Rufa Mae Quinto wants to have something "serious" with Jon Avila

"Kay Jonnaman, ang gusto ko sa amin, if ever lang ha, hindi lang yung basta crush-crushor basta lang yung type ko lang. Gusto ko kasi sa amin, yung something napang-serious talaga," says Rufa Mae Quinto about Jon Avila.



Pagkatapos ng kanyang napakaraming failed relationships,feeling daw ni Rufa Mae Quinto ay mas open na siya ngayon sa kahit sinonglalaki na nagugustuhan niya. Ito ang sinabi ng sexy comedienne sa presscon ngDesperadas 2 kahapon, December 15, sa Imperial Palace Suites.

Katuwiran ni Rufa Mae, "Basta ako, kung crush ko ang isangtao, bilib ako, sinasabi ko na. Ayoko na ng kahihiyan ko... Naku, kagaya niJay-R, sinasabi ko sa kanya na, ‘Alam mo, Jay-R, fan na fan mo ako!' Grabe angboses niya. Crush na crush ko talaga ang boses niya."

Kay Jon Avila ba, nasabi na rin niya yun?

"Hindi nga, e!" natatawa niyang sagot. "Kay Jonnaman, ang gusto ko sa amin, if ever lang ha, hindi lang yung basta crush-crushor basta lang yung type ko lang. Gusto ko kasi sa amin, yung something napang-serious talaga. Serious naman palagi. Pero hanggang kaya mong itama anglahat ng gusto ko... Well, treinta na kasi ako, kaya dyusko naman, tapos na yungmga crush-crush na ganoon-ganoon lang! Gusto ko talaga, kung magugustuhan niyaako, yung hindi pinilit. Kasi, madali lang naman. Text-text lang, dalaw..."

Isang Kapuso si Rufa Mae, pero kapansin-pansin nahalos lahat ng mga nauugnay sa kanya ay mga Kapamilya stars—gaya nina Jon,Erik Santos, at Sam Milby.

"Oo nga, e!" tawa niya ulit. "Baka naman kasi nakukyutan saakin! E, siguro kasi yung mga ka-batch ko, may mga dyowa na, may mgagirlfriend. So, mga bagong batch ang single!

"At saka si Jon naman, hindi naman superbagets, e. Kasiyung iba, mas bata. At saka foreigner kasi si Jon at may Filipino blood. Yunang maganda, yung mahal niya ang Philippines. Talagang tinitiis niya... I mean,dito niya talaga gusto. Nagsusumikap na mag-aral ng Tagalog. I mean, natuwa akosa kanya run, ha."

Hindi itinanggi ni Rufa Mae na nakakalabas na sila ni Jon,bukod pa sa regular raw nilang tawagan. So, anong level na nga ba meron sila niJon ngayon?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Siguro...hanggang ilang level ba? Mga six... For me... Ay, fivena lang! Ay, eight, eight!" pabago-bago niyang sagot.

Baka naman kasi 10 na pala?

"Ay hindi, 10 yung kami na!" natatawa pa rin niyang sabi.

Nasa period pa rin daw silang nagkakahiyaan ni Jon.

"Actually, mabait siya, pero may pagkamakulit din kapag closena kayo. Pero kami, hindi, parang serious kami. Minsan nga, sinasabi ko nga, ‘Tumawaka nga!' E, siya kapag tumawa, masyadong stiff, so inalog-alog ko nga!"natatawa niyang kuwento.

Feeling daw ni Rufa Mae, dapat ligawan din siya ni Jon kayahindi pa raw sila.

"Tama ba yung feeling ko?" tawa niya. "Pero, di ba,kailangan ipakita niya? Yun lang. Pero lahat naman ng sinasabi niya, lahat yun... Kasi, introvert siya. Nag-usap kami at sinabi nga niyang ‘I need someonena extrovert.' E, madaldal ako, di ba? Yun."

Nang makausap naman ng PEP si Jon sa hiwalay na pagkakataon,nabanggit nito na naikuwento niya kay Rufa Mae ang tungkol sakinahinatnan ng last relationship niya. Totoo ba ito?

Ani Rufa Mae, "Oo, kasi sabi ko, inuna ko na... Di ba, lahat tayo may dream?Yung Civil Status [her movie with Jon], gusto ko naman comedy na may love. Kasifeeling ko, 30 years old na ako, e. Tumbling na ako nang tumbling magmula ilangtaon pa lang ako, hanggang ngayon. Siyempre, lahat tayo may dream, di ba? Kayasabi ko sa kanya [Jon], ‘Kaya ikaw, gusto kong kasama kasi may feelings.'

"Pero hindi naman ibig sabihin na gusto ko na siyang...kunganumang malisyang ano. Okey lang, basta work is work din. At saka, ako rin,wala sa akin yung Kapamilya, Kapuso. Kahit ano, mahal ko naman lahat,nakatrabaho ko halos ang lahat," pagtatapos ni Rufa Mae.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN