Producer Jomari Yllana says Pops-Martin concert is "99 percent" sure

"I'm just honored and privileged to be the one theychose na mag-produce ng concert nila. And for that, I will make it a point togive the audience the best Martin and Pops show ever. So, sa akin, yun lang‘yun. We'll try our best," says Jomari Yllana about the concert of girlfriend Pops Fernandez (inset) and her ex-husband Martin Nievera that he'll produce next year.



Ngayong araw na ito, December 8, ang third anniversary nina Jomari Yllana at Pops Fernandez bilangmagkasintahan. Sa December 12 naman angmismong birthday ni Pops.

Pero bago dumating ang dalawang espesyal na araw nayun sa buhay nila, all out munang ipinakita ni Jomari ang kanyang suporta kayPops sa Divas 4 Divas, ang concert ni Pops with fellow divas Kuh Ledesma, ZsaZsa Padilla, and Regine Velasquez, last Saturday, December 6, at AranetaColiseum.

Very vocal na rin sila sa kanilang relasyon dahil samismong concert, ilang beses binanggit ni Pops ang pangalan ni Jomari, nanakaupo sa front row. Kasama naman ni Jomari na dumating at nanoood ng concertang kanyang ina.

Ayon kay Jomari, nang makausap siya ng PEP (PhilippineEntertainment Portal) before the concert, confident naman daw siyangkayang-kaya ni Pops ang anumang gawin nito.

"This concert is very special. Minsan lang mangyari ito,baka hindi na maulit. Apat na divas, big production. Baka hindi na maulit, sowe have to see it. At saka sa support, kayang-kaya na niya ‘yan. Kahat kaminandito para manood at para mag-enjoy," nakangiting pahayag ni Jomari.

MARTIN-POPS CONCERT. Kinuha na rin ng PEP ang pagkakataon para kumpirmahin kayJomari ang balitang plano niyang pagpo-produce ng reunion concert ni Popskasama ang ex-husband nitong si Martin Nievera next year.

"We are really getting close to closing a good deal," sabiniya. "And so far, it's very positive at wala kaming nakikitang problema. So,most likely, siguro mga 99 percent na tuloy na."

Bakit niya naisipang ipag-produce ng concert ang dalawa?

Ani Jomari, "You know, there will come a time in life whereyou wanna grow as an artist. At kung napapanahon, napapanahon. Hindi namanplinano ito. Hindi rin naman napag-usapan. Bigla na lang dumating.

"As an artist, siyempre, I love acting and I love doingroles na hindi ko pa nagagawa. But I need to do something more than that. Iwant to grow. My heart goes to cinema pa rin. But sad to say, Regal Films, GMAFilms, and Star Cinema are really the only ones, very big, pagdating saganyan. So, gusto ko naman ng isangstep further, that is, into production. So, now, I'm trying... I'm gonna tryconcert production," paliwanag ng aktor.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ayon kay Jomari, nanggaling daw ang idea kina Martin at Popsmismo.

"Actually, desisyon nilang dalawa yun. I have nothing to dowith the decision na puwede nilang gawin. I was just there to offer. The ideacame from Pops. Doon nanganak yung idea, e. Doon nagsimula yun. So, nagkasundo yungdalawa na gusto nilang gawin.

"And I'm just honored and privileged to be the one theychose na mag-produce ng concert nila. And for that, I will make it a point togive the audience the best Martin and Pops show ever. So, sa akin, yun lang yun. We'll try our best," saad ni Jomari.

Sa pagiging producer ni Jomari ng concert nina Pops atMartin, senyales ba ito na everything's okay sa kanilang tatlo?

"We have no problem whatsoever," sagot niya. "Wala kamingnagiging problema and I really consider them as family—Martin, Pops, the kids,the two boys [Robin and Ram]. And malaki ang puso ko na parang ganoon din namanang tingin nila sa akin. And Martin is a very good man."

SO, WHEN IS THE WEDDING? So, what's stopping Jomari from marrying Pops?

"Actually, ang gusto kong ikasal ngayon... Para sa isang gabi lang,ha, sina Martin at si Pops!" natatawang biro niya.

Dahil kasama ni Jomari ang kanyang mommy sa concert ninaPops, nahingan din ito ng reaksiyon kung ano ang masasabi niya kung sakali atpapakasal na nga ang anak niya kay Pops.

Masaya raw siya para kay Jomari at Pops at very supportive dawsiya sa dalawa. "We love Pops. Gusto na namin siya, ever since," sabi ng inani Jomari.

Nakangiti namang pahayag ni Jomari, "Sa amin naman, kungdarating ‘yan, darating ‘yan. Marami kaming gustong gawin at marami pangnaghihintay na puwedeng gawin. So, kung darating yun, darating talaga."

Naniniwala pa rin ba si Jomari sa kasal after his failedmarriage with ex-wife Aiko Melendez?

"Of course! I still believe in marriage. Marriage is thebond at nagsisimula lahat from new generation to everything. I still believe inmarriage. Sa kasamaang palad, tayo ay nabigo lang minsan. Pero that doesn'tstop us to grow more and to do better the next time."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN