Singer-actress Mocha does bi-sexual bed scenes in movie "Sumpa"

"Matindi pa nito, may bed scene ako dito saisang babae. Pero napakaganda ng istorya ng pelikula, kaya napapayag na rinakong gawin ang ilang eksena na tiyak na pananabikan ng lahat," says Mocha about her bed scene with another woman in Sumpa.



Kilala si Mochabilang lead singer ng all-girl singing group na Mocha Girls. Kamakailan ayini-release under Viva Records ang second album nila na may titulong Mocha Girls Deliciosa.

Bukod sapag-promote ng bagong album, abala rin ang grupo sa kanilang kauna-unahangpelikula na ipalalabas sa Enero. Ang nasabing pelikula ay may pamagat na Sumpa, na isang sexy-horror movie napinagbibidahan ng aktor na si Mark Gil at ng Star Circle Quest talent search product ng ABS-CBN na si JorossGamboa. Si Mocha ang lead actress sa pelikula.

Aminado ang sexysinger na kaba at excitement ang naramdaman niya habang ginagawa nila angpelikula.

"Pinag-isipan kotalagang mabuti ito. First time ko kasing sumabak sa matinding bed scene kasamasi Joross at magpakita ng maseselang parte ng katawan ko," saad ni Mocha sa PEP(Philippine Entertainment Portal).

"Matindi pa nito," patuloy niya, "may bed scene ako dito saisang babae. Pero napakaganda ng istorya ng pelikula, kaya napapayag na rinakong gawin ang ilang eksena na tiyak na pananabikan ng lahat."

Kasama rin sa Sumpa ang miyembro ng Mocha Girls nasina Hershey, Grace, at Bez. At fullsupport ang tatlo kay Mocha sa ginawang pagpapa-sexy sa pelikula.

Ito ang maidencinematic offering ng Yellow Media mula sa direksiyon nina Carlos Agustin atMelvin Brito.

Bukod sa sexy-horrormovie na ito ni Mocha, may poster calendar din ang morenang singer-actress parasa 2009. Naglalaman ito ng sexy at daring pictures ng dalaga na siguradonggagawa ng ingay pagpasok ng taon.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN