Jennylyn Mercado teams up anew with Mark Herras in "Paano Ba ang Mangarap?"

Jennylyn Mercado returns to afternoon soap via the Sine Novela Paano Ba ang Mangarap?, which will pair her again with screen partner and ex-boyfriend Mark Herras.



Ginanap kaninang hapon, December 15, ang storyconference ng upcoming Sine Novela ng GMA-7, Paano Ba ang Mangarap?, sa GMANetwork Center. Tampok dito ang magka-love team at dating magkasintahan na sinaJennylyn Mercado at Mark Herras.

The TV remake is based on the 1983film produced by Viva Films, which starred Vilma Santos and Christopherde Leon under the helm of Eddie Garcia. Gagampanan dito ni Jennylyn ang dating role niVilma, si Lisa, isang simpleng babae na hinarap ang mga pagsubok sa kanyangbuhay. Ang tanging hiling niya ay makapiling niya ang kanyang anak.

Gagampanan naman niMark Herras ang papel noon ni Christopher, si Eric, na aako sa responsibilidad ng kapatid. Samantalang si Hero Angelesang gaganap sa papel ng yumaong aktor na si Jay Ilagan na si Benny, anglalakeng nakabuntis kay Lisa.

BACK TO DRAMA. Sa panayam ng PEP (PhilippineEntertainment Portal) kay Jennylyn, sinabi nito na excited na siyang bumalik sapaggawa ng soap opera. Pagkatapos niyang magkaroon ng light comeback via the two-partepisode of Dear Friend, kung saan nakatambal niya rin si Mark, gusto ni Jen nama-experience ulit ang gumawa ng soap opera.

"Nakakatuwa naman, kasiipinakita ng GMA-7 ang suporta nila sa akin kahit na may mga nangyaring hindiinaasahan. I am ready to go back to work dahil alam naman ng lahat na may babyna ako. May sarili na akong pamilya kaya balik tayo sa puyatan. Kahit gano'n,nae-excite ako talaga," saad ni Jennylyn.

Sa pakikipagtrabahoulit kay Mark, hindi makapaniwala si Jennylyn na nandiyan pa rin ang kanilangmga fans. Kailan lang daw ay magkasama sila ni Mark sa isang show sa Dubai parasa Filipino community roon. Nagulat sila na marami pa rin silang mgatagahanga.

"Walang biro,nagulat kami ni Mark!" bulalas ni Jennylyn. "Kasi parang hindi nila ininda angmga nangyari sa amin ni Mark. Feeling nila, kami pa rin ni Mark!

"Nag-enjoy kami niMark kasi ang lakas ng suporta nila sa amin doon sa Dubai. Nanonood sila ng mgaGMA-7 shows doon kaya aware sila sa mga nangyayari sa mga shows natin, lalo nanga sa magiging shows namin ni Mark."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Huling nagkasama sinaJennylyn at Mark sa La Vendetta. Nagkasama rin sila sa mga sumusunod na shows ng GMA-7: Love To Love, Joyride, Encantadia, Forever In My Heart, at I Luv New York. Hulinamang napanood si Jennylyn sa GMA Sine Novela na Kaputol ng Isang Awit bagosiya nanganak.

BREASTFEEDING. Kapansin-pansin angslim na pangangatawanan ni Jennylyn ngayon. Sinabi ni Jen na she lost 50 poundspagkatapos niyang ipanganak ang kanyang baby na si Alex Jazz. Ang kanyang secret?Breastfeeding.

"Totoo pala ‘yon, talagang ang laki ng nawala sa aking timbang noong i-breastfeed ko si Baby Jazz.May nagsabi nga sa akin na effective na pagpapapayat ang pagbi-breastfeed. I was150 pounds kasi noong ipanganak ko si Baby Jazz. Ngayon, after two months napagbi-breastfeed ko, I lost 50 pounds kaya ngayon ay nasa 98 to 100 pounds nalang ako.

"Kaya sa mga mothersdiyan na bagong panganak, ako na nagsasabi na very effective na pagpapapayatang magpa-breastfeed. At magandang bonding time pa 'yon with your baby,"pag-eengganyo pa ni Jen.

SAD & HAPPY CHRISTMAS. Ngayong Pasko, kungmasaya si Jennylyn dahil mae-experience ng kanyang baby ang kanyang firstChristmas, may halong lungkot din dahil first Christmas nila na wala angnakilalang ama ng aktres na si Roger Mercado. Sumakabilang-buhay ang amain ni Jennylyn dalawang araw pagkataposniyang ipanganak si Alex Jazz.

Ani Jennylyn, "Kunghappy kami because nandiyan si Jazz, na parang baby Jesus sa bahay namin,malungkot din kami kasi wala na si Daddy. Miss na namin siya kasi all myChristmases since bata ako, kasama ko siya. Ngayon, mapi-feel namin na maykulang talaga. Kaya yung mgagamit ni Daddy, nandoon lang siya. Hindi namin ginagalaw talaga. Gusto namingisipin na nasa bahay pa siya at binabantayan kami.

"Si Mommy [LydiaMercado] naman, tulad ko, she's moving on. Noong una, talagang lungkot nalungkot siya. Ngayon, unti-unti na niyang natatanggap na wala si Daddy. Masabala na siya kay Baby Jazz ngayon. Siya ang nag-alaga noong mag-show kami saDubai ni Mark at noong nagsu-shooting ako ng One Night Only.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
"Natutuwa si Mommy kasi ang kulit na raw kasi niJazz. Marunong na kung kanino sumama, tapos iiyak kapag alam niyang aalis akofor work. Ngayon ko na nararamdaman ang pagiging mother talaga. Kaya walangpuwedeng gumitna sa relasyon ko with my baby," pagtatapos ni Jennylyn.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN