Ogie Alcasid breezes through "Showbiz Central" questions

"Puso ko lang naman talaga ang maibibigay ko. Alam n'yo naman si Regine, mahirap regaluhan ‘yan ng mga materyal na bagay.Pero sinulatan ko siya ng love letter. You know, gustung-gusto niya yun. Yungold school na sumusulat ka ng card, ganoon," says Ogie Alcasid.



Sumalang noong Linggo, December 7, ang singer-comedian na siOgie Alcasid sa "Central Jury" ng Showbiz Central. Hindi lamang sina Pia Guanioat Rufa Mae Quinto ang humarap at nag-interrogate kay Ogie, kundi pati na angmatalik na kaibigan ni Ogie na si Michael V, na nasa linya ng telepono.

Tinanong ni Michael V si Ogie kung ano ang nangyari atnakalimutan niya ang anniversary nila ng kanyang kasintahan na si RegineVelasquez.

"Lilinawin ko muna, ha, hindi ko naman nakalimutan, naalalako at binati ko naman siya. Yun nga lang, ang hindi ko nagawa, ang ipagpalibanang araw na yun sa pagtatrabaho. Alam mo naman tayo, marami tayong pinapakain!"natatawang biro niya.

Dagdag ni Ogie, "Pero ako naman, bumawi naman ako. Perosiyempre, hindi maiiwasan na yung minamahal mo, magtampo. You chose to workinstead of celebrate with her."

Ano naman ang ginawa niyang pambawi?

"Puso ko lang naman talaga ang maibibigay ko," sabi ni Ogie."Alam n'yo naman si Regine, mahirap regaluhan ‘yan ng mga materyal na bagay.Pero sinulatan ko siya ng love letter. You know, gustung-gusto niya yun. Yungold school na sumusulat ka ng card, ganoon."

"Hindi rin!" hirit naman ni Michael V.

"Hindi ba?" tawa ni Ogie.

Pumunta ng Australia si Ogie kamakailan, pero bakit hindiniya isinama si Regine?

"Alam n'yo, yung pagpunta ko sa Australia, biglaan langtalaga yun," sabi ni Ogie. "Wala sa plano. After kong tinapos yung film, medyo na-stressed out ako. So I left.Na-miss ko yung mga anak ko.

"At siyempre, si Regine, meron naman ‘yang... Naghahanda ‘yanfor her concert [Divas 4 Divas]. Siyempre, hindi ko naman masabi. At sandalilang ako ro'n, tatlong araw lang, apat na araw lang, makita ko lang ang mgaanak ko."

Tinanong ni Michael V si Ogie kung paano niya maipapaliwanagsa kanyang mga anak ang role niya bilang babae sa pelikulang Desperadas 2.

"Alam mo, sa puntong ‘yan, ang galing mong magtawid ngquestion," sabi ni Ogie kay Bitoy. "Pero siyempre ako, ipinakita ko agad sa mgaanak ko yung picture ko. I told them, ‘Kids, this is me. This is your dad's jobright now.' Noong nakita nila ‘yan, sabi nila, ‘Is that your job, dad?' Sabi konaman, ‘Yes, unfortunately.' Pero natawa naman sila. They understand."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ibinuko rin ni Michael V na may first time daw na ginawa niOgie sa Desperadas 2—ang makipaghalikan sa kapwa niya lalaki.

Sabi naman ni Ogie, "Kapag nakita mo yung kahalikan ko,hahalikan mo rin! Napaka-cute, napakaganda ng katawan! Alam mo, naglaban angdalawa kong kalooban... Si Carlo Guevara [Be Bench winner], napakagandanglalaki."

Natawa naman nang todo si Ogie sa "Killer Question," peromas pinili niya ang "Killer Task." Sa concert kasi na Divas 4 Divas, sobrangnaging emosyunal si Regine sa pagkanta ng "And I Love You So," na dedicated dawniya kay Ogie. Dapat ay sagutin din daw ni Ogie ang kantang yun sa pamamagitandin ng isang kanta.

"Alam n'yo ang sagot ko riyan, yung galing sa puso ko," sabini Ogie, sabay banat ng "Kailangan Kita" na sarili niyang komposisyon.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN