Artista-search winners Jennylyn, Mark, and Hero unite in "Paano Ba ang Mangarap?"

StarStruck winners Mark Herras (left) and Jennylyn Mercado (center) will work for the first time with Star Circle Quest winner Hero Angeles (right) in the TV adaptation of the classic movie Paano Ba ang Mangarap?.



The first winners of reality-based artista search, GMA-7's StarStruck and ABS-CBN's StarCircle Quest, unite for the first time in Paano Ba ang Mangarap?.

Ginanap na ang story conference ng pang-labindalawang SineNovela ng GMA-7 kahapon, December 15, sa 10th floor ng GMA Network Center. Maagang nagsidatingan ang ilan sa cast ng Paano Ba ang Mangarap?, na ididirek ni Joel Lamangan. Ito ay hango sa original na pelikula ng VivaFilms noong 1983 starring Vilma Santos and Christopher de Leon with the specialparticipation of the late Jay Ilagan.

Si Jennylyn Mercado at Mark Herras ang gaganap na Lissa atEric, na unang ginampanan nina Vilma at Boyet.

Sa unang creative meeting ng Paano Ba ang Mangarap?, pinag-isipan na gawing kambal ang characters na ginampanan ninaBoyet at Jay, at si Mark ang gaganap sa dalawang characters. Pero nabago itobago pa man maisulat ang pilot episode ng head writer ng show na si AloyAdlawan, kung kaya't kinailangan ng bagong artista para sa character na siBenny, ang makakabuntis kay Lissa bago ito mamatay. Ibinigay ang Bennycharacter kay Hero Angeles.

Lumipat si Hero mula ABS-CBN nitong taon sa GMA-7 starting withDyesebel. Magkasama sila ngayon ni Mark sa Luna Mystika. Pero ang Paano Ba ang Mangarap? ang kauna-unahang pagkakataon na magsasama sina Jennylyn,Mark, at Hero sa isang project at love triangle pa sila.

Wala pareho sina Mark at Hero sa story conference. Out oftown pa si Mark pagkatapos niyang mag-birthday kahapon, na idinaos sa isangresort sa Laguna. Kasama niya ang best friend na si Rainier Castillo, na gaganap namang Vince sa PaanoBa Ang Mangarap?. May taping naman si Hero.

Ilan pa sa cast ng TV version ng Paano Ba ang Mangarap?ay sina Tirso Cruz III at Bing Loyzaga bilang Mateo at Francia, ang magulangnina Mark at Hero, na ginampanan sa pelikula nina Vic Silayan at ArmidaSiguion-Reyna; at si Chynna Ortaleza bilang si Maya, ang katipan ni Eric, na originalrole ni Amy Austria.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

May mahahalaga ring papel sina EmilioGarcia, Jan Marini, at Jay Aquitania.

Magsisimula ang taping ng Paano Ba ang Mangarap? sa December19 at ipalalabas na ito sa susunod na buwan, kapalit ng magtatapos ngayong linggongito na Una Kang Naging Akin.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN