Jessa Zaragoza back in Manila to finish her comeback album



Nakausap muli ng PEP (PhilippineEntertainment Portal) sa isang post-Christmas lunch noong December 26 si JessaZaragoza sa isang bagong bukas na restaurant sa Tomas Morato, Quezon City.

Nandito muli si Jessa kasama ang misterniyang si Dingdong Avanzado pati ang kanilang anak na si Jayda para mag-Paskoat Bagong Taon. Dumating ang mag-anak noong December 6 at para sa bakasyongito, aabot sila hanggang Marso dahil magtatapos si Jayda sakindergarten sa isang international school na malapit sa tinitirhan nila.

Ito rin ang pagkakataon para kay Jessa namatapos na ang kanyang comeback album mula sa isang recording company.

"Almost two years in the making na baito?" gulat ding patanong ni Jessa nang ipaalala naming 2007 pa lang aysinisimulan na niyang mag-recording. Marso rin ito ire-release ngunit angdalawang carrier songs ay mapapakinggan na sa radio ng Pebrero.

Paliwanag niya, "Kasi nga, nag-migratekami kaya hindi ko matapus-tapos ang recording. Dito kasi kami nagre-record, saMakati."

Huling nag-release ng album si Jessanoong 2003 sa Star Records. Under wraps pa ang recording company, isangU.S.-based outfit na magkakaroon ng local unit, pati na rin ang repertoire ngalbum ni Jessa dahil baka may konting pagbabago.

Sa mga natapos na niyang i-record, isarito ang gagawan ng MTV sa Guam na sponsored ng Guam Visitors Bureau. Maydalawa pa rin silang kukunang MTV sa nasabing U.S. territory. Isu-shoot nila itosa katapusan ng Enero.

Isa sa kantang ire-record pa langpagkatapos ng holidays ay isang cover song na dating theme song din ng isangHollywood movie. Kinausap na ni Jessa at napapayag na ng Phenomenal Diva angAsia's Songbird na si Regine Velasquez na makipag-duet sa kanya para sanasabing kanta.

Kaya lang, katulad ng iba panginformation para sa album, hindi pa rin ito puwedeng sabihin kung anong kantadahil nasa kontrata niya ito na wala pang ibang detalye na mari-release bagomailabas ang actual album.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN