyaryo na binastos ko si Rowell. Walang katotohanan yun. Dahil nang tinawaganako ni Rowell after the show of Gary Valenciano, alam ko na napagod din siya rundahil napakahirap na show nun. Sabi niya, ‘I don't have enough time.'

"At saka siguro feeling niya, he's very challenged with us.Lahat kami, ang schedules namin, very busy. Kaya sabi ko, ‘Okey, siguradoka ba?' Sabi naman niya, ‘Yeah.' Sabi ko, ‘Wala kang problema sa akin, ha?' Sabiniya, ‘Oo.' So, siguro na-misinterpret lang ng ibang tao."

TV COVERAGE.Dahil ang media partner ng Divas 4 Divas ay ang GMA-7, sinasabingsa Kapuso network maipapalabas ang concert. Totoo ba ito?

"Hindi ko pa alam kung maipapalabas sa TV. Wala, e, wala pakaming plano. People want us to show it, pero alam mo naman... Hindi na natinkailangang i-explain ‘yan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
"Pero definitely, we're gonna go on a U.S. tourstarting March. And then, we'll go home on April and we'll go back again onMay. We have 18 to 20-city tour. It's a very exciting show. Bonding na rinnaming apat and we're gonna have such great time talaga!" pagtatapos ni Kuh.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN