Katrina Halili to Doc Hayden: "Kung gusto mong maglinis, ayusin ang buhay mo, huwag mo na ‘kong idawit dito."

"Tutal nasabi mo na, alam na ng maraming-maramingtao. Alam na ng lahat ng tao kung ano yung nangyari. Tama na. Sarili mo na langang ayusin mo at tigilan mo na ang pagdawit sa pangalan ko," says KatrinaHalili in her message to Dr. Hayden Kho who admitted he had a short-livedaffair with the young actress and Belo Medical Group endorser.


Sa Startalk,kahapon, nakapanayam nga ng exclusive ni Ricky Lo ang maituturing na isa sapinaka-controversial na young actress bago mag-end ang 2008 dahil sapagkakasangkot niya sa breakup nina Dra. Vicki Belo at Dr. HaydenKho.

INTRIGUE-FILLED CHRISTMAS. Unang nagingtanong nga ni Ricky kay Katrina ay kung paano raw siya nag-celebrate ng Paskona punung-puno ng intriga.

"Siyempre Paskong-pasko po noong sinabi ni DocHayden, di ba? Para sa akin, regalo po sa akin yun, e."

In what sense, Ricky asked?



"E, kasi, yun po ang pinaka-fear ko talaga sa buhay ko. Yun na ang pinakamasamakong ginawa sa buhay ko na kinakatakutan kong lumabas. So, lumabas na siya."

Anong ibig sabihin ng pagkakamaling yun?

"Yun po...yung ginawa ko. Alam ko pong mali yun.Pero, gusto ko lang pong i-clear yung ‘for fun' kasi. Ako, never akong pumasoksa isang relasyon na hindi ako seryoso.

"Ang mali ko po, na-in love po ako. Na-in love poako sa maling tao."

Sa kabila raw ng mga ngiti ni Katrina, halatang maykurot naman daw sa kanyang puso ang naturang isyu. Ricky also asked kungnaapektuhan daw ba ng isyung ito ang boyfriend naman niyang si Kris Lawrence.

"Well, sinabi ko, di ba po, hindi affected ang pamilyako? Pero, kung patuloy po yung ginagawa niya po, siyempre po, kahit papaano po,naapektuhan na po yung family ko. Kung ako po, hindi po ako naapektuhan,pero, siyempre po, palaki na po nang palaki ang isyu.

"Pero sa side ko, alam naman po nila kung ano angtotoong nangyari. Ang pagkakamali ko lang po, na-in love po ako sa malingtao. Pero yung ‘for fun,' hindi po yun totoo."

THERE WERE OTHERS. Ayon kay Katrina, anghindi lang daw niya matanggap ay ang madiin siya sa isang kasalanan na hindilang naman daw siya ang gumawa.

"Well, hindi na po ako magbabanggit kung sinumanang ibang babaeng yun dahil marami po. Maraming-marami at hindi na lang po akomagbabanggit dahil ayoko pong maghugas ng kamay ko. Wala naman po akong dapatpatunayan. Inaamin ko naman po ang kasalanan ko, na-in love po ako at matagalna naman po akong wala sa picture nang maghiwalay sila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Siguro mga February, March pa po yun tapos."

Matagal ba ang nagging relationship nila ni DocHayden?

"Short lang po...actually, medyo humaba-haba lang ponang konti, nagte-text na lang kami. Hindi na kami masyadong nagkikita kasi, masyadopong madrama ang taong yun. Magaling pong magsalita."

At muli ngang nanindigan si Katrina ukol sapagkakaroon nito ng sex video.

"Wala naman po talaga. Wala po akong sex video. Napakabastos ko naman po kunggagawa po ako ng ganoon. Hindi ko naman po gagawin yung mga ganoong bagay."

Gusto rin isipin ni Katrina na after her privatetalk with Dra. Belo, she and the beauty doctor are still in good terms. Tinanongdin ni Ricky kung sa pag-uusap daw ba nila ni Dra. Belo ay may sampalan nanangyari?

"Ay, wala, wala pong ganoong nangyari. At saka,lilinawin ko po na never po akong nag-deny simula nang lumabas yung isyu. Atkung titingnan n'yo po ang interview n'yo sa akin, sinabi ko po na nagkausap napo kami ni Dra. Belo.

"Ayoko lang pong magsalita kasi, ayoko nangpahabain pa."

Bilang endorser ng Belo Medical Group, totoo bangibinaba na raw ang mga billboards niya?

"Actually, idiniscuss po ‘yan ni Dra. Belo naaalisin na po ang mga billboards. Sinabi po ni Dra. Belo na maytatanggalin po siya dahil kailangan na pong palitan pero, meron pa rin pongiiwan."

Pero mananatili pa rin ba siyang endorser ng BeloMedical Group?

"Ay, hindi po natin alam. Siyempre, may mganagbabagong istorya."

MESSAGE TO HAYDEN AND DRA. BELO. Bilangpagtatapos, si Katrina na mismo ang hayagang nagsabi na may message raw siyapara kay Hayden.

"May message nga po pala ‘ko. Kahit hindi n'yo pa ‘konatatanong baka kasi makalimutan ko. Ang message ko po kay Doc Hayden: Kunggusto mong maglinis, ayusin ang buhay mo, huwag mo na ‘kong idawit dito. Tutalnasabi mo na, alam na ng maraming-maraming tao. Alam na ng lahat ng tao kungano yung nangyari. Tama na. Sarili mo na lang ang ayusin mo at tigilan mo naang pagdawit sa pangalan ko."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Her message to Dra. Belo?

"Kay Dra. Belo, sorry po kung ano...tao lang naman poako, nagkakamali rin po ako. Ayoko nang mag-message, naiiyak lang ako," hintoni Katrina.

"Well, yun nga po, alam ko ang pagkakamali ko.Siyempre, nagmahal po ako sa maling tao, yun lang ang pagkakamali ko. I'msorry po, yun lang. Ayoko nang magsalita. Tama na. Pareho lang naman po kami.Biktima lang din naman po ako."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN