Dingdong Dantes is happy being single

"Ako, I'd like to... siguro, to be this wayhanggang...masaya naman ako, e. Lahat ng mga kasama ko sa buhay ngayon,masaya ‘ko. Masaya ‘ko sa mga katrabaho ko. Sa pamilya, so, I would like tokeep it this way," said Dingdong Dantes when asked if he's ready for a new love in 2009.


Tila nagiging tradisyon na nga ni Dingdog Dantes atng kanyang pamilya na mag-spend ng holidays sa Boracay. Nagkataon naman namay mga crew rin ang Startalk sa Borakung kaya't nakausap nila si Dingdong during his vacation right after Christmas.

Ayon nga kay Dingdong, "Masaya! It's my second yearna kasama ko sila rito and it's getting better. I'm always inspired, especiallyby them, kaya nga kapag ganitong okasyon, nakaka-engganyo, because you know, atthe end of working so hard the whole year, ito ang nilu-look forward ko. Yungmakasama sila at mag-enjoy kami rito nang sabay-sabay."

2008 was a very good year for Dingdong. Ngayong2009, ano nga ba ang mga plano naman niya?

"Ngayong 2009, pareho ng 2008, gusto ko langmag-relax. Ayokong magpa-pressure sa sarili ko. Pero siyempre sa ngayon, Iwould like to do better this year. Sa lahat ng mga gagawin ko and hopefully,more movies and I'm very excited with our upcoming show with Marian [Rivera], yungAng Babaing Hinugot sa Aking Tadyang.

"At ito, ‘last hurrah' ko na ‘to. Pagdating saManila, puro trabaho na."

Hindi maikakailang pinag-usapan nang husto anghiwalayan nila ni Karylle. Ano naman kaya ang reaction ni Dingdong na nali-linknaman daw ngayon ang kanyang former girlfriend kay Jericho Rosales?

"No, I don't wanna comment about that. Unang-una,wala na naman kami. At saka, we have our own lives. So, I wish her luck."

As for Dingdong, posible rin kayang makatagpo nasiya ng bagong pag-ibig ngayong 2009 ngayong mukhang naka-move on na rin namanang kanyang ex?

"Ako, I'd like to... siguro, to be this wayhanggang...masaya naman ako, e. Lahat ng mga kasama ko sa buhay ngayon,masaya ‘ko. Masaya ‘ko sa mga katrabaho ko. Sa pamilya, so, I would like tokeep it this way.

"Ako kasi, I believe na makakahanap din kami ng mgataong nararapat para sa amin. So, maaaring hindi kaagad, pero, alam ko nadarating yun."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Posible raw kaya na si Marian na ang taongnararapat para sa kanya?

"Sa amin kasi, gusto naming i-maintain kung anumanyung nasimulan namin, e. Because magkatrabaho kami at ayaw naming lagyan ngkahit na anong bahid na personal anything dahil this is work for us."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN