Mart Escudero will surprise girlfriend Jennica Garcia on their first anniversary

"Hindi ko naman masasabing hindi ako seryoso, pero siguropangit din sa iba yung sasabihin kong seryoso ako. Pero ang sa akin lang,hangga't maaari, maayos ang relasyon namin. Mga bata pa kami. Marami pa kamingibang dapat na intindihin. Ang sa akin lang, maging maayos ang relasyon namin.Mas magtagal pa kami dahil yun talaga ang hangad ko," says Mart Escudero about his relationship with girlfriend Jennica Garcia.




Si Mart Escudero na mismo ang nagsabing "additionalcharacter" lang siya sa "Nieves" episode ng Shake, Rattle & Roll X, peromaganda naman daw ang ginampanan niyang role. In fact, naaaliw nga siya sapagkukuwento kung ano ang role niya sa pelikulang ito na entry sa 2008 Metro Manila Film Festival.

"Ako si Celso rito, mareklamo, sakit ng ulo. Parangkakainisan mo kasi puro reklamo na lang ako nang reklamo. Pero magbabago rinnaman bandang gitna dahil mapo-possess ako. May mangyayari sa akin na hindimaganda," paglalarawan ni Mart sa kanyang role nang makausap siya ng PEP(Philippine Entertainment Portal) sa presscon ng Shake, Rattle & Roll Xnoong Martes, December 9, sa Imperial Palace Suites.

Magkasama raw sila ng girlfriend na si Jennica Garcia sa"Nieves," pero wala raw silang love angle rito.

"Parang hinabol lang nga po kasi ang character ko rito,"banggit ni Mart. "Pero okey rin naman. Para at least, ma-miss din naman ponila. Hanapin naman po nila. Parang ganoon."

ONE-YEAR ANNIVERSARY. Mag-iisang taon na raw sila ni Jennica ngayong December.Pero kahit anong pilit namin, ayaw sabihin ni Mart kung ano ang exact date ngkanilang anniversary.

"Basta, ngayong buwan na ito," sabi lang niya.

May mga pinaplano na ba siya sa anniversary nila?

"Hindi ko pa sinasabi. Kasi kung anuman ang gagawin ko sakanya, gagawin ko sa araw na yun. Pero may nire-ready ako, pero hindi ko munasasabihin kasi baka malaman niya," ani Mart.

May pinaghahandaan na rin daw siyang anniversary gift kayJennica.

"Gusto niya ng pet, e. May inaalagaan siya dati, kaso walana...matanda na kasi."

Paano niya ide-describe ang one-year relationship nila niJennica?

"Katulad din ng iba, may araw na maganda, may araw na hindimaganda. Basta ang sa akin lang, kahit na ano'ng mangyari, mas iintindihin kopa rin ang makapag-ayos. Maging matibay ang pagsasama namin kesa maghiwalay,"saad ni Mart.

Masasabi ba niyang seryoso na talaga sila sa isa't isa niJennica?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Hindi ko naman masasabing hindi ako seryoso, pero siguropangit din sa iba yung sasabihin kong seryoso ako. Pero ang sa akin lang,hangga't maaari, maayos ang relasyon namin. Mga bata pa kami. Marami pa kamingibang dapat na intindihin. Ang sa akin lang, maging maayos ang relasyon namin.Mas magtagal pa kami dahil yun talaga ang hangad ko," paliwanag niya.

LOSING A BROTHER. Bilang mga produkto ng StarStruck, angreality-based artista search ng GMA-7, hindi lamang kaibigan ang turingan niMart at ng yumaong aktor na si Marky Cielo kundi bilang magkapatid na. Kayaganoon na lang daw ang pagkabigla ni Mart nang malaman niya ang pagpanaw niMarky noong December 7.

"May nag-text sa akin, nasa Cavite ako. Tinatanong kungtotoo raw ba ang nangyari kay Marky. Balita raw nila, binangungot. Sabi ko, ‘Ha?Hindi ko pa alam!' So, nag-text ako sa kanya [Marky], after 10 minutes, walangreply.

"Tumawag ako nang apat na beses, walang sumasagot. Doon langako kinabahan. Dati kasi, isang text, isang tawag, sagot kaagad at saka palagipa niyang hawak ang telepono niya. Tapos bandang hapon ko na napanood sa newskung ano ang nangyari. Nagtanong-tanong ako kung nasaan si Marky, nagpunta na akoagad," kuwento ni Mart.

Isa pa sa ikinalulungkot ni Mart, hindi man lang dawniya nakausap o wala man lang sinabi sa kanya si Marky noong huli silang nagkasama.

"Magkasama kami noong Biyernes [December 5]. Tapos, noongmga nakaraang araw, wala siyang nasasabing problema or kahit anong hindimaganda tungkol sa kanya. Kung anumang dahilan kung bakit nangyari yun, wala siyangsinabi. Wala akong nalaman kaya nagulat ako."

Kung may chance, gusto rin daw niyang maihatid pa rin sahuling hantungan si Marky sa probinsiya nito sa Bauko, Mountain Province.

"Kung magbibigay sila ng service, or sasabihin na puwedengmag-convoy sa araw ng libing, pupunta ako. Pero sa ngayon, hindi ko pa rin alamkung kailan talaga yung libing," ani Mart.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ano ang pakiramdam na nabawasan na talaga sila ng isa sa StarStruck?

"Ayoko ngang maniwala, ayokong isipin na ganoon. Masakit, mabigat,"napapailing na sabi ni Mart.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN