Carlene Aguilar graces January 2009 cover of FHM

"It's all in believing in yourself and years from nowkapag may edad na ako, I can always look back at the FHM cover that I did and be proud to say that I was hot!" relates Carlene Aguilar on the reason why she finally gave in to the request of FHM Philippines for her to be on its cover.


Tuluy-tuloy na ang pag-aartista ng former Bb.Pilipinas-World na si Carlene Aguilar. Pagkatapos ng kanyang small rolesa box-office hit na Iskul Bukol... 20 YearsAfter, makakasama naman siya sa pinakabagong telenovela sa GMA-7 nina Dingdong Dantes at Marian Rivera na Ang Babaeng Hinugot Sa Aking Tadyang.

Excited na si Carlene dahil first time niyang lalabas saisang malaking soap drama at nagkataon na ang mga bida pa ay ang number onetandem na sina Dingdong at Marian. Gaganap si Carlene bilang kaibigan ni Angelu deLeon na siyang girlfriend ni Dingdong sa naturang serye.

"Happy naman ako kasi nga nabigyan ako ng chance namapabilang sa isang soap drama na alam naman natin ay magiging big hit sa TV,"ngiti ni Carlene habang kausap namin siya sa dressing room ng GMA NetworkStudio.

"Hindi pa ako sigurado kung ano ang character ng role kopero medyo nasa kontrabida side ako, e. Si Angelu kasi ang magiging girlfriendni Dingdong sa TV drama at magiging kaagaw niya rito si Marian."

FEELING GUILTY.Dahil nga sa magiging sobrang busy na si Carlene once na magsimula na angtaping niya for Ang Babaeng Hinugot SaAking Tadyang, nagwu-worry na siya dahil iniisip niya na baka mabawasan angoras at panahon niya para sa baby nila ni Dennis Trillo na siCalix Andreas.

Bukod nga kasi sa pagiging active sa showbiz ayuma-attend pa ng classes niya si Carlene sa U.P. Diliman.

"Ngayon pa nga lang na hindi pa ako nagte-taping, I'mjuggling between my schedule sa school at sa bahay. Minsan kasi may mga raketna dumarating like guestings, live appearances, out-of-town shows at modelingassignments. Salamat sa Diyos at nagagawan ko naman ng paraan na hindi ko napapabayaansi Calix.

"Kapag sobrang toxic na ang schedule ko sa isang araw,ang mommy ko ang nag-aalaga kay Calix. Though meron namang yaya si Calix,still, I feel safe na nandiyan si Mommy para tingnan ang bata.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Sometimes nga I feel guilty na naiiwan ko si Calix forone whole day dahil sa mga ginagawa kong work at sa school. Pero yun nga rawang sacrifice na dapat pagdaanan ng isang single parent, e. May mga sacrificesna masakit talagang gawin but you have to do it. Lalo na kung may isang buhayna nakadepende sa iyo.

"But I'm surviving it naman. Mahirap, but may fulfillmentbecause I'm working and doing it for my child. Nagpapasalamat lang ako sa Diyosbecause I have my family na sinusuportahan ako sa mga pinagdadaanan ko ngayon."

GRACING THE FHMCOVER. Mas sexy nga ngayon si Carlene kaya naman nagawa niyang mag-posepara sa cover ng January 2009 issue ng FHM.Kuwento ni Carlene, dinaan niya sa matinding diet, exercise at tulong ngkanyang sponsor na Marie France para ma-achieve niya ang desirable figure niyangayon.

"Mahabaang convincing ang nangyari diyan sa FHM," tawa pa niya. "Kasi nga hindi paako confident sa katawan ko noon. Though pumayat na nga ako, still, paranghindi ako kampante pa. Kaya ilang beses din nila akong binalikan kung puwede naba ako? Natutuwa naman ako sa mga taga-FHMkasi nga very patient sila. Puwede naman silang kumuha ng ibang cover girl, diba? Pero hinintay talaga nila ako.

"Noong finally na okey na ako at confident na ako sahitsura ng katawan ko, doon na ako nagbigay ng go signal. Nag-enjoy ako sapictorial kasi kakaiba. Medyo nahirapan ako sa ibang poses pero it was reallydifferent from the other pictorials I did."

Paraan nga ba ito ni Carlene para ipakita na kahit mayanak na siya ay nananatili pa rin siyang isang "Hot Mama"?

"Oo naman!" malakas na tawa niya.

"Hindi naman hadlang ang magkaroon ng anak, e. Hindiporke't may baby ka na, pababayaan mo na ang katawan mo. I want a lot of peopleto see, lalo na ang mga young mothers na they can still be sexy. Bakit kamagpapakalosyang kung puwede ka pa namang maging hot, di ba?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"It's all in believing in yourself and years from nowkapag may edad na ako, I can always look back at the FHM cover that I did and be proud to say that I was hot!" pagtatapospa ni Carlene Aguilar.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN