Dr. Hayden Kho: "Naglaro ako sa apoy at napaso ako."

"Sa mga ka-generation ko, kung hindi pa kayong pumasok sa relationship naseryoso, lalo na kung seryoso yung babae, huwag kayong pumasok doon 'taposmaglalaro lang kayo. Kung gusto n'yong maglaro, doon kayo sa gusto rin maglaro," says Dr. Hayden Kho.


Kahapon, January 3, sa Startalk, muling humarap si Dr. Hayden Kho sa dalawang hosts ng Startalk na sina Ricky Lo at LolitSolis. Nag-back-to-back nga ang feature ng Startalkkay Hayden at kay Katrina Halili.

PLAY WITH FIRE AND YOU'LL GET BURNED. Unang tanong na ibinato ni Lolit kay Hayden ay kungtalagang mahal na mahal niya si Dra. Vicki Belo, ano't nagawa raw ni Hayden angmagkaroon ng affair sa iba?

"Hindi ko po ano...aaminin ko po, bata po ako, pero,it's not an excuse. Bata po ako. Naglaro rin ako. Naglaro ako sa apoy atnapaso ako."

THE REAL HAYDEN. Tinanong naman ni Ricky si Hayden kung puwede itongmagkuwento about his family. That his dad was a doctor. His mother was a decentwoman. Marami raw kasing hindi nakakaalam sa pagkatao ni Hayden.

"Well, thank you very much for asking me thatquestion. Now, kahit papaano, puwede kong maipakilala yung tunay na Hayden Kho.Well, my dad is a practicing doctor at the Manila Doctors Hospital . He's apure Chinese. His family hailed from Australia, then they went here.Nag-establish here. Nakilala niya ang mom ko who is from Marinduque. Ahalf-Spanish and half-Filipina."

May mga nagsasabi kasi na napulot lang daw siya niDra. Belo sa kung saan lang.

Natatawa niyang sabi na, "Siguro po napulot niya kosa PICC nang mag-graduate ako. Actually, bago po niya ‘ko makilala, doctor napo ako."

He was asked by the hosts kung ano ang feeling niyasa comments ng ibang tao na isa lamang siyang bum and Dra. Vicki's boytoy?

"Actually, Manay Lolit, ano naman po, e, for thelongest time, hindi po ako nagbabasa ng mga diyaryo. Hindi po ako nagbabasa ngmga comments."

So, which are true and which are not true?



"Marami po, e...marami po..."

May sex video ba talaga ?


"Wala po talagang sex video. Papatunayan ko po sa inyo, wala pong sex video.Ang meron po kasi is video na nagsasalita yung tao. Face lang po."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

FRIENDS TURNED AGAINST HIM. Throughout the interview, nakamasid lang daw saisang tabi ang buthing ina naman ni Hayden na si Mrs. Irene dela Santa Kho. So,Ricky asked kung ang pamilya raw ba niya ay naapektuhan sa mga isyu?

"Baka hindi... Pero yung mom ko, she lost 6 pounds.Then, yung dad ko, 12 pounds in just two weeks."

Why did you try to hurt yourself, Lolitasked?

"Hindi naman po yun dahil sa isang problema lang.Ang dami na rin problema. May showbiz. May family. Problema namin ni Vicki.Problema namin ng mga kaibigan ko. Ang nangyari po kasi, may pumasok ngcondo ko at kinuha na yung mga gamit. Kinuha yung hard drives ko, kinuha yungmga journals ko."

Before or after the incident?

"During...basta, pinagkaisahan na nila ‘ko. Yung mgabarkada ko, supposedly. Parang conspiracy. May ginawa akong mali sa kanya,ngayon, bumawi siya sa akin."

Paano raw nakuha ang susi?

"Binigay po ni Vicki..."

So, Lolit asked kung ibig bang sabihin ni Hayden,Vicki conspired with his friends na mga kaaway mo?

"Kaaway ko po dahil kasalanan ko..."

Anong kasalanan yun?

"Hindi ko po puwedeng sabihin, secret po..."

Sa kabila ng lahat ng kontrobersiya sa kanila niDra. Belo, may balitang dumalaw raw kay Hayden sa bahay nila ang doktora noongChristmas eve. Totoo ba?

"Kasi yung mom ko at saka si Vicks, very close. Atsaka, may binili kaming aso na parang anak namin. Si Sheldon po," sabay ngangmay nag-abot ng aso kay Hayden during the interview.

Ayon kay Lolit na very close sa doktora, mayebidensiya raw si Vicki Belo. So, ano raw ang totoo, the words of Vicki oang sinasabi ni Hayden?

"Manay, ang ebidensiya po ni Vicki yung mga kaibigan ko na nagsabi sa kanya.Kinuwento lang po sa kanya."

KATRINA'S MESSAGE TO HIM. Si Katrina Halili naman na hindi itinanggi anginvolvement sa kanya ay di nagustuhan ang sinabi noon ni Hayden na "for fun"lang ang nangyari sa kanila. Never daw na-involve ang dalagang taga-Palawan saisang lalaki nang hindi seryoso.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ang ibig ko naman pong sabihin ay bilang lalakipo, you get involved pero parang ang nasa isip mo, eventually, magkakahiwalayrin naman kayo. Hindi siya tama [the relationship with Katrina] kaya nga poinaamin kong mali."

Kinuhanan naman ng Startalk hosts ng reaksyon si Hayden sa sinabi ni Katrina na magalingdaw magdrama si Hayden at sa mensahe nito sa kanya na, kung gusto niyangmagmalinis, ayusin niya ang sarili niya at huwag na siyang idamay.

"Hindi naman ako...number one, hindi po akonagmamalinis dahil inaamin ko po ang kasalanan ko. Pangalawa, inaayos ko na poang buhay ko."

Nagkausap na ba sila ni Katrina?

"Hindi po...galit siya sa akin. Feeling ko dahil nabanggitko ang pangalan niya. Sa akin naman, dalawa naman kasi kaming nagkamali."

LESSONS. Ano ang natutunan niya sa lahat ng ito?

"Una, sa mga ka-generation ko, kung hindi pa kayong pumasok sa relationship naseryoso, lalo na kung seryoso yung babae, huwag kayong pumasok doon 'taposmaglalaro lang kayo. Kung gusto n'yong maglaro, doon kayo sa gusto rin maglaro.

"Number two, natutunan ko kung paano tunay na magmahal. After na...after na.. Atsaka, kung gaano kasakit, kung gaano kasama, kababoy ang ginawa ko. Hindi langkay Vicks kundi sa mga babae in general.

"At pangatlo po, kung buhay pa po ang mga magulang n'yo, your mom, your dad,kilalanin nyo. Kasi, kapag nagkaproblema kayo, sila rin ang magiging kakampin'yo, wala nang iba."

SAYING SORRY AGAIN. Again, nag-sorry nga si Hayden kay Katrina.

"Katrina, I'm sorry...nadawit pa ang pangalan mo. Hindi ko sinasadya, especiallythis is my second chance. I hope okey ka lang. I hope we can fix all thethings that happened because of me, because of my foolishness. I wish you allthe luck, with your career and sana hindi maapektuhan ang career mo.

"Sa mommy mo, Tita, sorry rin po...hindi na mauulit."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kay Vicki?

"I know it's getting very hard for you to accept me even as a friend. Butreally, after this, sana mapatawad mo ko. I'll do my best to win you back, butif not, let's be friends. I hope, hindi rin masyadong naapektuhan ang family mo,mga friends mo, ng mga kalokohan ko.

"And you, especially, I'm very worried about you kasi, ang sakit ng nagawa ko. Ihope, you'll find comfort with God, your family, your friends. My friends arealso there for you. I'm really sorry. And I love you."

Noong January 1 naman, sa guesting ni Hayden sa "Kontrapelo" ng Eat Bulaga!,nakapagbitiw raw ito ng salita na hindi na magso-showbiz. Gayundin kay Lolit.Instead, mag-aaral na lang daw ito.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN