Marian Rivera admits being hurt by "plastikada" jab of veteran writer

"Alam ko kasi sa pagiging suplada ko, sa pagiging malditako, nasa lugar naman ako. At aminado naman ako do'n, di ba? Pero yung plastic,never akong naging plastic," Marian defends herself against accusation that she's a hypocrite.



Ilang araw pagkatapos niyang umiyak sa presscon ngDesperadas 2, nakangiti nang humarap sa media ang aktres na siMarian Rivera sa red carpet premiere ng pelikula noong December19 sa SM Megamall.

Matatandaang sa presscon ng Desperadas 2 noong December 15ay hindi napigilan ni Marian na umiyak nang tanungin ang kanyang reaksiyontungkol sa "meaningful smile" ni Karylle sa The Buzz noong December 14.Tinanong kasi ni Boy Abunda si Karylle kung totoong buntis si Marian, peroisang ngiti lamang ang ibinigay ng ex-girlfriend ni Dingdong Dantes. (Clickhere to read related article. )

Pero paliwanag naman ni Karylle, iniisip pa lang niya angkanyang sagot nang biglang putulin ni Boy ang interview sa kanya. (Click hereto read related article.)

Sa panayam ng Startalk kay Marian sa premiere night ngDesperadas 2, umiwas nang pag-usapan ni Marian kung anuman ang nangyari.

"Tama na yun. Nasabi ko na, tama na yun. 'Tsaka pinapaubayako na lang sa Diyos yun. Basta ako, nasabi ko na lahat. Okay na ako dun, tamana yun," sabi ng aktres.

Pero inamin niya rin na nakadagdag sa kanyang emosyon angharap-harapang pagtawag sa kanya ng "plastikada" ng veteran entertainmentwriter na si Ernie Pecho. (Click here to read related article.)

Ani Marian, "Siguro kahit sino namang tao, harap-harapan nanasa presscon ka tapos gaganunin ka, siguro kahit sino namang lumagay sakatayuan ko, mararamdaman din po yun.

"Alam ko kasi sa pagiging suplada ko, sa pagiging malditako, nasa lugar naman ako. At aminado naman ako do'n, di ba? Pero yung plastic,never akong naging plastic," mariing sabi ng aktres.

Nagbigay rin ng mensahe si Marian para sa kanyangdetractors.

"Siguro ano din, hinihingi ko na lang din na maiwasan. Kasihindi naman lahat ng tao mapi-please mo talaga, di ba? So, pinapangalagaan kolang yung mga taong nagmamahal sa akin. At saka mahirap ipaliwanag yungnararamdaman mo, e. Sobrang dami kong kontratang iniingatan kaya nung lumabasyung issue na yun, nasaktan ako. Kasi, madami talaga, e," pahayag ni Marian.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Paano naman siya sinusuportahan ng kanyang kapareha na siDingdong sa lahat ng ito?

"Kasi nag-uusap naman kami kung ano ang dapat at kung anoang nangyayari," sabi ni Marian. "Nagsu-sorry naman siya kasi talagangnai-involve ako at siya naman talaga yung nagiging dahilan."

DINGDONG'S REACTION. Speaking of Dingdong, nahingan din ng Startalk ng reaksiyonsi Dingdong tungkol sa ikinakabait na "buntis issue" kay Marian.

"Alam niya ‘yon. Sinagot na niya ‘yon," ani Dingdong. "Idon't want to get into that anymore. As much as possible, I don't want to getin the middle of everything. Siyempre, sa akin lang, I'm always for the truthand the truth will set you free."

Nagulat ba siya sa paglabas ng pregnancy rumor kay Marian?

"Alam kong posibleng mangyari ‘yon, e," sabi ng aktor. "Perosa akin naman, e, it's how you handle things. Kung malakas ang paninindigan mosa sarili mo and naniniwala ka sa tama, hindi ka talaga matitibag."

Ianmin ni Dingdong na hindi niya napanood ang interview niKarylle sa The Buzz. Pero ganun pa man, nagbigay pa rin ng unsolicited adviceang aktor para kay Marian.

"Sabi ko sa kanya, ‘Siyempre, we're always for the truth atandito ako sa likod mo."

Sinagot din ni Dingdong ang balitang may "affair" sila niMarian.

"Ang affair kasi natatapos, e. Parang pupunta ka, uuwika. Yung sa amin, maganda siya dahil maganda ang sinimulan, and I'm hoping thatmaganda rin ang pupuntahan. Pero kung anuman meron ngayon, we're stillmaintaining the status quo we had from the first we began working with eachother," pahayag ng third Sexiest Man of the World ng E! Television.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN