Helen Gamboa returns to acting after six years

"I would say na we learn from them, the same mannerthat they learn from us also. As asenior star, we have to set the good example, di ba? Para makita nila how it ispara magtagal pa sa industriya. Ipinakikita namin sa kanila yung magandangvalues, professionalism. So, I think they really enjoyed working with usbecause we enjoy working with them," says Ms. Helen Gamboa about working with young stars.



Anim na taon na ang nakalipas nang huling mapanoodsi Ms. Helen Gamboa sa isang opera. Ito ay sa primetime series noon ng ABS-CBN naSa Dulo Ng Walang Hanggan. Pagkatapos nito, bumalik muli ang maybahay ng datingSenator Tito Sotto sa pagiging ina at asawa ng kanyang pamilya.

Ngayon ay kasama si Ms. Helen sa bagong teleserye ng ABS-CBN,ang Tayong Dalawa na tinatampukan nina Kim Chiu, Gerald Anderson, at JakeCuenca. Gumaganap siya bilang ina ni Agot Isidro at lola ni Jake

Aminado si Ms. Helen na basta challenging ang role, willingsiyang tanggapin anumang offer. More than the money, it's her passion for acting that she pursues.

"Well, talagang napakalaking parte ng buhay ko angpag-arte," sabi niya sa PEP (Philippine Entertainment Portal). "Kaya lang,kailangang magpahinga muna ako. I had to settle my daughter Ciara [Sotto], atthe States. So, ngayong in-offer sa akin ng ABS ito [Tayong Dalawa], I just couldn't say nobecause for me, it's always healthy and good to be playing different roles.Tinanggap ko ito kasi, naiiba siyang role."

Hindi ba naging problema sa kanyang asawa ang pagbabalik-showbiz niya?

"Wala, in fact, he's so happy for me. Alam naman niya yun nabuhay ko ang pag-arte," saad ni Ms. Helen.

May humula raw na 2009 will be a good year for the veteranactors and actresses. Senyales na ba ito para sa tuluyang pagbabalik na nganiya sa showbiz?

"Oh yes, I would say yes!" bulalas ni Ms. Helen. "Kasi, I'm sothankful sa ABS-CBN, of course, for giving me this particular role. I think,meron pa silang mga ibang gagawin sa future."

After six years, sa Kapamilya pa rin siya bumalik. Wala bangnaging offer sa kanya ang Kapuso network?

"Wala naman, wala namang offer," sabi niya. "In the pastsiguro, pero hindi kami nag-meet sa certain stories. Nagkaroon ng miscommunication.That's what happened."

So, masasabi niyang isa siyang Kapamilya talaga?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Oh yes! Of course because I've been doing shows with ABS.Although, I will not say anything. Channel 7 is also a good network and that'swhere my husband works, you know that. I think, it's all a healthy competition.

WORKING WITH YOUNG STARS. Para kay Ms. Helen, magandangexperience din para sa kanya ang chance na makatrabaho ang mga young actorsand actresses ngayon. At the same time, may natutunan din daw siya sa mga itotulad ng tatlong lead stars ng Tayong Dalawa.

"Ay, oo! I would say na we learn from them, the same mannerthat they learn from us also. As asenior star, we have to set the good example, di ba? Para makita nila how it ispara magtagal pa sa industriya. Ipinakikita namin sa kanila yung magandangvalues, professionalism. So, I think they really enjoyed working with usbecause we enjoy working with them."

Sa hiwalay na interview ng PEP (Philippine EntertainmentPortal) kay Jake Cuenca, na siyang gumaganap na apo niya sa series, sinabinito na kinabahan siya sa umpisa dahil ang kaeksena niya ay si Ms. Helen. Pero lateron, nae-excite na raw mag-taping ang young actor dahil ang turing na nito kayMs. Helen ay mommy.

Ano ang reaksiyon dito ni Ms. Helen?

"You know, ang masasabi ko, si Jake, when I met him, nakitako yung masyado siyang responsible. I would say na among the young stars, siyaang pinaka-close sa akin. He is so malambing. I really like him a lot. I likeJake."

SUPPORT FOR SHARON. Bilang kinikilalang second mom ngpamangkin niyang si Sharon Cuneta, all-out naman ang suporta ni Ms. Helen saMegastar noong panahong naiintriga ang marital life nito.

Aniya, "Nandito ako. I was there for her. Ano langnaman yun, it was just a petty problem that happens to all couples."

Kumusta naman sina Sharon at Senator Kiko Pangilinan?

"Oh, they are very well!" sagot ni Ms. Helen. "They spentChristmas Eve with us. Wala namang problema. I think napalaki lang. I don'twant to sound mean or speak ill to others, especially sa media. Pero sometimes,it gets out of proportion kasi yung mga balita, kung minsan, kapagnagsalin-salin na, iba na yun."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ano ang paniniwala niya sa isyung may anak daw si SenatorKiko sa iba?

"E, wala naman kaming proof. Wala naman kaming nakikita, e.It's hard to say this and that kapag wala ka namang pruweba. And it happens toeverybody. Lalo na kung asawa niya ay Megastar. Ang asawa niya ay si Sharon,hindi mo naman siguro maiiwasan yung matsismis ka ng kung ano-ano," pahayag ngveteran actress.

FAMILY MATTERS. Thirty-eight years na ang pagsasama nina Ms. Helen at Tito Sotto. Anong advice ang naibibigay niya kay Sharon para kung sakali,tumagal din ang pagsasama ng dalawa tulad ng sa kanila?

"Lahat kasi ng problema darating sa buhay mag-asawa. I alwaystell her to handle it right. As long as you put God as the center of your life,you'll never go wrong."

Wala pa raw ideya si Ms. Helen kung tatakbo bang muli si Tito sa2010 elections.

"As of now, bising-busy siya sa kanyang posisyon bilangSecretary of Dangerous Drugs Board. So, ang kanyang thrust talaga is... I know,he cannot completely eradicate the drug menace, but he will be able to controlit, like what he has done before. Ito kasi ang pinakamalaking crusade niya sabuhay niya—prevention."

Ano ba ang pinakamahirap na sagutin: intriga sa showbiz orsa politics?

"Both!" natawa niyang sagot. "But I'll be honest, politics.Kasi ang showbiz, buhay ko ‘to, e. Ang politics is not my course. Ang sinasagotko, with all honesty. Even in showbiz, kung ano ang itinatanong n'yo sa akin,like what you see is what you get, I'll never lie. I will say what I feel. Iwill tell you the truth."

On her daughter Ciara, may plano na ba itong maging activemuli sa showbiz dito sa Pilipinas?

"Sabi nga niya, kung mas maganda ang haharapin niya rito.One year lang naman ang pinirmahan niyang kontrata doon at babalik siya agaddito."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero ayon kay Ms. Helen, nandito sa bansa ngayon si Ciara forthe holidays pero babalik din daw siya ng Las Vegas. Natawa lang Ms. Helen whenasked kung may plano na rin mag-settle down si Ciara sa kanyang non-showbizboyfriend.

"Ay, hindi yata totoo ‘yun!" tawa niya. "If ever, I willhave no objections. Okey lang. Pero siya, parang marami pa siyang gustonggawin. So, makakapaghintay pa naman siguro ang kasal niya.

"Wala naman siyang name-mention na kasal kaya wala kamingnapag-uusapang ganoon. Ang mine-mention niya, yung career niya. On how she willbecome more professional sa kanyang craft."

Wala rin daw siyang nakikitang problema, if ever man, saboyfriend ngayon ng anak.

"Oh well, he's a very responsible guy, veryintelligent and a very good person. Pero sabi ko nga, until nakikita kongikinakasal ka na, anak, na yun na talaga, doon lang ako maniniwala na that isthe right guy for her," pagtatapos ni Ms. Helen.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN