Karylle admits she was nervous while singing national anthem at Pacquiao-De La Hoya match

"Hay, grabe, nakakanerbiyos pala talaga! Peroang maganda dun, after ng match, talagang ang daming lumapit sa akin na mgaFilipino at mga Mexicano, at pati Amerikano na nag-congratulate sila sa akin.Nagulat talaga ako kasi ang dami talaga! Tapos, nagpa-picture pa silang lahat!" relates Karylle about singing "Lupang Hinirang" in Vegas.



Ilang oras pagkatapos durugin ni Manny Pacquiao si Oscar dela Hoya sa kanilang boxing match kahapon, December 7 (December 6, U.S. time),ay nakausap via phone patch ni John "Sweet" Lapus si Karylle sa Showbiz Central. Si Karylle angumawit ng Philippine national anthem sa Pacquiao-De La Hoya match na ginanap saMGM Theater sa Las Vegas, Nevada.

Halata sa tono ng boses ni Karylle ang nararamdamangkaligayahan habang kausap niya si Sweet. Pero marami rin ang nakapansin na may tensiyonsi Karylle habang kumakanta at hindi naman niya ito itinanggi.

"Hay, grabe, nakakanerbiyos pala talaga!" sambit niya. "Peroang maganda dun, after ng match, talagang ang daming lumapit sa akin na mgaFilipino at mga Mexicano, at pati Amerikano na nag-congratulate sila sa akin.Nagulat talaga ako kasi ang dami talaga! Tapos, nagpa-picture pa silang lahat!"

Nakausap ba ni Karylle si Manny bago ang laban nito?

"Oo, magkasama kaming lahat sa kuwarto niya. Kasi parang maymass doon. Traditionally, may misa. Tapos, nag-uusap sila, nagtatawanan," lahadni Karylle.

Mukha bang kabado si Manny before the game?

"Hindi, relaxed na relaxed siya. At ang maganda pa, nagpapatawanga kasi magbi-birthday nga raw siya [on December 17]. And he's turning 22 daw. So, Ate Karyllepa nga yata ako ni Manny!" natatawang kuwento niya.

May mensahe bang sinabi sa kanya si Manny bago siya kumantasa harapan ng napakaraming tao sa MGM Theater?

"Wala," sagot ng singer-actress. "Basta sabi niya, piniliniya ako dahil alam niyang kaya ko. So, konting salita lang na ganoon, talagangnakakataba ng puso. Parang it gave me the strength and the courage to do what Ihave to do."

Pagkatapos nito ay tinanong naman ni Sweet si Karylle kungnakita niya sa loob ng MGM Theater ang ex-boyfriend niya na si Dingdong Dantes,na nanood din ng boxing match.

"Ang nakita ko rito, si Tita Imelda Papin!" natatawang sabini Karylle. "Si Tita Anabelle Rama, Tito Eddie Gutierrez, so hindi ko alamkung siya yung nakita ko. Parang nakasalubong ko siya, pero hindi ko sure.Kasi yun ang time na paakyat na ko sa ring."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa huli, hiningan ni Sweet si Karylle ng mensahe para sa mgataong pumuri sa pagkanta niya ng Pambansang Awit.

"Siyempre, gusto ko lang magpasalamat sa lahat ngnag-pray for me. Sa lahat ng mga Filipino na nakilala ko rito. At saka yung mgaFilipino rin diyan. Alam mo, nakita ko sila and when they saw them there, talagangsinabi nila, good luck. Na-feel ko yung importance na gagawin ko. I just want tothank everyone."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN