Glaiza de Castro had a dream about Marky Cielo before he passed away

"Basta ang unforgettable sa akin ay yung panaginip ko.Ang balik nga niya sa akin sa reply niya, ang alam daw niya, pag ang tao aylaging napapaginipan ng ibang tao, mamamatay na," recalls Glaiza de Castro about one of her conversations with former screen partner Marky Cielo.



Unang gabi ng lamay ng namayapang young actor na si MarkyCielo ay nagpunta na agad ang PEP (Philippine Entertainment Portal) saAntipolo. Inabutan namin ang maraming fans na nasa harap ng St. Peter MemorialChapel, malapit sa Antipolo Church, na nag-aabang ng masisilayang mgaartistang magbibigay ng last respects kay Marky.

Pagpanhik pa lang namin sa second floor, nakasalubong na naminang ilang mga kaibigang nagmamahal sa StarStruck 3 Ultimate Sole Survivor, kabilang na si Glaiza de Castro.

Si Glaiza ang isa sa pinakamalapit kay Marky dahil nagingmagka-love team sila sa ilang programa ng GMA-7, kagaya ng Fantastikids, Boys Nxt Door, Kaputol ng Isang Awit, at AsianTreasures. Kaya hindi mapapasubaliang naging close ang dalawa.

"Hindi ko talaga akalaing mangyayari ito!" simulani Glaiza, na obvious na nasa state of shock at denial pa. "Ang totooniyan, nasa shooting ako ngayon sa The Fort ng Rock En Roll [kasama siJason Abalos at Diether Ocampo, directed by Quark Henares], nagpaalam lang akokay Direk.

Nagpaunlak ng panayam si Glaiza sa PEP (Philippine Entertainment Portal).

"Nung una kasi, ang sabi, dadalhin agad ang bangkay niMarky sa Mountain Province bukas, kaya kahit nasa kalagitnaan kami ng shooting,pumunta ako dito sa Antipolo. Yun pala, baka daw mag-stay muna dito ng two daysat malamang sa Wednesday [na dalhin], yun yata ang plano ng family."

Sa kuwento ni Glaiza, tipong may pagpaparamdamna magpapaalam na sa mundo si Marky.

"Grabe, parang may pagpaparamdam na siyalately sa akin, pero dinedma ko lang talaga. Alam n'yo po bang napaniginipan ko siya? Ang panaginip ko, silang dalawa ni Rich [Asuncion, StarStruck 4 FirstPrincess] parang tinutukso-tukso ko, magkasama sila sa kotse.

"Ka-text ko pa si Marky kahapon [December 6] at yunnga, tinext ko na napanaginipan ko sila ni Rich. May guesting ako noon sa EatBulaga!, at kasama ko pa si Rich that time. Kaya tawa ako nang tawa sa kuwentoko, tumatawa rin lang si Rich.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Tapos, ang text back sa akin ni Marky, marami rawsiyang naririnig na napapaginipan din siya. Ang sabi niya, 'Bakit kaya maramingnagsasabing napaginipan nila ako, mamamatay na kaya ako?' Na talagang ngayon kolang naalala yung sinabi niyang yun, kaya kinilabutan ako!

"Hindi naman kasi siya ganyan, e. Napakabait na taoniyan. Sobrang close kami dahil halos lahat nga ng TV shows ko, kasama ko siya,"malungkot na lahad ni Glaiza.

Feeling ba ni Glaiza ay pangitain yun na magpapaalam na ngasi Marky?

"Ewan ko ba talaga, ang weird talaga ng feeling," sabiniya. "Hanggang ngayon, hindi pa rin nagsi-sink in sa akin ang mganangyayaring ito ngayon. Kaya ko nalaman, sunud-sunod ang mga tawag ninaAlchris [Galura, Glaiza's brother], Chino [Sarenas, her road manager], at DirekManny [Valera, his business manager]. Kaya talagang nataranta ako. Nataranta kaminglahat!"

Gaano ba niya kakilala si Marky? May usap-usapan kasi na hindibangungot ang sanhi ng pagkamatay ng young actor kundi, ayon sa ilang unconfirmed reportsand sources, ay suicide daw sahindi malamang kadahilanan.

"Hindi ko talaga alam," sagot ni Glaiza. "Gosh, huwagnaman, hindi naman siguro! Pero kasi, ang masasabi ko lang kay Marky,napakabait na tao niyan, mabuting kaibigan, very professional sa set. Hindi mo'yan makikitaan ng problematic siya. Pero sa pagkakakilala ko rin sakanya, hindi siya open, e. Very rare siyang magse-share ng personal problemsniya or what. More on trabaho ang mga pinag-uusapan namin."

Pero may nasabi raw si Marky kay Glaiza na naaalala niyangmaaaring may matinding laman o kahulugan.

"Very rare na nasabi niya sa akin na, 'Pag maramingproblema ang isang tao, mamamatay siya.' Pero hindi ko na matandaan kung anoang topic of conversation namin nang nasabi niya yun sa akin. Hindi ko talagasineryoso yun, e. Malay ba naman natin, di ba?

"Basta ang unforgettable sa akin ay yung panaginip ko.Ang balik nga niya sa akin sa reply niya, ang alam daw niya, pag ang tao aylaging napapaginipan ng ibang tao, mamamatay na," nakakakilabot na kuwento ni Glaiza.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ayon kay Glaiza, huli raw silang nagkasama ni Marky sataping ng All Star K.

"Mga last week of October namin tineyp yun. Tapos, kahaponnga lang, ka-text ko siya. Pero eto, at iniwan na niya tayo!" naluluhangsabi ni Glaiza.

Nakaburol ang mga labi ni Marky sa kanilang tahanan saMission Hills sa Antipolo City. Sa Miyerkules, December 10, ay dadalhin angkanyang bangkay sa Mountain Province, kung ihahatid siya sa kanyang hulinghantungan.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN