Daddy Jun Magdangal confirms breakup of Jolina and Bebong Munoz

Jolina Magdangal's father Mr. Jun Magdangal (not in photo) toldPEP that Jolina and her non-showbiz boyfriend, Bebong Muñoz, ended theirsix-year relationship recently.


Break na sina Jolina Magdangal at ang boyfriendnitong si Atty. Bebong Muñoz!

Kahit ang PEP (Philippine Entertainment Portal) aynagulat nang i-confirm ng father ni Jolina na si Mr. Jun Magdangal ang matagalnang nababalita na nagkakalabuan na sina Jolina at Bebong. Mga friends niJolina ay hindi naniniwala dahil nakikita naman nila kung gaano ka-sweet angdalawa tuwing naggi-guest sila sa mga TV shows, at kapag tinatanong naman siJolens kung kailan sila magpapakasal ni Bebong, ang sagot niya lagi ay parehopa silang nag-iipon ni Bebong at nag-a-adjust pa si Bebong sa bagong trabahonito.

STRAIGHT FROM DADDY JUN. Kaninang umaga, January 3, may tumawag sa amin kungtotoo raw bang break na sina Jolina at Bebong. Gusto man naming si Jolinaang tawagan, since maaga pa, at malamang tulog pa siya, ang daddy niya nga nasi Daddy Jun, ang tinawagan namin at tinanong kung ano ang real score kinaJolina at Bebong.

Hindi ba nila kasama si Bebong noong Christmas Eve,tulad ng sabi sa amin ni Jolina noon na sa kanila muna sila ni Bebong saChristmas Eve at pagkatapos ay kina Bebong naman sila pupunta?

"Hindi namin siya nakasama. Sabi ni Jolina,nasa States siya ngayon," sagot sa kabilang line ni Daddy Jun. "Kamilang ang magkakasama sa bahay namin sa Quezon City, at kahit noong New Year, nanasa Tagaytay rest house namin kami, wala rin siya [Bebong]. Family langnamin ang magkakasama noon."

Noon na kinumpira ni Daddy Jun na wala na talagasina Jolina at Bebong.

"Kahit kami, nagulat nang sinabi ni Jolina saamin na wala na sila ni Bebong," patuloy ni Daddy Jun. "AfterChristmas na pumunta kami sa Tagaytay, naiwanan pa namin si Jolina sa QuezonCity dahil mag-aayos daw muna siya ng kanyang room, dahil iyon lamang angchance niya since wala pa siyang work. Sumunod na lamang siya sa amin saTagaytay, at doon nga niya sinabi na wala na sila ni Bebong.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Malihim si Jolina tungkol sa kanyang lovelife,hindi naman kami nagtatanong, kaya hindi kami nag-isip na may hindi na palamagandang nangyayari sa kanilang relasyon. Kaya nang tanungin namin siyakung ano ang reason ng breakup nila, ang sagot lamang niya sa amin, ‘Wala.' Kahitsa ate niya, hindi siya nagsalita, kaya hindi na rin siya kinulit nito.

"Kaya kami, iginalang na lang namin kung anuman angkanyang nararamdaman. Hindi niya sinabi kung kailan exactly silanag-break, kaya clueless din kami kung before Christmas pa ba nangyariiyon."

May tinext naman kaming close kay Bebong attinanong namin kung totoong break na sina Bebong at Jolina at kung totoong nasaStates ito. Ang sagot ng aming ka-text, hindi raw totoong break na angdalawa, pero totoo raw na nasa States ngayon si Bebong dahil may trabaho itoroon, pero three weeks lamang ito at babalik agad sa Pilipinas. But itseems, tila wala talagang alam angka-text namin, dahil ang alam ni Daddy Jun, nag-usap na sina Jolina at Bebongbago umalis ang binata for the States.

Six years din naging on and off ang long-distancerelationship nina Jolina at Bebong Muñoz. Naka-two years na sila bilangmagkasintahan noong sa States pa nagtatrabaho si Bebong. Nung umuwi na siBebong sa Pilipinas, nag-aspire maging Congressman at kumandidato sa second district ng Caloocan City. Todo-suportasa kanya si Jolina at ang family nito, kahit ang entertainment press aytinulungan siya sa kanyang candidacy, pero hindi siya sinuwerteng manalo.

After the election, tinanong na si Jolina kungkailan ba sila magpapakasal ni Bebong dahil that time, nagpasya na si Bebong namag-stay na sa bansa at pumasok bilang isang finance analyst sa isang kumpanyarito. Nag-join pa siya kina Jolina at sa GMA Films sa pagsu-shooting ng I.T.A.L.Y. (I Trust and Love You) saEuropean cruise at may cameo role pa siya sa ending ng movie na parang siya angtrue love na hinahanap ni Jolina sa story.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

SURPRISE TO EVERYONE. Kung totoong break na sina Jolina at Bebong nitongbago magpalit ng taon, hindi naman ito halata kay Jolina habang nagho-hostsiya ng Unang Hirit, at SOP dahil very bubbly pa rin siya.

Now lang namin naalaala nang huli naming makausapsi Jolens sa taping ng Dear Friend amonth ago, na kinuwento namin sa kanya na may balak na talagang magpakasal ang mgakaibigan niyang sina Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo this year.

"I'm happy for them," nakangiti pang wikani Jolina. "Mas magandang balita iyon kaysa naman magulat tayo sa balitangnag-break na silang dalawa."

Hindi namin naisip na si Jolina pala angmanggugulat sa atin sa breakup nila ni Bebong.

Ang pag-confirm ni Daddy Jun ng breakup aymay approval ni Jolina.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN