"SOP" pays emotional tribute to Marky Cielo

Marky Cielo was given a tribute by his co-stars in the musical-variety show SOP yesterday, December 14.



Sa pagsisimula pa lamang ng SOP kahapon, December 14, napunona ng luha ang show sa pagbibigay nila ng final tribute sa namayapa nilangkasamahan, ang nag-iisang StarStruck Ultimate Sole Survivor na si MarkyCielo.

Naging masakit para sa mga kasamahan ni Marky sa SOP ang kanyang biglaang pagpanaw. Ito ang unang pagkakataon na may namatay sa kanilang grupo. Mas masakit dahil alam nilang hindi na babalik si Marky kailanman.

Sa isang bahagi ng stage ay nakalagay ang StarStruck chairna ginamit ni Marky nang sumali siya sa StarStruck Batch 3. Maynakalagay ring isang calla lily sa upuan, katabi ng larawan ni Marky na nakalagay sa mesa.

Naunang kumanta sa opening number sina Regine Velasquez,Jaya, at Ogie Alcasid. Simula pa lang ay tumutulo na ang kanilang mga luha.

Ang child actor na si Robert "Buboy" Villar, na nakasama ni Marky sa La Lola ay hindi rin napigilang maluha habang kumakanta. Sumunod sa kanya sina Jolina Magdangal, Jay-R, JC de Vera, at Wendell Ramos.

Nakakaiyak din ang pagkanta nang sabay nina Dennis Trillo atAljur Abrenica, na nakasama ni Marky sa Zaido: Pulis Pangkalawakan.

Naroon din halos lahat ng mga kapatid ni Marky sa apat nabatch ng StarStruck—Mark Herras, Jennylyn Mercado, Rainier Castillo,Yasmien Kurdi, Katrina Halili, Sheena Halili, Ryza Cenon, Mike Tan, LJ Reyes,Mart Escudero, Stef Prescott, Vaness del Moral, Jan Manual, Paulo Avelino,Chariz Solomon, at Rich Asuncion.

Si Rich ay nagtatanong kung sino ang ipapalit kay Marky, namadalas niyang ka-partner sa segment na "Sayaw One." Si Chynna Ortaleza aylungkot na lungkot dahil si Marky raw ang nagtuturo sa kanila ng sayaw, along with their choreographer Miggy Tanchangco. Iyak din nang iyak si Rochelle Pangilinan ng SexBombdahil madalas din silang magtambal ni Marky sa dance numbers.

Sina Yasmien at Lovi Poe, na nakasama ni Marky sa Bakekang,hindi pa kumakanta ay umiiyak na. Ganundin si Glaiza de Castro, na nakatambal niMarky sa Fantastikids, Boys Nxt Door, Asian Treasures, at Kaputol ng Isang Awit.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi rin napigilan ni Sunshine Dizon na umiyak. Nagkasamasila ni Marky sa unang TV show ni Marky, Encantadia, na sinundan pa ngBakekang. Si Manilyn Reynes, na gumanap na ina ni Marky sa Bakekang, ay iyakdin nang iyak.

Hindi rin nakapagpigil si Dennis na umiyak nang husto dahilmatagal silang nagkasama ni Marky sa Zaido. Pigil na pigil naman si JannoGibbs, na humabol sa opening number, sa pag-iyak dahil sila ang madalas namagkaeksena ni Marky sa Codename: Asero.

Bilang finale ng tribute, pinatay ang ilaw sa loob ng Studio7 at tanging ang mga kandilang hawak ng audience ang nagsilbing ilaw. Lalongnagkaiyakan nang isa-isang abutan ng candles ng mga dancer ang mga kasamahan niMarky sa stage.

Pagkatapos nito ay humingi na si Ogie ng ilang minuto ng katahimikan para sa kaluluwa ni Marky.

Bilang paggalang din sa alaala ni Marky, hindi na itinuloyng show ang dance numbers para maging solemn ang kanilang tribute.

MARKY'S FINAL JOURNEY. Mamayang ala-dos ng hapon, December 15, ay nakatakda nangihatid sa kanyang huling hantungan si Marky sa bakuran ng kanilangtahanan sa Bauko, Mountain Province. Inaasahan ang pagdagsa ng mga tao, kabilang naang ilan sa mga nakatrabaho ni Marky sa GMA-7, sa libing ni Marky.

May final coverage pa rin ang GMA-7 sa mga huling sandali niMarky sa piling ng mga mahal niya sa buhay.

Ayon sa ina ni Marky na si Mrs. Mildred Cadaweng, kung mayisa raw magandang nangyari sa pagkawala ni Marky, ito ay naging close angpamilya nila na matagal na palang pangarap ni Marky na magkaroon ng katuparan. Hindinaman lingid sa marami na hiwalay na ang mga magulang ni Marky.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
Wala pang plano si Mommy Mildred kung ano ang gagawinnila ngayong wala na si Marky. Pero siniguro niya na sasamahan daw nila siMarky sa darating na Pasko at Bagong Taon hanggang sa 40th day nito. Kapagnatapos daw ‘yon, saka na lamang sila magpaplano.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN