Jericho Rosales works with KC Concepcion for the first time in "Katy: Musical"

"Noong sinabi nilang si KC Concepcion ang makakasama ko,talagang ako, ‘Wow, okay!' kasi hindi ko pa talaga nakakasama siKC," says Jericho Rosales about working with KC Concepcion in Katy: Musical.



Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Jericho Rosales pagkatapos ng rehearsal niya para sa Katy: Musical noongHuwebes, December 11, sa mismong studio ni Ryan Cayabyab. Ang Katy: Musical aymapapanood sa December 27 sa Sofitel Hotel, right after the awarding ceremonyof the 2008 Metro Manila Film Festival.

Ikinuwento ni Jericho kung ano ang gagawin niya sa Katy.

"May isa akong sequence, pero mahaba siya with KCConcepcion. May iba-ibang part yun. May old Katy, may young Katy. Bale Iplay the husband of Katy, si Peping. Hindi ko napanood yung play na Katy, peroang ganda, astig, kasi tatapusin namin talaga yung love story nina Katy atPeping. We will sing the song ‘Awit Ko Para Sa ‘Yo,'" excited na kuwento niEcho.

Aminado si Jericho na noong una raw i-offer sa kanya angmusical, wala siyang idea at all sa background ng Katy o kung sino si Katy delaCruz.

"Ako, talagang 'Sino si Katy?' Tapos, sabi nga nila, sabodabil nga raw. Parang may na-mention silang old na pangalan. So, ako, sabiko, sarsuwela ba ‘yan?" natatawa niyang kuwento.

Dagdag niya, "Tapos sabi nga, bodabil nga raw. So, sabiko, astig, kasi nasa classic mode ako dahil sa Baler, di ba? Although, eversince naman, classic boy ako. Mahilig talaga ako sa luma."

Si Katy dela Cruz ang itinuturing na Queen of Bodabil sa Pilipinas.

WORKING WITH KC FOR THE FIRST TIME. Ayon kay Jericho, mas na-excite pa raw siya nang malaman niya kung sino angmakakasama niya sa Katy.

"Noong sinabi nilang si KC Concepcion ang makakasama ko,talagang ako, ‘Wow, okay!' kasi hindi ko pa talaga nakakasama siKC. Actually, ang nagsabi nga sa akin na kasama ko raw si KC sa isangproject, si Mario Dumaual [reporter of ABS-CBN]. Talagang ako, ‘Ha?' Angdami kong news na nalalaman ko lang kapag ini-interview na ako. Kaya ako naman,nae-excite na ko," masaya niyang sabi.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Magkakilala na raw sila ni KC, pero hindi sila close.

"Ang alam ko, nagpunta ko sa debut niya before. Pero angtagal na nun. Tapos after that, wala na. So, first time ko siyangmakakatrabaho. Although, she's close to my manager, Tita Angeli Pangilinan," lahad ni Jericho.

Hindi naman idine-deny ni Echo na isa rin siya sa mga aktorna gusto talagang makatrabaho o makasama si KC.

"Ako siyempre, I would love to. Like now, nakasama ko nasiya. Na-experience ko na kung paano siya mag-work."

Does he admire her?

"Oo naman!" mabilis na sagot ni Jericho. "She's one of thosena parang, ‘Wow!' Of course, she's beautiful. But more than that, she's anartist. Yung pagkahilig niya sa music, acting. For me, para siyang isang anakna magaling na artist at nakikitaan mo rin ng potential. And I like theway na hindi siya yung tipong nakikita kung saan-saan. Actually, yung firstmovie niya [For The First Time], I watched it, sa premiere night."

RELUCTANT TO ACCEPT KATY. Inamin ni Jericho na naging reluctant daw siya nang unangi-offer sa kanya ang Katy.

"Hindi kasi ako nagwo-work as much as possible kapagChristmas. And since may entry kami for MMFF [Metro Manila Film Festival], yungBaler nga, so I said, why not. At first time ko rin itong magpe-perform infront of the actors din," saad ng aktor.

Ayon kay Jericho, hindi pa raw siya nakakagawa ng isangstage play or musical talaga. But it's one thing that he would want to dosomeday.

"Very much, gusto ko talaga!" sambit niya. "Kaya nganagbo-voice lesson ako for that. Kung kani-kanino ako nagbo-voice lesson. Paraat least, ma-practice rin yung voice ko sa ballad. Kasi hindi naman akonagba-ballad, puro pop at saka rock. Good feedback naman from myteachers. Sabi nila, okey naman daw yung voice ko for ballad. Kailangan kolang aralin kung papaano ako kumanta ng ballad."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Katatapos lang kagabi, December 12, ng primetime dramaseries ni Jericho with Malaysian actress Carmen Soo, Kahit Isang Saglit. Malapit na ring ipalabasang MMFF entry na Baler, kung saan si Anne Curtis naman ang katambal niya.

Ngayong in full swing na naman ang kanyang acting career, masasabi pa rin baniyang hindi iiwanan ang pagkanta?

"Hindi! Hindi talaga, with a lot of sacrifices talaga, atleast, nagkaroon ng magandang outcome. After one year, di ba?" sabi niya.

STRONG CONTENDER. Speaking of Baler, ngayon pa lang matunog na ang pangalan niJericho bilang strong contender sa Best Actor for his performance here. Ano angmasasabi niya rito?

"Well, you know, I'm praying about it. I have one [Best Actor trophy], pero bahala na. Kapag tinawag nila ulit ako ru'n... And of course,glory to God, thank you! Hindi ko pa masabi. Hindi ko rin alam ang ibangentries. But I think, the movie itself, marami siyang makukuhang award, kasimaganda siya," sabi ni Jericho.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN