Joel Lamangan replaces Joey Reyes as director of Richard-KC movie

Director Joel Lamangan (main photo) has already met with GMA Films and Regal Entertainment to discuss his movie with Richard Gutierrez and KC Concepcion. Direk Joel has replaced Joey Reyes, who resigned "due to creative differences."



Pagkatapos ng story conference ng upcoming Sine Novelang GMA-7 na Paano Ba Ang Mangarap? sa 10th floor HRD meeting room ng GMANetwork kahapon, December 15, bumaba ng tatlong floors si Direk Joel Lamangan, sa 7thfloor office ng GMA Films. Ito ay para naman sa meeting niya sa producers ng secondmovie nina Richard Gutierrez at KC Concepcion.

Nag-resign na nga si Direk Joey saproject "due to creative differences" at ang ipinalit sa kanya ay si Direk Joel.(Click here to read related story).

Nasa nasabing meeting sina Lily Monteverde at ang anak nitong si RoselleMonteverde-Teo ng Regal Films, at sina Annette Gozon-Abrogar at Joey Abacan para saGMA Films. Present din ang dalawang bida sa pelikula na sina Richard at KC.Kasama ni KC ang kanyang manager na si Shirley Kwan.

Napagkasunduan nang si Direk Joel ang magdidirek ngpangalawang pagsasama nina Richard at KC sa pelikula, at gagamitin din angoriginal script ni Aloy Adlawan. Aayusin na lang ang schedule ni Direk Joeldahil nakatakda siyang magsimula ng taping para sa Paano Ba Ang Mangarap?, napagbibidahan nina Jennylyn Mercado at Mark Herras, sa December 19. Naka-setnaman na kunan ang ilang mga eksena ng pelikula mula December 18 hanggang 22, bago mag-resume ng shooting ng next year para umabot saValentine playdate nito next year.

Si Direk Joel ang direktor ng Deathrow, starring EddieGarcia and Cogie Domingo, bago nag-revamp at nag-produce muli ang GMA Films sa pamamagitan ngunang Valentine movie ni Richard na Let The Love Begin, kasama si Angel Locsin.

Tinanong ng PEP (Philippine Entertainment Portal) siRoselle, na nakausap namin sa ground floor ng GMA-7, at pati na rin si Aloy, nakasama naman namin sa meeting ng Paano Ba Ang Mangarap?, kung ano na ang finaltitle ng pelikula nina Richard at KC. Magkaiba pa rin ang sagot nila.

Ang alam ni Roselle, When I Met You (ito ang pinapatugtog nabackground music noong araw na pumirma si KC sa GMA Films). Si Aloy naman, angalam niya pa lang ay ang working title ng kanyang original script, With A Smile,na dapat ay original theme song pala ng pelikula mula sa Eraserheads.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
Save the Best For Last ang gusto ng GMA Films namaging final title ng pelikula.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN