Mart Escudero says his parents are happy for his relationship with Jennica Garcia

"Noong monthsary namin, nagluto siya ng pagkain. Pero satanang buhay niya, hindi siya nagluluto. Pinagluto niya ako ng sinigang na hipon at saka tinola.Doon niya ako nakuha!" says Mart Escudero about girlfriend Jennica Garcia.



Happy and contented si Mart Escudero sa itinatakbo ngkanyang showbiz career. After niyang manalo bilang StarStruck 4 UltimateLoveteam along with Kris Bernal, nagsunud-sunod ang kanyang TV projects atmaging mga pelikula, katulad na lang ng kinabibilangan niyang entry ng RegalEntertainment sa 2008 Metro Manila Film Festival, ang Shake Rattle & Roll X. Kayanaman labis na ipinagpapasalamat ni Mart ang mga blessing na natanggap niya sa2008.

Bungad ni Mart nangma-interview siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa Christmas partyfor the press nilang tatlo ng mga "kapatid" niyang sina Marian Rivera at DennisTrillo noong December 23, sa Barrakz restobar sa Tomas Morato, Quezon City:

"Sobra po talaga akong nagpapasalamat sa lahat ng mga taongsumusuporta sa akin, katulad n'yong mga press people. Kung wala kayo, wala akosa kinalalagyan ko ngayon. Siyempre kay God, sa GMA-7, at sa Regal. Patina rin sa mabait kong manager na si Popoy Caritativo."

MORE PROJECTS IN 2009. Tuluy-tuloy pa rin nga angpagganda ng showbiz career ni Mart. May naka-lineup na rin daw projects para sakanya sa 2009. Isa na nga rito ang bagong teleserye ng GMA-7 na pagbibidahannina Marian Rivera at Dingdong Dantes.

"Kasama po ako sa Ang Babaeng Hinugot Sa Aking Tadyang. Iyonpo ang gagawin ko pagkatapos ng Gagambino," pagbabalita ng young actor.

Sila pa rin ba ng kanyang real-life girlfriend na si JennicaGarcia ang magka-love team sa bagong teleserye na ito?

"Wala akong ka-love team dito, e. Solo lang ako. Kapatid kosi Marian. Tapos drug addict ako rito, kaya nagpapapayat ako. Kina-career konga ngayon yung hitsura ko para magmukha akong addict. Kasi gusto ko yung roleko, yun ang hitsura ko rin, e. Hindi naman magandang tingnan na addict ka,tapos ang ganda-ganda ng katawan mo at hitsura. Pero sana naman huwagpag-isipan nang masama ng mga tao kasi role lang yung gagampanan ko. In reallife, hindi po ako addict!" natatawang sabi ni Mart.

IN DEFENSE OF ATE MARIAN. Speaking of his Ate Marian,gaano sila ka-close?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Si Ate Marian, parang ate na talaga ang turing ko sa kanya.Siya, batang kapatid ang turing sa akin," ani Mart.

Sabi ni Marian, mahilig siyang mambatok o kung hindi man aymamalo sa mga ka-close niya bilang lambing lang naman daw. Siya ba "nasaktan"at "nalambing" na ni Marian?

"Oo, lagi niya akong pinapalo!" sagot ni Mart. "Nagugulatnga ako minsan, e, pinapalo niya ako sa braso. Pero lambing lang naman niya‘yon, e. Hindi naman yun para manakit. Kaya sana huwag siyang ma-misunderstoodng mga tao sa ginagawa niyang ‘yon, na ginagawa lang naman niya sa mga taongka-close niya talaga."

Maraming mga negative na intrigang ipinupukol kay Marianngayon. Bilang kapatid ni Marian sa management, apektado rin ba siya?

"Napapanood ko nga, e, gaya noong umiyak siya sa presscon.Noong makita ko siyang umiyak, sabi ko, parang hindi na niya kinaya siguro kayasiya umiyak. Siyempre, naiinis din ako kapag may mga pangit na ibinabato sakanya kasi kilala ko naman siya, e."

So, ano ang ibinibigay niyang suporta sa kanya?

"Siyempre, nasa tamang edad na rin siya kaya alam ko kaya naniyang i-handle lahat. Ako, pag may sinasabi siyang problema, binibigyan ko rinsiya ng payong kapatid. Sinasabi ko na, ‘Okay lang ‘yan, matatapos din ‘yan.Kadikit na natin ‘yang mga ganyang pangit na write-ups bilang mga artista.'Sabi ko, ‘Tatagan mo lang ang loob mo kasi alam naman natin kung ano ang totoo.Yung mga hindi totoo, hayaan mo na lang. Diyos na lang bahala sa kanila.'"

ON HIS KUYA DENNIS. How about si Dennis, gaano silaka-close?

"Ano, e, para sa akin kapatid na tropa. Halo, e," aniya.

Ano yung mga pinagkakasunduan nila?

"Marami, e... sa music, sa damit... Iisa lang ang gusto namin, e."

Pati ba sa chicks, iisa lang ang gusto n'yo?

"Hindi!" sabay tawa ni Mart. "Labas ako roon. Wala akong alamdoon. Basta, marami kaming pinagkakasunduan ni Dennis."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

SO IN LOVE WITH JENNICA. Samantala, hindi lingid sa kaalamanng mga tao na ang madalas niyang ka-love team na si Jennica Garcia ay girlfriendniya rin in real life. Isang taon na nga sila last December 10. Niregaluhan niMart si Jennica ng puppy, na pinangalanan nilang Sundance, as anniversary giftniya sa dalaga. Ngayong Pasko, ano kaya ang gift niya kay Jennica na siyempredapat niyang talbugan ang kanyang anniversary gift?

"Ngayon, naghahanap pa ako ulit ng ibang paborito niya. Kasialam ko yung ibang paborito niya. Mahilig kasi siya sa mga stuffed toys katuladng Hello Kitty. Basta for sure sa Christmas, meron na," sabi niya.

So, paano kayo sa Pasko, pupunta ba si Mart kina Jennica osiya ang pupunta sa kanila?

"Kasi sa 25, nasa Cavite ako, e," sabi ni Mart. "Tapos 26naman birthday ni Jen. So, bago mag-alas dose or alas dose, pupuntahan ko siyasa kanila. Babatiin ko siya at saka iaabot ko na rin ang gift ko."

Inamin ni Mart na naipakilala na niya si Jennica sa kanyangmga magulang. Ano naman ang first impression ng parents niya kay Jennica?

"Ang sabi nila, mabait na bata raw. Wala silang pangit nanakita kay Jen. Masaya sila na si Jen ang naging girlfriend ko."

Ano ang magagandang qualities ni Jennica para sa kanya?

"Naku, napakarami, e! Pero ang pinakamagandang qualitysiguro... Kahit noong hindi pa kamiclose, yung mag-uumpisa pa lang kami ng taping ng first team-up namin saImpostora, nararamdaman ko na agad na malambing siya. Yun ang pinakanagustuhanko sa kanya, maasikaso."

Ano ang pinaka-sweet na nagawa ni Jennica para sa kanya?

"Noong monthsary namin, nagluto siya ng pagkain. Pero satanang buhay niya, hindi siya nagluluto."

Ano ang niluto ni Jennica for him?

"Pinagluto niya ako ng sinigang na hipon at saka tinola.Doon niya ako nakuha!" biro ni Mart.

"Actually, nagulat talaga ako kasi nga, sabi kahit hotdog dawhindi nagluluto ‘yan," pahabol niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Iyong ibang artista, itinatago ang kanilang relasyon. Bakit sila, pinili nilang ipaalam sa mga tao ang kanilang relationship?

"Kasi maraming dahilan, e. Una, sasabihin namin na hindikami pero makikita kami ng mga tao na sweet kami sa labas. Siyempre, pangitnaman ‘yon. Maraming masasabing hindi maganda tungkol kay Jen. Ako, okay lang,kaya ko 'yon kasi lalaki ako, e. Tapos, totoo namang kami, e, bakit kailanganpa naming itago? Wala naman kaming dapat pagtaguan."

Paano kung may manligaw na iba kay Jennica, kahit sila na?

"Isa pang nagustuhan ko kay Jen, hindi siya maano sa lalaki,e...hindi siya flirt. Lahat kaibigan lang, kumbaga, ako lang yung nangingibabaw.At ipinaparamdam niya sa akin yun."

Si Mart ba ay hindi na tumitingin sa ibang babae?

"Hindi na," mabilis niyang sagot. "Kahit naman dati, hinditalaga ako ganun e. Kumbaga, one-woman man ako, e. Kapag may nagustuhan ako,yun na. Hindi na ako nagpapalit."

Ano ang pangit na puwedeng gawin sa kanya ni Jennica natalagang ikakasakit ng loob mo?

"Siguro yung lolokohin ako. Sinabi ko nang huwag monggagawin ito, kasi masasaktan ako. Tapos yun pala ginawa niya. Yun ganun, atsaka kapag nagsinungaling siya. Pero may tiwala naman ako kay Jen. At saka laginaman kaming nag-uusap. Kapag sinabi kong huwag, sumusunod siya. Ako rin naman,e, kapag sinabi niyang huwag, sinunod ko rin. Pareho naman kami, sinusunodnamin ang isa't isa para maayos at walang problema."

Selosa ba si Jen?

"Oo, pero ayaw niyang aminin, e!" natatawang sabi ni Mart."Kumbaga, magseselos siya pero tahimik lang siya. Pero pagkatapos pinag-uusapandin namin kaya wala talagang problema."

Seloso ba si Mart?

"Seloso rin ako pero nasa lugar," sagot niya. "Kapagipine-pair siya sa iba, dapat hindi ako magselos, trabaho ‘yon, e. Wala akongmagagawa, dapat intindihin ko. Pero kapag nasa labas na, out of work na, iba nayun. Halimbawa sa paglabas-labas, hindi na puwede yung spaghetti na damit.Bawal sa akin yung sobrang sexy. Para hindi na rin siya mabastos, di ba?"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Gaano niya kamahal si Jennica?

"Mahal na mahal!" madiin na sagot ni Mart bilang pagtatapossa interview ng PEP.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN