Phoemela Baranda talks about her panic in "Pinoy Fear Factor"

The Buzz segment host Phoemela Baranda was interviewed by Ruffa Gutierrez on the show about her elimination from Pinoy Fear Factor. Phoem was the third participante to be eliminated in the ABS-CBN reality show.



Ang TV host na si Phoemela Baranda ang latest naparticipante na na-eliminate sa Pinoy Fear Factor. Gaya ng mga naunangnatanggal na participante, in-interview rin si Phoemela sa The Buzz, kung saansegment host siya. Si Ruffa Gutierrez angnag-interview kay Phoem.

Isang big revelation ang isiniwalat ng The Buzz, na isangArgentinian daw ang nagka-crush sa model-TV host. Ang Argentinian na ito, nanangngangalan daw na "Jovi," ay isa sa mga crew sa Pinoy Fear Factor habangnagsu-shooting sila sa Argentina.

Bago mag-start ang interview, nilinaw nina Ruffa at Phoem nahindi Jovi ang pangalan ng Argentinian kundi "Javi."

"Actually, crush ko rin naman siya!" sabi ni Phoem, sabaytawa.

So, guwapo talaga siya?

"Yes. Ang dami kasing guwapo sa Argentina!"

So, nanligaw ba naman siya sa iyo?

"Hindi kasi siya marunong mag-English. Kasi sabi ko sakanya, ‘Hi!' Sabi niya... [nag-facial reaction si Phoem na parang bumabati angArgentinian]."

Reaksiyon naman ni Ruffa, "Okay lang yun. Kami naman niYilmaz [Bektas, ex-husband ni Ruffa], nag-start kami na hindi naman kaminag-uusap talaga, sign language lang."

"Well, wala kaming time. Pero si LJ [Moreno], nagka-love life,"pambubuko ni Phoem.

So, naka-love life si LJ?

"Yeah, si Maxi naman."

PHOEM IS OUT. Bago interbyuhin si Phoemela, ipinakita muna ang video ngpagkatalo at pagkakatanggal ni Phoem.

"Phoem, nakita ko yung video kanina. Lumabas ka sa tangke nafull of snakes. Bakit hindi mo tinapos yung stunt na ‘yon?" tanong ni Ruffa kayPhoem.

"Well, actually, talagang nakakatakot na yung tank. And hinditalaga ako marunong mag-dive. So, nag-panic na ako. Pagpasok ko sa water, supercold, tapos ang daming snakes, hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko," lahadng TV personality.

Kumakagat ba yung snakes?

"Yeah, si Jose twice! Si Jose kasi yung second na nag-stunttapos ako, first sa girls. Parang, ‘Oh my gosh, hindi ko kaya ito!" Pero trinayko, pero pagpasok ko talaga, gininaw na ako. Hindi ko na alam kung ano anggagawin ko. Nag-panic na ako."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sino ba sa mga kasamahan mo ang hindi mo nakasundo dahilpikon na pikon ka at hindi mo nagustuhan how he treats girls?

"Si Jommy talaga noong una. But Jommy now, magkaibigan nakami. It's all in the competition. Kasi mahilig siyang mag-heckler. Inaasarniya lahat. Yun ang style niya, asarin niya lahat ng kasali para mawala yungfocus," sabi ni Phoem.

Nag-away ba kayo when you were there?

"Nag-aasaran lang kami."

COLD CHRISTMAS? Pagkatapos nito ay iniba na ni Ruffa ang topic. Ani Ruffa, "Phoem,pagkatapos ng Pinoy Fear Factor, pag-usapan naman natin ang Christmas. Balitako napakalamig daw ng Christmas mo this year kasi wala ka na raw boyfriend [IraCruz]. Paki-clarify naman?"

"No, no... We're doing good now," tanggi ni Phoem.

"Sabi mo sa akin last month, wala na. Bakit ngayon kayo naulit?" tanong ulit ni Ruffa.

"Ano ba? Bakit n'yo ako hina-hot seat? Pinagpapawisan tuloyako! Basta we're doing good now. We're better than before," sagot ni Phoem.

"So, kayo pa rin? Siyempre, there are guys out there whohave a crush on you, baka they can court you na?"

Natawa nang malakas si Phoem, sabay sabing, "Akala ko baPinoy Fear Factor ito?"

"So, kayo pa ri ni Ira?"

"We're doing better now," ulit ni Phoem.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN