Moymoy Palaboy brothers of "Bubble Gang" are now recording artists

Moymoy Palaboy is composed of brothers Rodfil (left) and James Obeso (right). After gaining fame from their music videos where they lip sync famous songs, they are now certified recording artists via the soundtrack of the animated film Dayo.



Humahataw ang career nina Moymoy Palaboy ngayon. Pagkatapos maging sikat at instant sensations sa YouTube ang tandem nina Moymoy Palaboyat Roadfill dahil sa kanilang nakatutuwang uploaded videos at magkaroon ngsegments sa MTV at Bubble Gang, ngayon aycertified recording artists na sila.

Isa ang Moymoy Palaboy sa featured artists sa soundtrackalbum ng Dayo: Sa Mundo ng Elementalia, ang full-length digital animated moviena entry ng Cutting Edge Productions sa 2008 Metro Manila Film Festival. Angkanilang kantang "Kapit"—na may music video sa CD produced by Cutting Edgereleased by Sony-BMG Music—ay tungkol sa pagkakaibigan.

Bukod sa kanta ng Moymoy Palaboy, kasama rin sa Dayo album namay music video din ang theme song na "Lipad," na inawit nginternational star na si Lea Salonga with the Filharmonika as conducted byGerard Salonga, at ang rock version ng "Lipad" by Roots of Nature. Ang iba pangtracks sa Dayo soundtrack ay "Daybreak" by Juan Lunar, ""Kasalo at Kasuyo" byNoel Cabangon, at ""Pang-surprise" by Jay Durias. Nasa naturang soundtrackalbum din ang original music score ng Dayo, kabilang na ang "Elementalia"performed by Joey Ayala.

BROTHERS IN REAL LIFE. Collectively, ang tawag sa tandem nila ay Moymoy Palaboy.Pero dalawa talaga sila—sina Moymoy Palaboy at Roadfill. Ang tandem na ito aybinubuo ng magkapatid sa totoong buhay na sina James Obeso, 25 years old, atRodfil Obeso, 23.

Na-interview sila ng PEP (Philippine Entertainment Portal)kahapon, December 11, sa Ratsky Bar and Restaurant sa Tomas Morato Quezon City,during the launching of Dayo soundtrack album; kasabay ng presscon para savoice talents ng mga natatanging karakter sa Dayo na kinabibilangan nina NashAguas, Katrina Legaspi, Nova Villa, Pocholo Gonzales, at Peque Gallaga.

Ano ang feeling na recording artists na sila?

"Hindi nga namin alam recording artists na kami, e,"pakengkoy na sabi ni Moymoy Palaboy gamit ang ibang boses.

Naitanong tuloy ng PEP kung bakit kailangang ibahin nila angkanilang boses gayung totoong boses nila ang ginamit nila sa recording ng"Kapit."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Sa ngayon po, ganun muna ang ginagawa namin dahil nga saBubble Gang ay iba't ibang boses at kanta ang nili-lip sync namin. Pero daratingdin po ang time na gagamitin din namin ang totoong boses namin," paliwanag niRoadfill.

Hindi ba sila nanibago dahil sa mga videos nila ay nagli-lypsync lang sila, pero ngayon ay totoong boses na nila ang ginamit nila?

"Hindi naman. Explore lang," sagot ni Roadfill.

Sinabi ba sa kanila ng producers ng Dayo na gamitin nila angtotoong boses nila?

"Kasi nakita nila kaming kumakanta. Sabi nila, ‘Sige ngai-try natin, kumakanta pala kayo.' So, ayun, nag-recording nga kami tapos maymusic video pa," pahayag ni Moymoy.

YOUTUBE SENSATIONS. Ine-expect ba na nila na dumatingang ganitong opportunity sa kanila?

"Hindi, trip-trip lang naman yung ginawa namin sa YouTube,e," sabi ni Moymoy.

Ayon kay Roadfill, sabit lang naman daw siya at si Moymoy angtalagang may pakana ng kanilang videos sa YouTube.

"Pareho po kaming may account sa YouTube, pero mas nakilalanga po yung Moymoy Palaboy," ani Roadfill.

Natawa ang dalawa nang tanungin ng PEP kung sino na ang masmayaman sa kanila.

"Hindi naman po mayaman, kumikita lang," sabi ni Moymoy. "Atsaka pantay lang po kami ng kinikita. Kung tutuusin nga, sa dami ng hits ngvideos namin, kung piso kada isang hit, milyonaryo na siguro kami ngayon!"

Ayon kay Moymoy, sa lahat ng videos na kanilang in-upload,pinakamaraming hits ang "Marimar" video nila. "Tinalo ng ‘Marimar' yung‘Wannabe' ng Spice Girls. Yung 'Marimar' nasa 4.1 million hits na!" aniya.

Kailan ba sila nasimula sa YouTube?

Kuwento ni Moymoy, "Last year lang. Nag-start kami ako langmuna, solo lang. Si Roadfill yung taga-video. Sa account niya nag-hit, e. Saakin mahina, siguro nasa 100 thousand lang. Sa kanya nasa 400 thousand. Peroyung first na nagsama kami, yung sa Black Eyed Peas, yung ‘Pump It.'"

So, kailan nila ginawa yung "Marimar"?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ani Moymoy, "Yung 'Marimar,' nung pagpasok namin ng BubbleGang. Yung 'Marimar,' matindi ang hits. Kasi four months lang siya, e, peronag-number one siya sa account ko."

So, sa tingin nila nakatulong yung kasikatan ng Marimar withMarian Rivera sa pagdami ng hits ng video na ginawa nila?

"Oo, sikat na sikat noon ang Marimar, e," pagsang-ayon niRoadfill.

Na-meet na ba nila si Marian Rivera?

"Hindi pa nga, e. Pero may ginawa kaming video na kasama ngmga artista—‘Moymoy Palaboy All Stars.' Nandun sina P-chi [Rufa Mae Quinto], Mo[Twister], Goma [Richard Gomez], Dabarkads Jose [Manalo] and Wally [Bayola],Arnel Pineda, Michael V., marami pa," sabi ni Moymoy.

Hindi ba nila naisip na gumawa ng compilation album or DVDng mga videos nila?

"Naisip na rin namin," sabi ni Moymoy. "Eto ang matindi,yung YouTube videos namin, nasa Quiapo na, sa Divisoria, sa bangketa! Naunahanna kami ng mga pirata, e. Balak ko nga pumunta doon e. Sabihin ko 50-50 tayo.Biruin mo yun, sila lang ang kumikita!" biro ni Moymoy.

KAPUSO TALENTS. Regular talent na ba sila ng GMA-7?

"A, kasalukuyan pong ginagawa yung kontrata. Per show palang po kami sa GMA. Sa ngayon po, MTV ang nagma-manage sa amin. Nagkaroon pokami ng segment sa MTV, yung Campus Crashers, nagpupunta po kami sa iba't ibangcampus. Ngayon, gumagawa rin kami ng tipong short films lang sa MTV. Trip-triplang. Yung inilalabas bago mag-commercial," lahad ni Moymoy.

Pero hindi na ba sila puwedeng lumabas sa ibang istasyon?

"Wala pa namang ganung restriction. Pero susundin namin kungano ang sasabihin ng GMA. Sa GMA po kami loyal ngayon," ani Moymoy.

Siyempre, kumikita na sila ngayon, ano na ang mga nabili nilapara sa mga sarili nila?

"Wala. Ipon muna kami. Kasi hindi rin namin alam ito, e, kungmagtutuluy-tuloy. Pero sana magtuluy-tuloy."

Pero okay naman ba ang ibinibigay na talent fee sa kanila ngGMA-7?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Okay naman. Worth it. Malaking tulong."

Okay naman bang katrabaho yung mga artista sa Bubble Gang?

"Okay naman. Mababait silang lahat."

Pero sino yung talagang kasundo nila sa Bubble Gang?

"Si Bitoy [Michael V.], si Ogie da Pogi [Ogie Alcasid], siTonio [Antonio Aquitania], si Dos [Boy 2 Quizon], si Papa Wendell [Ramos]," aniRoadfill.

Nabanggit pa ni Moymoy na noong una raw nilang sabak saBubble Gang ay si Marky Cielo pa ang guest. Nalungkot nga raw sila nangmakatanggap sila ng text tungkol sa pagkamatay ni Marky.

"Mabait si Marky. Nagbi-Bisaya nga kami ng nanay niya, e,kasi sa Cebu kami. Sabi pa ng nanay niya, ‘Yang si Marky ang nagsasabi sa aminkung may bago kayong video sa YouTube.' Pati yung kapatid niya," kuwento niMoymoy.

NO CHANGE. May nabago ba sa kanila ngayong sumikat na sila?

"Wala," sagot ni Moymoy. "Kung ano kami dati, ganun pa rinkami ngayon. Basta kami masaya lang kami sa ginagawa namin. Nagkataon lang ngayonna media na, TV na. Pero natural pa rin, tambay pa rin ako sa kanto. Nakahubadpa rin ako sa kanto namin. Nagugulat nga sila. Sasabihin nila, ‘Di ba, siMoymoy Palaboy ka? Ba't nakahubad ka?'"

Proud ba ang parents nila dahil sa kanilang kasikatanngayon?

"Wala na po kaming parents. Palaboy nga po kami," pabirongsabi ni Moymoy.

Dagdag niya, "Sa tita lang namin kami nakatira."

Ano ang reaksiyon ng tita nila na nae-extra siya sa mgaginagawa nilang videos?

"Actually, wala siyang alam," sabi ni Moymoy. "Mahina langkasi kapag nagre-record kami. Akala niya nag-i-Internet lang kami. Noongmalaman na niya, pinapabura niya yung YouTube namin. Kasi nakakahiya raw, sabiniya. Kasi maraming nag-text sa kanya, ‘Hoy, nakita ka namin sa YouTube!'Ngayon, okay na sa kanya. Ginawan namin siya ng Friendster account!"

VIOLENT REACTIONS. Kung marami ang natutuwa sa kanila, meronna ba sila na-experience na may violent reactions sa mga ginagawa nila?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Oo naman! Sa YouTube pa lang, sari-saring comments," aniMoymoy.

Ano yung worst comment?

"Corny... wala kayong talent. Ang pangit n'yo..." sabi niMoymoy.

"Meron pa ngang nagmumura, e. Meron pang-gay...faggot,ganun," dagdag naman ni Roadfill. "Pero ang nakakatuwa naman, kapag may pangitna isang comment, lima hanggang sampu yung sasagot para ipagtanggol kami.Parang sila na yung nag-aaway. Minsan nga sasabihin, ‘Ang corny n'yo.' Taposmay sasagot, ‘E, di huwag kayong manood. Pinipilit ba kayong manood?'"

Ano ang message nila sa kanilang detractors?

"We love you all!" magkasabay na sabi nina Moymoy atRoadfill.

To see video of Moymoy and Roadfill singing using their own voice click here .


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN