Mrs. Mildred Cadaweng talks about first Christmas without son Marky Cielo

"Nandiyan kami lahat kapag Pasko. Kahit na anong hinandanamin, simple man or ano, nandiyan siya [Marky]. At saka, kapag siya yungmag-gift sa akin, namomroblema talaga siya kung ano yung ibibigay niya. Minsan,masahe na lang ang ibibigay niya sa akin, masaya naman ako dun," recalls Mrs. Mildred Cadaweng (inset) about past Christmases with son Marky Cielo.


Nakausap muli ng Showbiz Central kahapon, January 4, si Mrs.Milderd Cadaweng, ang butihing ina ng namayapang aktor na si Marky Cielo.Bagamat masakit pa rin daw ang pagkawala ni Marky, tuloy pa rin ang buhay parasa kanila.

Paano ipinagdiwang ng isang ina ang nakaraang Kapaskuhan atBagong Taon kung ilang araw bago sumapit ang mga naturang okasyon ay biglangpumanaw ang pinakamahal mong anak?

Kuwento ni Mrs. Cadaweng, "Ang kapatid niya at mga pinsan,doon nag-bonfire sa malapit sa kanyang libing. Nagluto lang kami ng simplengpagkain. Hinintay ang simbang gabi, kumain. Yun lang. Kasi parang mahiraptalagang mag-celebrate ng ganoon ang sitwasyon."

Ayon pa kay Mrs. Cadaweng, nangungulila rin daw ang mgataong napamahal sa anak niyang si Marky. Katulad nga ng isang fan nanagngangalang Laarni ang nagpadala ng Christmas card para sa yumaong aktor sapamamagitan ng Showbiz Central mail box.

"Kay Laarni, ipaparating ko itong sulat niya, at least, sapuntod ni Marky. At natutuwa ako sa kanyang pagmamahal kay Marky. Although,nalulungkot din katulad niya, nararamdaman ko rin kung gaano kasakit mawala siMarky, at ma-miss mo siya sa panahon pa ng Christmas."

Noong nakaraang Pasko, wala raw magawa si Mommy Mildredkundi ang balikan ang mga alaala ng yumaong anak.

"Nandiyan kami lahat kapag Pasko. Kahit na anong hinandanamin, simple man or ano, nandiyan siya [Marky]. At saka, kapag siya yungmag-gift sa akin, namomroblema talaga siya kung ano yung ibibigay niya. Minsan,masahe na lang ang ibibigay niya sa akin, masaya naman ako dun."

Dahil sa matinding pangungulila sa anak, naghihinagpis parin ang kalooban ni Mrs. Cadaweng, lalo na kapag sumasagi sa isipan ang mgasandaling kapiling si Marky.

"Maliban sa shows na minsan nagsu-surprise ako sa show niya.Pero minsan, nasa studio siya, ako nasa ibang floor. Nagtatawagan, ‘Nandito akosa parking, uuwi ka na ba?' Yun, parang pakiramdam ko, puwede ba siyangtawagan? 'Sasabay ba tayong uuwi or mauuna ba ako?' Yun...

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Minsan sasabihin niya, ‘Nasa gazebo lang ako, aakyat ako.'Tapos, tatakbo siya nang nakangiti..." sa puntong ito ay hindi na talaganakayanan ni Mommy Mildred ang mapahagulgol ng iyak.

Patuloy niya, "Tapos, tatanungin niya ako, okey ka ba?Tapos, iaano [aakbayan] niya ako sa shoulders."

Kasama rin sa nagbibigay alaala kay Mommy Mildred anginiwang bahay at lupa ni Marky sa Antipolo, na kanyang napanalunan bilang grandprize bilang Ultimate Sole Survivor sa StarStruck.

"Hindi ko alam ano ang plano namin after. Pero definitely,iko-consider namin na remembrance namin yun sa kanya. Siguro, kahit ano'ngmangyari, souvenir pa rin namin yun sa kanya," umiiyak pa rin niyang sabi.

Sa pagkakataong ito, patuloy pa rin daw ang pasasalamat niMommy Mildred sa mga nagbibigay suporta at nakikidalamhati sa pagpanaw ngkanyang anak sa pamamagitan ng ipinadala niyang e-mail message sa Showbiz Central:

"We wish to express our deepest gratitude and heartfeltthanks to all our relatives, friends, neighbors, and acquaintances who caredand condoled with us, who shared with us their precious time, offered prayers,kept vigil, gave donations in cash or in kind, those who came over and helpedus in many countless ways and gave us strength and encouragement during ourtime of grief, thank you for being there at the time we needed you most..."

Sa huli, nagbigay rin ng mensahe si Mrs. Cadaweng para sakanyang namayapang anak...

"Kung nasaan ka man, sana you're at peace. Sana maligaya ka, masaya ka."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN