Piolo Pascual explains change of playdate for "Love Me Again: Land Down Under"

"I think, it's working to our advantage because alot of people are rushing. I think, para mabigyan din ng ibang texture,nag-premiere muna kami sa States para makita kung ano ang response, at positivenaman. And besides, to give way na rin to the filmfest. Ilang pelikula na rinyun na Tagalog. So, para iwas-kumpitensiya. Makakatutok ang mga tao ro'n," saysPiolo Pascual on why the playdate of his movie with Angel Locsin was moved.


Nagkaroon na ng press conference sa Annabel'sRestaurant, Quezon City, kahapon, December 20 para sa sinasabing highly-anticipatedscreen partnership nina Piolo Pascual at Angel Locsin na Love Me Again: Land Down Under ng Star Cinema.

The movie was shot on location in Bukidnon and inAustralia. Hindi raw biro ang shooting nila ng movie, especially since they werealways dealing with horses at sa malalayong location pa sila nagsu-shoot.Bagama't nahirapan, hindi naman ikinakaila ni Piolo that he had fun doing themovie with Angel.

"It was fun! I had fun shooting in Bukidnon.Whenever I do a film, I always...not naman request, but I always pray na sanadire-diretso. In this movie, nagawa ko na wala akong ginagawa on the side.Unlike kapag may soap, e, dito naka-concentrate akong talaga.

"We were in Bukidnon for a month and in Australia for more than two weeks. So, talagang nag-enjoy kami and Inever thought that I will enjoy horseback riding. Yung outdoor na kahit umitimako ng todo-todo, okey lang kasi, mae-enjoy mo nang husto."

U.S. PREMIERE. Kinamusta rin ng PEP (Philippine EntertainmentPortal) kay Piolo ang premiere night ng LoveMe Again: Land Down Under na nauna na nilang ginawa sa U.S.

"Masaya...masaya! Ang sarap ngang mag-premiere doonbecause people were just so responsive. They participated. Hindi sila nanonoodlang. Nakikita mo silang nagre-react, umiiyak kapag iyakan yung eksena.Nagsisigawan. And very receptive sila."

Bilang lead actor, na-meet ba yung expectation niyang movie after watching it?

"Masaya ‘ko sa movie! Magaling si Angel, actually.I was impressed because ibang Angel ang makikita n'yo rito and for her firstmovie sa Star Cinema, talagang ibinigay niya nang tama."

WISE MOVE. November dapat ang napabalitang playdateng Love Me Again pero binago ito. Halos magkakasabay pa sana noon sa fist movie naman nina Dingdong Dantesat Marian Rivera na One True Love. Sa palagay niya ba, is it a wise move or mas pabor na na-move ang playdate nilato January 15?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Yeah! I think, it's working to our advantagebecause a lot of people are rushing. I think, para mabigyan din ng ibangtexture, nag-premiere muna kami sa States para makita kung ano ang response, atpositive naman. And besides, to give way na rin to the filmfest. Ilang pelikulana rin yun na Tagalog. So, para iwas-kumpitensiya. Makakatutok ang mga taoro'n.

"Tingin ko rin, to start the year right para mayiba namang mapagtuunan ng pansin ang mga tao. Hindi ko naman first timeginawa ‘to. Nagawa ko na rin before and I think, it's a good move."

May kaba pa rin ba siyang nararamdaman dahil,siyempre, iba ang pelikula sa telebisyon?

"Every time naman na gumagawa ako ng pelikula hindimo maalis na nerbiyusin ka sa first day. Hindi mo maiaalis na mapulaan ka ori-judge ka. But I'm happy dahil tuwing makakatapos ako ng pelikula, it's anachievement for me. It's a blessing. Ang sarap kapag nakikita mo na ang dalawangoras na nakasiksik doon ang pelikula."

WORKING WITH OTHER PARTNERS. After nilanggawin ni Angel ang Lobo at ang Love Me Again: Land Down Under, ano paang mae-expect sa kanilang dalawa ni Angel especially this 2009?

"Maghihiwalay muna kami. Mahirap namang magsawa angmga tao. She will be working with Sam [Milby] and I will be working withKC [Concepcion], but eventually again, after a couple of soaps or movies,babalik din naman yung tambalan. I think, pareho naman kaming nag-grow sa Lobo.

"Para masabik din naman yung mga tao."

On December 24, Piolo will leave for the U.S., para raw doon mag-celebrate ng Christmas with his family and son. Angbalik daw niya ay sa January na, in time naman for his birthday which is onJanuary 12 at sa premiere na rin ng LoveMe Again: Land Down Under.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN