"Maalaala Mo Kaya" stint rekindles Jake Cuenca and Roxanne Guinoo’s friendship

Former lovers JakeCuenca and Roxanne Guinoo (inset) will star in MaalaalaMo Kaya's first episode for 2009. "Mag-asawa kami dito na hindi kayanggumawa ng anak," explained Jake of their roles. On a personal note, Jake said tenderly of his ex-flame: "Siyempre lagi ko namanmami-miss si Roxanne. Pero like what I always said, Roxanne will always beRoxanne in my life."



Bukas ng gabi, January3, ay mapapanood na ang episode ng MaalaalaMo Kaya, tampok ang former lovers na sina Roxanne Guinoo at Jake Cuenca.


Bagama't parehongprofessional ang dalawa pagdating sa kanilang trabaho ay aminado naman si Jakena nagkaroon ng ilangan sa pagitan nila ni Roxanne noong first taping day.Hindi naman kaila sa publiko na hindi naging maayos ang paghihiwalay ng datingmagkasintahan na nasundan pa diumano ng isang pagtatalo sa Guam.


"Siyempre may kontingilangan sa simula pero true enough ‘yong first two sequences, ‘yong firstsequence kissing scene, ‘yong second scene parang bed scene. So, when we gotthat out of the way, nung nagawa na namin ‘yong dalawang eksena ‘yon na smoothsailing na the whole time," kuwento ni Jake nang makausap ito PEP (PhilippineEntertainment Portal) at ilan pang entertainment reporters noong December 30 saCRIBS Foundation sa Marikina City kung saan nagdiwang siya ng kanyang 21stbirthday.


THANKFULFOR THE OPPORTUNITY.
Malaki ang pasasalamat ni Jake sa country'slongest running drama anthology series dahil sa pagkakataon na ibinigay sakanila ni Roxanne para makapag-usap nang maayos at maplantsa kung anumangunresolved issues meron sila. Magaan na raw ngayon ang pakiramdam ni Jake sapagsisimula ng 2009.


Enjoy si Jake naka-trabaho si Roxanne at umaasa ang batang aktor na muling magkakasama sila saibang future projects.


"Ako, sa totoo lang,nabitin nga ako, e," pahayag ni Jake na may panghihinayang. "Parang sa totoolang, I wish we could do something ulit in the future kasi talagang nung nagkatinginankami nung ginawa na namin ‘yong huling sequence, nagkatingan kami. Bitin talagaand sana maulit."


Dahil mag-asawa angpapel na ginampanan ay hindi maiiwasang magkaroon ng intimate scenes angdalawa, bagay naman na sinang-ayunan ni Jake: "Very intimate. Actually, hindilang ‘yong kiss but very intimate ‘yong mga scenes."


Hindi ba niya na-missang kiss ni Roxanne sa tunay na buhay?


"Siyempre nakaka-miss ‘yongkiss," nangingiting sagot ni Jake. "Pero ano naman ‘yon, pagdating sa eksena,and I consider the both of us very professional, kasi pagdating sa roles namin,pagdating namin sa set hindi ako si Jake, hindi siya si Roxanne. So, siyempre,when we were in the moment that was the moment of the two characters not Jakeand Roxanne."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


(Click HERE to read related article.)


Dahil maayos na ulitang relasyon ng dalawa at open na ulit ang communication lines ay may posibilidadkaya na muling manumbalik ang kanilang matamis na pagtitinginan?


"Sa ‘kin naman the mostvaluable thing for me is friendship. And to be honest, I'm very happy with whathappened in MMK. Masaya ko dahilnag-usap kami ni Roxanne. I really value her friendship," paliwanag ni Jake.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN