John Lapus promises a "spicier" Sweet next year

"Marami ang nagsasabi sa akin actually na ito raw 2007 at2008, simula nang lumipat ako GMA, parang hindi raw ako masyadong sweet, parangnabo-bore daw sila. So, I am promising to be a little spicier for 2009.So, dapat abangan nila ako for 2009, especially in Showbiz Central. Ibabalik koang konting bangis ko. Nabo-bore ang mga fans ko!" says John "Sweet" Lapus.



Habang nagihintay sa celebrities na darating sa 2008 MetroManila Film Festival Awards Night kagabi, December 27, nakausap ng PEP(Philippine Entertainment Portal) si John "Sweet" Lapus bago ito mag-interviewng mga celebrity for Showbiz Central.

Tinanong muna namin si Sweet kung may New Year'sresolution na ba siyang naiisip for 2009.

"Oh my god! For the nth time, smoking! Hay naku, grabe, oo!Palagi na lang, wala nang katapusan ‘yang smoking. So help me God!" simulanghirit ni Sweet.

Patuloy niya, "Marami ang nagsasabi sa akin actually na ito raw 2007 at2008, simula nang lumipat ako GMA, parang hindi raw ako masyadong sweet, parangnabo-bore daw sila. So, I am promising to be more a little spicier for 2009.So, dapat abangan nila ako for 2009, especially in Showbiz Central. Ibabalik koang konting bangis ko. Nabo-bore ang mga fans ko!" natatawa niyang sabi.

Bakit nila nasabing "sumobra" naman siya sa pagka-sweet?

"Ewan ko. E, ako, feeling ko, okay lang naman. E, yung mgafans ko at mga kaibigan ko ang nagsasabi. So, well, sabi ko, isa yun samagiging New Year's resolution ko sa 2009—to be a little bit spicier. Masmaganda nga naman yung sweet and spicy. Nakasawa at nakaka-diabetes din namanyung masyadong sweet!" tawa niya.

"DON'T LIE TO ME" GOES DIGITAL. May dapat din daw abangan sakanyang portion sa Showbiz Central na "Don't Lie To Me."

"Siyempre, ‘yang ‘Don't Lie To Me' naman, paborito naman‘yan ng ating mga Kapuso among the segments sa Showbiz Central. So, we decidedto make it more exciting and fun.

"It will be digital by 2009! There will be astate-of-the art lie-detector machine. Galing pa sa ibang bansa. It would bedigital. At ang maganda, pati yung resulta ng test will be projected on ourgiant screen. So, makikita n'yo na rin, unlike yung mga papel-papel lang, di ba?Basta, it's exciting!" sabi ni Sweet.

May pagbabago rin daw sa kanyang "buwis-buhay dance."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Hindi ba ang aking buwis-buhay dance, will be... Di ba,palagi kong binibiro, buwis-buhay dance ito? Pero naloloka ang mga tao kasihindi naman ako naaaksidente! Meron nang mga muntik-muntikan akong malaglag.Pero ngayon, yung mga dance steps, production number na gagawin ko, will bebuwis-buhay na talaga!" nakangiti pa rin niyang kuwento.

NEXT PROJECT. Isa si Sweet sa masasabing maganda ang taong 2008 dahilhindi siya nabakante ng projects sa Kapuso network. By February ay matatapos na ang Luna Mystika, kungsaan gumaganap siya bilang baklang tikbalang. Pero nakausap na raw siya ngGMA-7 at may follow-up project na siyang gagawin.

"Nakausap na ako ng GMA and my manager, Ricky Gallardo.Actually, ako, alam ko na. Pero hindi pa ito puwedeng sabihin kung kaya'tabangan na lang nila. Basta, isa yun sa dapat abangan nila na pina-plugngayon," pagbabalita ni Sweet.

Sinabi namin kay Sweet na malamang ito ay ang Totoy Bato, nareunion project rin with the team-up of Regine Velasquez and Robin Padilla nanakasama niya sa pelikulang Kailangan Ko'y Ikaw.

"Basta yun na lang, kasama ko sa isa sa apat na bagongshows. Basta, excited ako! Hindi ko pa puwedeng sabihin. Bibigyan ko na langkayo ng clue. Basta, nakatrabaho ko na sila!" saad ni Sweet.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN