Gian Sotto wants to continue "Iskul Bukol" with Oyo Sotto and Keempee de Leon

"Hindi na lang din po namin iisipin yung comparison, kasiibang tao rin naman po kami. Ibang chemistry naman po siguro ang mailalabasnamin. Kumbaga, parang gusto lang din po naming subukan. Parang just take itstep by step and day by day," says Gian Sotto about his plan to continue Iskul Bukol with cousin Oyo Sotto and Keempee de Leon.



Kasama ang Star Magic artist na si Gian Sotto sa reunionmovie nina Tito, Vic & Joey na Iskul Bukol: 20 Years After. Si Gian angpanganay na anak na lalaki nina Tito Sotto at Helen Gamboa.

Kasama rin sa Iskul Bukol, na entry sa 2008 Metro ManilaFilm Festival ang mga anak nina Vic at Joey na sina Oyo Sotto at Keempee deLeon. Hindi itinanggi ni Gian na may mga pagkakataon na napag-uusapan dawnilang tatlo nina Oyo at Keempee paano kung ituloy nila ang Iskul Bukol sakanilang henerasyon ngayon.

"Palagi nga po naming napag-uusapan. Lalo na po kapagmagkakasama kaming tatlo. Parang sinasabi namin na, ‘Tol, kailangan gawin natinitong TV show na Iskul Bukol. Tayo na ang magtuloy.' Kami naman, ‘Sige, sige,kahit walang bayad!'

"Iba po kasi itong Iskul Bukol, lalo na yung experience naginawa namin sa shooting, especially kasama namin ang parents namin. Anghirap pong ibalik ng moments. Sobrang saya po na kasama namin sila. At sakadream ko po yun, e, makasama ko sa isang pelikula ang daddy ko," ani Gian nangmakausap siya ng PEP sa presscon na ibinigay ng Star Magic sa kanilang talents nanagdiriwang ng kaarawan ngayong buwan ng December.

Naiparating ba nila ang kanilang idea sa kanilang mga ama?

"Nahihiya po kami, e!" natatawang sabi ni Gian. "Siguro po,alam naman nila. Pero actually, hindi nga po namin nabi-bring up sa kanila.Pero siguro nga po, maganda pong i-bring-up namin.

"I'm sure ngayon, parang alam lang nila na gusto namingituloy," sabi ni Gian. "Pero siguro kung i-bring up namin, papayag sila. Kaso, iba po talagasina Tito, Vic & Joey, yun na po talaga sila. Baka mag-suffer lang dinpo kami in comparison.

"Hindi na lang din po namin iisipin yung comparison, kasiibang tao rin naman po kami. Ibang chemistry naman po siguro ang mailalabasnamin. Kumbaga, parang gusto lang din po naming subukan. Parang just take itstep by step and day by day."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

STAR MAGIC TALENT. Since last year ay nasa Star Magic na si Gian. Mismong anghead ng talent arm ng ABS-CBN daw na si Johnny Manahan ang nag-offer sa kanyana maging bahagi ng Star Magic. Sa loob naman daw ng isang taon na nagingbahagi siya ng Star Magic, "very happy and contented" siya sa nagigingpalakad ng career niya.

"Sobrang dami na rin po naibibigay nila sa akin, kaya I'mreally blessed po," banggit ni Gian. "Like now, I'm in Eva Fonda. Ako po yungbad boy dun na best friend ni Baron Geisler.

"Tapos, kakatapos lang din po namin ng indie film, Iliw poyung title. Si Kaye Abad po ang lead. Parang panahon po ng Hapon. Nag-shoot pokami sa Vigan. It's a very good indie film. Pari po ako run, si Padre Jose.It's actually inspired by a true story. Ang galing po ni Kaye rito, ang galingniya! Ang dami kong natutunan sa kanya."

Ang Iliw ay isa raw Ilocano song. Hindi lang daw rito saPilipinas ipalalabas ang indie film na ginawa nila kundi maging sa Japan .

"May kasama rin po kasi kaming mga lead actors na mgaJapanese, like si Hiro Takayama. Pero balita ko po, may screening po yata thisDecember. Hindi ko nga lang po alam ang exact date."

CHILDHOOD DREAM. Mukhang nalilinya na ngayon sa acting si Gian, bagamat ang unaniyang naging daan sa showbiz ay through the band Nerveline, kung saan siya anglead vocalist and guitarist. Ano na ang nangyari sa singing career niya?

"Kasi ano po, yung music, yung Nerveline, palaging naririyansa heart ko. Nandiyan na siya, as a musician. Ako ang lead guitarist at leadvocalist. Gumagawa po ako ng kanta, tapos yun po ang nire-record. Last EntengKabisote 4, may kanta po kaming nakasama run. Kaya lang po siguro ko name-mergeinto acting ngayon, kasi panahon po namin ng pagsusulat ng kanta," saad niGian.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero inamin ni Gian na bata pa lang daw siya ay pangarap naniyang talaga ang umarte. May problema lang daw siyang nakikita noon.

"Dati po kasi, noong ino-offer-an na ako, hindi po talagaako marunong sumayaw. Ngayon ko na lang na-realize na hindi ko naman po palakailangang sumayaw para umarte, so yun po talaga ang naging hadlang ko kaya sabanda ang bagsak ko. Kahit naman po si Daddy, hindi marunong sumayaw. Yun poang totoo!" natatawang pag-amin ni Gian.

Happily married na si Gian at may apat na taong gulang naanak, si Hugo. Pero hindi naging hadlang ang pagiging married man niya parapasukin pa rin ang showbiz.

"Kasi po, siguro po, dahil na rin sa mga roles na naibibigaysa akin, sa mga character roles po. Yung craft ko into acting, yun po talagaang gusto kong matutunan. Kaya hindi po talaga kailangang maging singleka. At saka I feel blessed by the LordJesus, kaya tuloy-tuloy na rin po ang showbiz career ko."

FAMILY FIRST. Kapag wala raw siyang masyadong showbiz commitment,tumutulong din siya sa kanyang kapatid na si Lala Sotto, na councilor sathird district ng Quezon City.

"Kung minsan po, kapag nangangailangan siya ng tulong,palagi po akong nandooon sa kanya, tumutulong po," banggit ni Gian.

Hindi naman daw nagkukulang sa pagbibigay ng advice angkanyang ama sa kanya since he started his showbiz career.

"Si Papa po, ang sa kanya lang, kailangan madali kangkatrabaho sa lahat. Huwag kang magpi-feeling na parang anak ka ni ganito, niganyan. At saka, para sa kanya, mas mabuti na ikaw ang naghihintay sa mgakasama mo at hindi ikaw ang hinihintay. Kaya sa everyday work, ganoon po angginagawa ko.

"Blessed nga po ako kasi dati pa kapag may shooting, taping,sumasama po ako sa kanya. Kaya sanay na rin ako sa hintayan ng matagal. Kayawala po kayong reklamong maririnig sa akin sa ganyan."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

On his younger sister Ciara Sotto, ayon kay Gian ay hindi parin nag-i-start ang show nito sa Las Vegas.

"Bitin na bitin na nga po kami!" natatawa niyang sabi. "Sangayon, hindi pa rin po sila nakakapag-start. Parang sa venue raw po, meron payatang paperworks na hindi pa tapos. Naiintindihan naman ni Ciara na sobrangstrict nga po sa States, na konting paperwork lang na kulang, ide-delay-delaytalaga yung establishment.

"Out of control po niya yung mga paperwork, nandoonnaman po siya to perform lang. Pero uuwi po siya ngayong Christmas at dito rinpo siya magnu-New Year. Tapos, baka bumalik din po siya agad. Hindi pa rin po siyatapos mag-promote ng album niya