Sunshine Dizon is not looking for love but is positive it will come

"I'm not looking for it. But if it will come, itwill come. Pero, I suppose, you should not be looking for love. Minsan kapaghinahanap mo, mali ang nakikita mo, e. So, hintayin mo na lang kung ano angdarating. Kapag kinatok ka na niyan, hindi mo na alam kung ano angmasasabi mo," says Sunshine Dizon.


Nagdaos ng party para sa kanyang mga kababayan salugar nila sa Iloilo City si Sunshine Dizon noong December 27. Ang party aypara na rin sa bago nilang bahay na pinagkaabalahan niyang ipagawa nitong mganakaraang taon. Pero ayon kay Sunshine, originally ay ancestral house daw nilaito na pinapa-renovate niya lang noon.

"Ito kasi talaga ang ancestral house namin. Pero wedecided na a few years back, pinagiba ko. Nagpagawa kami ng bago. Alam n'yo,malaki siya kung sa malaki, but it's like yung old house style na konti langang kuwarto, ang laki-laki ng sala. So, ngayon lang, naisip na lang namin namagpakain na lang sa mga kids para everybody happy, di ba?

"New Year nga, so, share naman whatever you can," sabipa ni Sunshine sa interview sa kanya ng Startalk kahapon, January 3.

May mga nagsasabi na paghahanda na raw yun sanapipintong pagsabak ni Sunshine sa pulitika.

"If I really decide on going to politics, siyempre,where would I serve? I'll serve my kababayan. Dito na siguro. Walangmasyadong buhay, pero, isa na siguro yun sa mga pangarap. Siyempre, mahirap yungbigla ka na lang tatakbo. Wala kang background. Wala kang alam, di ba? Especially, magulo ang pulitika, so, it's better to have experience namaganda."

As for now, Sunshine is just enjoying herself, lalopa nga raw at marami siyang plano ngayong 2009.

"They can expect, of course, All About Eve. At sa movie, ‘yung Sundo. Actually, natapos na namin. It's with Robin Padilla. Andhopefully, by March, I can continue my studies, doon nga sa culinary ko andwe'll see from there."

Tinanong din ng Startalksi Sunshine tungkol sa hiwalayang Dingdong Dantes at Karylle na pareho rawmalapit sa kanya. Pero, hands-off daw siya rito.

"Yung between them, K and Dong, ano na lang nila yun,it's their personal thing. We'll just support them with whatever they decideon. And you know, whatever they wish on doing with their lives."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

What about her personal happiness, magkakaroon naraw kaya ito ng puwang ngayong 2009?

"I'm not looking for it. But if it will come, itwill come. Pero, I suppose, you should not be looking for love. Minsan kapaghinahanap mo, mali ang nakikita mo, e. So, hintayin mo na lang kung ano angdarating. Kapag kinatok ka na niyan, hindi mo na alam kung ano angmasasabi mo.

"Sabi nga ng mommy ko, kapag dumating ‘yan, para‘yang ulan! So, siguro, hindi pa dumarating ang bagyo ko! Ha-ha-ha!"


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN