Aiko Melendez finds greater fulfilment in public service than in showbiz

"Masarap maging public servant kasi yung fulfillment, iba sapagiging artista. Di ba, pag artista ka, pag nagkaroon ka ng Best Actress,‘Wow, ang sarap!' di ba? Pero para sa akin, sa politics kapag may mganagpapasalamat sa akin na mga taong hindi ko kilala na natulungan ko, iba angfeeling. Parang mas masarap. Iba yung fulfillment. Mas fulfilled ka as aperson when you're a politician or a public servant," says Aiko Melendez.



Guest kahapon, December 18, sa talk show na Juicy ng TV5,hosted by Alex Gonzaga and IC Mendoza, ang aktres at konsehala ng Quezon Cityna si Aiko Melendez

Tinanong ni Alex si Aiko kung ano ang nag-trigger sa kanyaat sa murang edad na siyam ay naisipan na nitong pasukin ang pag-aartista.

"Actually, I always wanted to be an actress. As weall know, yung dad ko [the late Jimmy Melendez] artista dati. So,sumasama-sama ako sa mga shooting niya. At that time, may naghahanap para gumanapna young Snooky Serna. Sabi niya, ‘Gusto namin ‘yang batang ‘yan.' Andthen, nagprisinta ako. Sabi ko ‘Gusto kong i-try ‘yan, i-try ninyo ako,'"pagbabalik-tanaw ni Aiko.

Nang maging teenager na si Aiko ay kinuha siya Regal Filmsat ni-launch bilang isa sa bagong Regal babies, kasabayan sina CarminaVillarroel at Ruffa Gutierrez.

Tinanong ni Alex si Aiko kung naging close ba siya kinaCarmina at Ruffa at kung hanggang ngayon ay nagkikita-kita pa sila.

"Ah, yeah," sagot ni Aiko. "In fact, magkukumare kami.Inaanak ko yung anak ni Carmina. Inaanak ko rin yung anak ni Ruffa. Si Ruffarin, vice-versa, and Carmina.

"So we've maintained a friendship na kasi na-realize naminnung mga bata pa kami, ang fame, ang limelight is just for the meantime, e. Angfriendship will always be there for the rest of your life. So that's one thingna gusto namin i-keep talaga."

AIKO'S AFFAIRS. Nang magdalaga si Aiko ay naging boyfriend niya ang aktor nasi Aga Muhlach. Pero alam nating nauwi rin sa wala ang kanilang relasyon. Si Agaay happily married na to Charlene Gonzalez at may kambal silangmga anak.

Ang sumunod nanakarelasyon ni Aiko ay si Jomari Yllana. Nagpakasal siya rito atnabiyayaan sila ng isang anak, si Andrei. Pero annulled nangayon ang kanilang kasal.

Tanong ni IC kay Aiko, kung mahirap daw ba angmakipagrelasyon sa kapwa artista.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Mahirap kasi wala kang privacy. And then, lahatng ginagawa ninyo parang sinusundan ng mga tao. Tapos kung napansin ninyosa industry natin pag may dalawang taong masaya, pipilitin nilang paghiwalayinyun. Kasi pag pinaghiwalay nila yun, news yun, e. So may pag-uusapan, diba? Pero pag naghiwalay naman sila, pagbabalikin naman sila. So, nakakahilominsan. So, yun lang ang medyo mahirap, yung downside kapag artistayung karelasyon mo."

Sinundan ng tanong ni Alex si Aiko kung nagkaroon daw ba ngconflict of interest o wala naman?

"Wala naman, "sagot ni Aiko "Kasi nung kami naman ni Jom,nag-iba naman yung line namin ng work, e. Nag-lie low ako nung time na pa-peak nasi Jom. Give and take kami. Kasi minsan talaga nagiging competition."

Ilang taon pagkatapos makipaghiwalay ni Aiko kay Jomari ay muling nagpakasal ang actress-politician, this time sa model na si Martin Jickain. Nagkaroon sila ng anak, si Marthena, ngunit nauwi rin sa hiwalayan ang kanilang pagsasama.

AIKO'S POLITICAL CAREER. Bukod sa pag-aartista ay isa na nga ring public servant siAiko. Tanong ni IC kung sa tingin ba ni Aiko ay mas maganda o madalingmakipagrelasyon sa isa ring public servant kesa artista.

"Hindi rin, e," sagot niya. "Kasi, di ba, they say whenyou're in showbiz, it's the second dirtiest? Politics is the first. So,mahirap, e, kasi politics din, you're in a public eye also. You're like inaquarium also."

Open naman si Aiko sa relasyon ngayon sa Vice Mayor ng Bulacan, Bulacan na si Patrick Meneses.

Mahirap bang maging isang public servant?

"Masarap maging public servant kasi yung fulfillment, iba sapagiging artista. Di ba, pag artista ka, pag nagkaroon ka ng Best Actress,‘Wow, ang sarap!' di ba? Pero para sa akin, sa politics kapag may mganagpapasalamat sa akin na mga taong hindi ko kilala na natulungan ko, iba angfeeling. Parang mas masarap. Iba yung fulfillment. Mas fulfilled ka as aperson when you're a politician or a public servant."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sundot na tanong ni IC kay Aiko ay kung ano ang dahilan atnaisipan niya ring pasukin ang pulitika.

"It was a calling talaga for me," aniya. "At that time,my life then was really...parang kakahiwalay ko lang din kay Jom. And sabiko, sa showbiz, modesty aside, nakuha ko na what I wanted, e. Nakakuha na ako ngaward. Nakatrabaho ko na kung sino ang gusto kong makatrabaho. Parang gusto konaman ng something na kakaiba bago naman ako medyo, di ba, mag-retire oranything.

"So sabi ko, being in public service is the answer. Kasinung time na nahiwalay ako kay Jom noon, kinukuwestiyon ko si God. Sabi ko sakanya, ‘Why am I going through this?' And then, nung bumaba ako sa mga barangay ko, here inQuezon City, nakita ko yung mga tao, ang problema nila, they have nothing toeat.

"So I asked myself now, ‘Who are you to ask God na why am I going troughthis? Samantalang mas maraming may malaking problema.' So na-realize ko yungvalue ng buhay ko na mas masuwerte pa pala ako. So, sabi ko, gusto kong gumawang isang bagay na makakatulong talaga sa mga tao," pahayag ni Aiko.

Ano ba sa tingin niya ang pinakamagandang nagawa niya parasa kanyang constituents?

"Siguro yung pagpapagawa ng mga daycare centers para sa mgabata. Kasi my heart goes with the kids, because I am a mother also. SoI know how it feels to give yung hope to the mothers of the children who wantto have education. And I think yung pagpasok sa daycare center, start yun bagosila pumasok talaga sa isang regular school. So namu-mold ko muna sila,"pagtatapos ni Aiko.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN