Enchong Dee torn between Miriam Defensor-Santiago and Rodrigo Duterte for president

Apr 29, 2016
<p>Dalawa na lang ang pinagpipilian ni Enchong Dee mula sa limang kumakandidato sa pagka-presidente para sa May 2016 elections. Ito ay sina Senator Miriam Defensor-Santiago at Davao City Mayor Rodrigo Duterte. Mayroon pa naman daw siyang ilang araw upang

Eksaktong sampung araw bago ang halalan sa May 9, dalawa na lamang mula sa limang presidentiables ang pinagpipilian ng Kapamilya actor na si Enchong Dee.

Sa pamamagitan ng Twitter ngayong Biyernes, April 29, ibinahagi ni Enchong na kasalukuyan pa rin siyang naninimbang kung sino kina Senator Miriam Defensor-Santiago ng People’s Reform Party at Mayor Rodrigo Duterte ng PDP-Laban ang kanyang susuportahan sa pagka-presidente.

Nauna nang nagdeklara si Enchong na si Liberal Party vice-presidential candidate Leni Robredo ang kanyang iboboto sa pagka-pangalawang pangulo ng bansa.

Bakit Bise Presidente ko si Cong. #LeniRobredo? 1. Pinanganak at lumaki ako sa Naga City na ang mayor ay si late Sec. Jessy Robredo, kahit sino tanungin mo sa probinsya namin alam kung gaano kabuti at kasipag ang pamilya nila para makatulong sa kapwa, oo pati mga anak nila (Aika, Tricia, Jilian). 2. Hindi sila magnanakaw at Hindi sila namimigay ng pera sa kahit anong special occasion pero araw araw pinalalawak nila ang karunungan para kami mismong mga Nagueño matuto kung paano mamuhay ng sarili at malinis. 3. Hindi ko sya iboboto dahil sumakabilang buhay si Sec. Jess, kundi dahil sa totoo lang mas matagal nanilbihan si Cong. Leni Robredo sa Naga City, Camarines Sur ( kahit wala syang posisyon sa gobyerno) kumpera sa mga politikong madalas kong nakikita sa telebisyon. Paano? ????? 4. Dahil marami syang natulungan sa Naga para makamit ang hustisya, paano uli? Dahil mahusay na Attorney sya, na madalas pro bono ang mga cases, opo! Lawyer sya na hindi nagpapabayad kadalasan. 5. HINDI AKO BINAYARAN ng kahit na sino para isulat to, hindi rin ako tinext o tinawagan ng kahit na sino para gawin to, kakagising ko lang at alam ko wala akong nilalabag sa ginagawa ko, bawat isa satin ay may opinyon kaya binabahagi ko lang ang rason ko kung bakit sya ang pangalawang pangulo ko. May responsibilidad tayo bilang #Pilipino para usisain at pag aralan ang mga kandidato, gawin natin yun kasi tayo din naman makikinabang nito sa susunod na anim na taon.

A photo posted by Enchong Dee (@mr_enchongdee) on

Read:  Enchong Dee endorses VP candidate Leni Robredo for free

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
<p>Dalawa na lang ang pinagpipilian ni Enchong Dee mula sa limang kumakandidato sa pagka-presidente para sa May 2016 elections. Ito ay sina Senator Miriam Defensor-Santiago at Davao City Mayor Rodrigo Duterte. Mayroon pa naman daw siyang ilang araw upang
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results