Paolo Contis denies E.B. Babe Lian Paz is his new girlfriend

"Lalabas at lalabas din naman ‘yan kapag meron na.So, hindi ko minamadali. Tamang timing lang ‘yan, so, kung makita, e, dimakita. Kung hindi, e, di hindi. I have no certain taste. Hindi mo alam kapagtinamaan ka, tatamaan ka, e," says Paolo Contis.


Tulad ng ibang artista, sa Boracay rin napiling magbakasyonni Paolo Contis kasama ang kanyang kaibigang si Dingdong Dantes at ang pamilyang huli. Nakausap din ng Startalk si Paolowhile vacationing at this world-renowned vacation spot.

"Ayos! Masaya! Actually, last day na naminngayong gabi nina Dingdong. So, baka mag-island hopping lang. Relax lang, bagomagsimula ang trabaho next year," pagbabalita ni Paolo nung makausap siya ngStartalk reportorial team a few days before the new year entered.

Ayon pa kay Paolo biglaan lang din daw angpagkakasama niya sa pamilya ni Dingdong na mag-bakasyon sa Boracay.


"Nang magkuwentuhan kami ni Dingdong, sabi niya sa akin, buong pamilya pupunta.Sabi niya, sama ka na. ‘Tapos, kinuha niya ‘ko ng ticket. So, wala na ‘kongchoice," natatawang kuwento ni Paolo. "So, sige, sama na ‘ko!"

Katulad ng kayang kaibigang si Dingdong, hindi rinnaging maganda ang kinahinatnan ng love life ni Paolo last year. And justlike Dingdong and Karylle, parehong three years lang din ang itinagal ngrelasyon nila ni Isabel Oli.

"Pinlano naming dalawa yun, e," natatawang biro paniya. "Ewan ko! Nagkakataon na kaming dalawa, nagkataon lang! Pero yungcloseness, walang kinalaman yun in terms of decision-making, in terms of ourpersonal lives.

"Siyempre, may kuwentuhan ‘yan, may tips, but atthe end of the day, decision namin kung anuman ang dine-decide namin sa isa't isa."


STILL THERE FOR ISABEL. May balitangunti-unti na raw nakaka-recover si Isabel sa naging breakup nilang dalawa.

"That's good! I'm happy for her that she's recovering. Iknow her family is here now kaya siguro madali also for her. Kasi, buongpamilya niya nandito at Pasko. And I'm happy na nakaka-recover na siya."

Nagpaabot tuloy ng message si Paolo kay Isabel.

"I hope you will have a great, great 2009. Hindilang 2009, kundi pati 2010, 2011, 2012... lahat-lahat sa career mo. AndI'm always here for you."

A GOOD START FOR 2009. Mukhangmaganda ang pasok ng 2009 para kay Paolo. Kabilang na rito ang isang primetimeshow at game show.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"This January, I'm starting three new shows, so,sana maging tuluy-tuloy. Meron kaming soap ni Dingdong, magiging kontrabida akosa kanya. I'm hosting [a show] and I'm doing another one, so, sana maging tuluy-tuloy.And hopefully, another movie or two."

A NEW LOVE? Mukhang may bago na rin daw pag-ibig kay Paolodahil last December 29, namataan daw ng Startalkna magkasama sa Boracay sina Paolo at E.B. Babe Lian Paz.

Pero ayon kay Paolo, magkaibigan lang daw sila niLian.

"Lalabas at lalabas din naman ‘yan kapag meron na.So, hindi ko minamadali. Tamang timing lang ‘yan, so, kung makita, e, dimakita. Kung hindi, e, di hindi. I have no certain taste. Hindi mo alam kapagtinamaan ka, tatamaan ka, e.

"So, hindi mo alam."

Nangiti si Paolo sa tanong kung posible raw kayangmay nakita na siyang papalit sa iniwang puwang ni Isabel sa kanyang puso?

"Baka...baka...hindi ko minamadali. Tingnan natin. I'mtaking it one day at a time. I'm happy. I'm good."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN