Rufa Mae Quinto on Hayden Kho's denial: "Praise God!"

Sexy comedienne Rufa Mae Quinto could only utter "Praise God!" upon learning of Dr. Hayden Kho's denial about their alleged sex video.



"Praise God!" ang naging reaksiyonni Rufa Mae Quinto nang malaman nito na absuwelto siya sa alleged sex-videoscandal nila ni Dr. Hayden Kho.

Ikinatuwa nang husto ni Rufa Maeang balita na nagsalita si Hayden kay Lhar Santiago ng 24 Oras at pinabulaananniya (Hayden) ang balita na may sex video sila ng mga babae na inili-link sakanya, at pinagbibintangan na ugat ng pagkabuwag ng three-year-oldrelationship nila ni Dra. Vicki Belo.

Inamin ni Rufa Mae na na-upsetsiya sa pagkakadamay ng kanyang pangalan sa breakup nina Hayden at Dra. Belo.Nakakaramdam na si Rufa Mae ng awa sa sarili dahil madalas na nasasangkot angkanyang pangalan sa mga kontrobersiya na wala siyang kinalaman.

Pinaninindigan ni Rufa Mae nainosente siya at posibleng nagsimula ang isyu dahil sa panunukso ni DJ MoTwister sa kanilang dalawa ni Hayden nang mag-guest ito noon sa ShowbizCentral. Nag-apologize na si DJ Mo kay Rufa Mae sa pamamagitan ng isangtext message noong Linggo, December 21. Ipinangako ni Rufa Mae na sasagutinnito at ilalabas ang kanyang tunay na nararamdaman sa darating na Linggo,December 28, sa Showbiz Central.

RUFA MAE'S CURRENT INSPIRATION.Kung matindi ang pagtanggi ni RufaMae na nagkaroon sila ng relasyon ni Hayden, nagliliwanag ang kanyang mukhakapag napag-uusapan si Jon Avila, ang kapareha niya sa Status:Single, ang pelikula na co-production nila ng Viva Films.

Naging close sina Rufa Mae at Jon habang ginagawa nila ang Status: Single.Ipinagtapat ni Jon na noong bagong dating siya sa Pilipinas, ang Bubble Gangang unang local TV show na kanyang napanood at naging instant crush niya siRufa Mae na mainstay ng nabanggit na gag show.

Reportedly, si Jon ang currentinspiration ng sexy actress. Inililihim ni Rufa Mae ang madalas na paglabasnila ni Jon kaya nagulat siya nang malaman niya na ang baguhang aktor angnagkuwento tungkol sa kanilang mga date.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
Sinabi ng mga kaibigan ni Rufa Mae naipinagdarasal nito na si Jon na sana ang tipo ng lalake na ipagkakaloob sakanya ng Diyos. Marami raw magagandang katangian si Jon na gustung-gusto niRufa Mae, tulad ng pagiging disente at galing mula sa isang mabuting pamilya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN