Jake Cuenca talks about his love scene with Alessandra de Rossi in "Tayong Dalawa"

"Kasi kami naman ni Alex,magkaibigan. I mean, best friend ko si Alex way, way back. So the love scenes,walang ilangan at all. Walang problema," says Jake Cuenca about his love scene with Alessandra de Rossi in Tayong Dalawa.



Pagkatapos magbida sa action series na Palos ng ABS-CBN aybalik-primetime series ang aktor na si Jake Cuenca via Tayong Dalawa. Gumaganap siya rito bilang isang Philippine Military Academy (PMA) cadet atkapatid ni Gerald Anderson. Kasama rin nila rito si Kim Chiu, na bubuo sakanilang love triangle.

Dumalaw ang PEP (Philippine Entertainment Portal) sataping ng Tayong Dalawa sa Tivoli Royale, Quezon City, kanina, December 17.Tinanong namin si Jake kung ano ang nararamdaman niya ngayong binigyanna naman siya ng serye ng Kapamilya network.

"It feels really good to be working on a primetime teleseryeagain," sagot niya. "Nakapagpahinga na ako. Well-rested na. Siyempre, thisproject is really different from the projects I've done before. And I'm reallyready for this."

Ipinaliwanag ni Jake kung bakit Tayong Dalawa ang title ngkanilang serye.

Aniya, "Kasi yung Tayong Dalawa, it can representso many things, e. It represents Ms. Agot [Isidro] and Ms. Cherrie Pie[Picache]. It can represent Ms. Helen Gamboa and Ms. Gina Pareño. It canrepresent me and Gerald as brothers. May connect, e. Each character, it'sby two, e. It can represent Kim and Gerald or me and Kim."

LOVE SCENE WITH ALESSANDRA. Binanggit din ni Jake na may love scene sila rito ng isa paniyang co-star na si Alessandra de Rossi.

Kuwento niya, "Ang character ko kasi rito talagangdepressed, talagang down siya lagi. So, yung paraan ko rito kung paano kopalilipasin ang depression ko, yung problema ko ay ang kumuha ng bayarangbabae—at si Alessandra yun.

"Actually yung love scene na yun, hindi siya...Actually, maganda yung eksena, e. Hindi siya yung typical na love scene nadadaan lang. Parang masabi mo lang yung aabangan mo dahil love scene.

"Ang connect namin ni Alessandra sa serye, kinailangannamin ang isa't isa. Bale ako kinailangan ko siya nung gabing yun,kasi yun na yung lowest point of my life. Yung hinihingi ko namaging masaya kahit isang gabi lang. Ipinakita na sa trailer yun.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Si Alessandra naman, she needed me that night. Kasi Iwas the only one willing to pay. Kilala ako sa club na pinagtatrabahuanniya as a big spender. And at the same time, hindi naman talaga akonagte-take home, but I'm a big spender. So nung mangailangan ng pera siAlessandra, sumama siya sa akin."

Kumusta naman yung love scene nila ni Alessandra? Hindi basila nagkailangan habang kinukunan ang kanilang eksena?

"Okey!" sambit ni Jake. "Kasi kami naman ni Alex,magkaibigan. I mean, best friend ko si Alex way, way back. So the love scenes,walang ilangan at all. Walang problema."

Kinumusta rin ng PEP ang lovelife ni Jake.

"Trabaho muna ako. Gusto ko muna tahimik," aniya.

ROXANNE GUINOO, JAKE'S EX. Sabi ng ex-girlfriend ni Jake na si Roxanne Guinoo, natutuwa siya dahil kapag natatanong daw si Jake tungkol sa "bugbuganissue" sa kanila ay hindi ito nagbibigay ng anumang pahayag. Kumbaga,nananahimik na lang si Jake. Ano ang masasabi ni Jake dito?

"I'm just being a gentleman," sabi ng aktor. "I make ita point naman to be a gentleman, e, kahit ano'ng mangyari. So, yun lang namanang ginagawa ko,"

Kumusta na ba sila ni Roxanne pagkatapos ng "bugbugan issue" sakanila?

"Okey naman kami, no problem. Nag-guest pa nga ako sashow nilang Banana Split, e," ani Jake.

Sa darating ba na Pasko ay babatiin niya si Roxanne?

"Pag nagkita kami, babatiin ko siya ng Merry Christmas."

Kung hindi naman daw sila magkikita ni Roxanne ay iti-textniya na lang ang dating kasintahan.

"Nagsi-send to many naman ako, e," aniya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN