Ruffa Gutierrez hopes Marian Rivera and Karylle settle their rift soon


"Sananaman magkaayos sila, mag-usap sila, pareho naman silang mabait, e," says Desperadas 2 lead star Ruffa Gutierrezon the worsening tension between co-star Marian Rivera and Dingdong Dantes's ex-flame, singer Karylle.


Naging emosyonal ang pagtatapos ng grand press conference ng Desperadas 2kahapon, December 15, na ginanap sa Imperial Palace Suites sa Tomas Morato,Quezon City, matapos magbuhos ng kanyang saloobin si Marian Rivera sa isyu ngdiumano'y pagbubuntis niya, courtesy of rumored boyfriend and perennial screenpartner Dingdong Dantes.

Dahil sa nangyari ayhindi rin tuloy naiwasan ng iba pang cast members ng nasabing pelikula ang magingemotional, partikular si Ruffa Gutierrez.

"I'm very emotional natao. Apakan lang 'yong langgam, naiiyak na rin ako. So, especially pag nakikita ko'yong isang taong umiiyak," bungad ni Ruffa nang dumugin siya ng entertainment presspara hingan ng pahayag sa pag-iyak ni Marian.

"I mean, even si MarkyCielo na hindi ko nakilala, na never kong nakasama, umiyak pa rin ako nungnalaman ko ‘yong nangyari sa kanya, 'tsaka nakita ko ‘yong mga words of praise ngmga kaibigan niya. Ganun naman tayo, siyempre nagiging emotional tayo. And whatmore kasama ko siya [Marian] and naging maganda naman ‘yong pakita niya sa akin.Hindi naman ako kumakampi kahit kanino, basta na-touch lang din ako sa sinabiniya dahil very emotional siya."

NOTTAKING SIDES. Iginiit ni Ruffa na wala siyangkinakampihan sa nasabing usapin. Unang-una raw ay hindi naman kasi siyainvolved at isa pa ay hindi siya aware na may isyu pala between Marian,Karylle, and Dingdong.

Paliwanag ni Ruffa: "Hindiako naiipit, kasi hindi naman ako nakikialam sa mga problema na hindi sa akin. Soas a friend, I'm here to support Marian. Si Karylle naman, guest sa The Buzz, so lahat naman kaibigan ko. Hindinaman ako pumapanig kahit kanino, especially kung hindi ko naman alam 'yongtotoong istorya."

Ikinatuwiran din ni Ruffa na bagamat guest nila sa The Buzz si Karylle noong Linggo,December 14, ay hindi naman daw niya narinig o nakita ang "meaningful smile" ngex-girlfriend ni Dingdong na siya namang ikina-offend ni Marian. During theinterview daw kasi ay nag-uusap sila ni Kris kaya nung sila na ang tinatanongay ito ang kanyang naging tugon: "Hindi ko masagot kasi hindi ko naman alam yong issue."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Bagama't nasira angmasayang mood ng presscon ay mabuti na rin daw at nabigyan ng pagkakataon siMarian na mailabas ang damdamin nito laban kay Karylle. Pero sana rin daw ayhuwag nang lumaki pa ang isyu at kung madadaan naman sa maayos na usapan ay bakithindi.

"Maliit lang naman angindustriya, e, so sana naman magkaayos sila, mag-usap sila. Pareho namansilang mabait, e," sambit ni Ruffa.

IMPROVINGHER CRAFT. Hanggang ngayon ay nasa cloud nine parin si Ruffa matapos manalo bilang Best Showbiz-Oriented Talk Show Host sa PMPC Star Awards for Television noong November 30.

Noong tinanggap niRuffa ang award ay inamin nito na hindi siya confident noong una siyang alukin ng ABS-CBN para punan ang role na iiwanan ni Kris Aquino matapos itongmagdesisyon na pagtuunan ng mahabang oras ang pamilya. Ngayon ay fully adjustedna raw si Ruffa at malaking motivation ang natanggap niyang parangal upang paghusayan pa ang trabaho.

"Gusto ko namang galingan pa ‘yong paghu-host ko, andI'm just being myself. I think that's the most important thing," sabi niya.

Aniya, malaking bagay rin ang pagiging artista sakanyang ginagawa sa The Buzz dahilsensitive siya sa maaaring maramdaman ng isang kapwa artista pag nakasalang naito sa hot seat.

"Siyempre, iniisip komuna ten times bago ako magtanong. Kasi bilang artista, how would it feel ba kungang tanong na ‘yon matanong din sa ‘kin? Okay lang naman ‘yong tukso-tuksuhan. Kaya nga 'yong mga controversial topics, hindi ko nata-tackle sa The Buzz. Baka naman everytime may ma-interviewako, ako na lang lagi ang maiyak!" natatawang katuwiran ni Ruffa.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN