Karylle on rumor linking her with Jericho Rosales: "Walang special something."

"Right now, I'm focusing on my work. Feeling ko, since theother week, ang iniisip ko ngayon ay trabaho ko. Kasi never ko talagangminahal nang ganito ang trabaho ko. Ithink it's about time to do that for myself. Saka mahirap madaliin ang mgabagay-bagay, especially after breakup. So wala pa sa isip ko ‘yan," says Karylle.


September this year nang magsimulang mapabalita nanagkakalabuan ang sina Karylle at Dingdong Dantes. Two months after,noong November, ay kinumpirma ng dalawa ang breakup nila pagkatapos ng tatlong taon.

Sa kabila ng pagkakaugnay ni Dingdong sa kaparehang siMarian Rivera, hindina-link si Karylle sa kahit na sinong ibang lalake. Pero nagulat na lang ang lahat nang lumabas ang balita na nagkapalitan daw ng cell phone numbers sina Karylle at Jericho Rosales nangmagkita sila sa ASAP '08. Ang singer-actress din daw ang bagong apple of the eyengayon ni Echo.

Nang makausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) siKarylle sa Gabi ng Parangal ng 2008 Metro Manila Film Festival noong December27, agad niyang nilinaw ang tungkol sa kanila ni Jericho.

"Walang specialsomething," diin niya. "Dati ko nang kilala si Jericho kasi same management[Genesis] kami before, under Tita Angeli [Pangilinan-Valenciano]. Matagal ko nasiyang kakilala."

Pero ani Karylle, "Hindi ko ide-deny na magka-text kami lastChristmas, we greeted each other 'Merry Christmas'... Marami naman akong ka-text ngMerry Christmas."

Sinabi rin ni Karylle na sa ngayon, mas naa-appreciate niyaang kanyang showbiz career.

"Right now, I'm focusing on my work. Feeling ko, since theother week, ang iniiisip ko ngayon ay trabaho ko. Kasi never ko talagangminahal nang ganito ang trabaho ko. Ithink it's about time to do that for myself. Saka mahirap madaliin ang mgabagay-bagay, especially after breakup. So wala pa sa isip ko ‘yan," saad niya.

Pero open naman daw si Karylle na makipagtrabaho kay Jerichobalang-araw.

"Oo naman, I'm open to work with him. He's very talented.Magaling na magaling siyang umarte, and I'm sure he'll do very well in Baler."

DINGDONG DANTES. Hindi rin naiwasang mapag-usapan ang ex-boyfriend niKarylle. Tinanong namin ang singer-actress kung binati ba siyani Dingdong ng "Merry Christmas."

"Hindi... Huwag na lang nating banggitin ‘yan because 2009na," iwas niya.

Parte na rin ng Bench family si Karylle bilangbagong endorser ng Bench Body na siya ring ini-endorse ni Dingdong. Accordingto Karylle, kapag magkakaroon uli ng Bench fashion show ay maaaring ready nasiyang makatrabaho muli ang dating kasintahan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Matagal-tagal pa naman yung time na yun," sabi niya. "Ithink every other year yata yung Bench fashion show. I think, by then,magkaibigan na kami. So I don't think there will be a problem."

Sumalang si Karylle last Saturday, December 26, saEntertainment Live bilang guest host. Marami ang nakapansin na nahaluan agadito ng intriga dahil pagkatapos ng VTR interview ni Marian ay agad na ifinocus ang camerakay Karylle.

"I think na normal lang yun na isipin nilang i-connect saakin," sabi ni Karylle. "I'm just doing my job. Hindi ko naman ine-expect namay ganun, I guess it's all for fun. Sila kasi, yung tatlong hosts dun,napaka-kalog nila and very, very fun pala yung show. I'm also gonna be there onSaturday [January 3]."

OPEN COMMUNICATION. Bagamat may mga lumabas na report noon na masama ang loob niKarylle kaya siya lumipat from GMA-7 to ABS-CBN, sinabi ni Karylle na hindi paniya pinutol ang communication niya sa mga dating kasamahan at kaibigan niya saKapuso network

"Binati ko sila ng Merry Christmas, like sila Jay-R, Jolina[Magdangal], Kyla... May mga nakakasalubong ako, yung iba ka-chat ko. Pero yungiba, hindi ko pa nababati. Siguro sa Three Kings na lang, kasi medyo nagingbusy ako kaya hindi ako nakapagtawag at nakapag-shopping," pagtatapos niKarylle.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN