Richard Gutierrez-KC Concepcion Valentine movie starts shooting

Richard Gutierrez and KC Concepcion reunite in a movie, this time for GMA Films and Regal Entertainment. The movie will also star Alfred Vargas, Iya Villania, Cherry Pie Pichache, Eula Valdes, Tonton Gutierrez, and a Survivor Philippines castaway.



Ginanap kahapon,December 18, ang story conference ng Valentine movie nina RichardGutierrez at KC Concepcion para sa GMA Films at Regal Entertainment.After the story conference, isinunod ang publicity pictorial at ang shoot ngmovie teaser, na ipalalabas sa 2008 Metro Manila Film Festival bilanginitial promotion.

Ngayong araw,December 19, ang scheduled first day shooting ng pelikula na wala pang malinawna title. Ang alam namin na Save the Best for Last ay baka ibalik pa safirst choice ng producers na When I Met You. May pasubali rin ang kamponi KC na hindi sila magsisimulang mag-shooting kung hindi aprubado ni DirekJoel Lamangan ang script na isinulat ni Adoy Adlawan.

Halos kumpleto naang cast ng pelikula na may February 11, 2009 playdate. Kasama rito sinaCherry Pie Picache at Tonton Gutierrez as KC's parents and Eula Valdes asher tita. Nasa cast din si Freddie Webb bilang ama ni Richard at angmagkapatid na Paolo at Bubbles Paraiso bilang mga kaibigan ng isa kina KC atRichard. Nakakatuwang naging leading man ni Sharon Cuneta si Tonton noon, atngayon ama na siya ni KC sa pelikula.

Napiling gumanap sarole ng girlfriend ni Richard si Iya Villania, at sa role ng boyfriend ni KC aysi Alfred Vargas. Na-consider for Richard's girlfriend sina Heart Evangelista,Kristine Hermosa at Chynna Ortaleza.

Sa role ng boyfriendni KC, unang na-consider si Marvin Agustin. In fact, excited nang ibinalita ngaktor sa PEP during the taping of Dear Friend na naka-schedule na siyangmag-shooting. For some reason, kay Alfred napunta ang role na ka-love triangleni Richard kay KC.

May paliwanag kungbakit si Alfred ang napiling gumanap na boyfriend ni KC. Kailangan daw olderang guy, stable, at handa nang magpakasal, at higit sa lahat, mas matangkad kayKC. E, si Marvin, mas maliit yata sa dalaga.

Kasama rin sa castang isang taga-Survivor Philippines, pero hindi sinabi kung lalake obabae ba ito. Pero marami ang naghihinala na malamang ito ay ang Pinoy SoleSurvivor na si JC Tiuseco. Nabanggit kasi ni JC sa isang panayam ng PEP nanagwo-workshop siya ng acting bilang paghahanda sa pagpasok niya sa showbiz.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kapag nakapagsimulana ng shooting ngayong araw, tuluy-tuloy ito hanggang December 23, sakamagbi-break for Christmas at magre-resume sa December 27 hanggang December 30. Then,break uli for New Year at sa January 6, 2009 na uli ang pag-resume ng shooting.Tuloy pa rin daw ang planong mag-shooting sa Coron, Palawan sa January.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN