Cherry Pie Picache on winning acting awards: "Okay na ako sa prestige, gusto ko rin naman ng cash ngayon."

"Bilang artista, alam naman natin if we deserveto win or not. Honestly, kung minsan nga, pag nano-nominate ako sa isangproject na feeling ko hindi ko deserve, sinasabi ko, ‘Bakit?' More or lessnaman masasabi ko kung alin project I am really proud of or kung which onedeserves a recognition or appreciation. I treat each project as work and I giveit my all," says Cherry Pie Picache.



Walang naging problema sa set ng Tayong Dalawasina Cherry Pie Picache at Ms. Helen Gamboa, kahit na magkakontra ang mgacharacters na ginagampan nila sa bagong teleserye ng ABS-CBN that will startairing on January 19.

"She's a very pleasant lady, napaka-grasyosa,"pahayag ni Cherry Pie nang makausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sapresscon ng Tayong Dalawa sa Annabel's resto sa may Tomas Morato Ave., Quezon City noong Sabado, January 3.

''She takes care of all of us, hindi lang yung sa cast, kundipati na rin ang masisipag na production staff. Kaya naman we all describe herna napaka-gracious. Wala kaming problema. Pagdating naman sa trabaho,objectively, napakasarap din naman niyang katrabaho.

"Kahit nagkaroon siya ng hiatus from her craft saindustry, yung pagbalik niya, makikita mo yung fire, yung passion, yungpagmamahal niya sa trabaho. How she loves her craft and how she missesacting. Tapos nire-refine pa ang mga eksena. Yung eksena naming sampalan,ginawa namin nang mabuti," saad ni Cherry Pie about Ms. Helen.

Nagugulat lang si Cherry Pie na napupunta sa kanya angmga ganitong klaseng role, kung saan may eksenang sampalan siya with aveteran actress. Sa Iisa Pa Lamang ay nasampal niya si Ms. Susan Roces.Dito naman sa Tayong Dalawa ay si Ms. Helen naman ang kanyang sinampal.

Ito ang unang pagkakataon na nakatrabaho ni Cherry Piesi Helen, samantalang ilang beses na rin silang nagkasama sapelikula ni Ms. Gina Pareño.

Even out of work, sinabi ni Cherry Pie na all of them lookforward to the taping. With Agot Isidro and MyleneDizon also in the cast, mas matinding bonding pa raw ang nangyayari.

MULTI-AWARDED ACTRESS. Isa si Cherry Pie sa mga mostawarded-actresses sa kanyang generation. Last year ay dalawang best actresstrophies ang nakamit niya mula sa Golden Screen Awards at Gawad Urian parasa pelikulang Foster Child. Hindi pa ba siya napapagod makatanggap ngacting awards?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"I think isa 'yon sa pinakamasarap na matanggap ng isangartista. Kasi you are being appreciated for the hard work you do, kayanaman masarap matanggap ng award. On acting, I really do it for my passion atkung magkakaroon ng awards, ‘yon ang isa sa pinaka-fulfilling namoment," sabi ng award-winning actress.

The past two years, hindi lang dito salocal shores, kundi maging sa international film festivals ay nagkamit dinng parangal si Cherry Pie.

"Actually, medyo napapagod na rin ako!" pabirongwika niya. "Medyo nae-embarrassed na ako. Sinasabi ko nga, okay na ako saprestige, gusto ko rin naman ng cash ngayon. Sana ma-compensate ngcash yung prestige na nakukuha ko. Pero nae-embarrass na rin ako.

"Pero I also say na siguro, I should just accept theblessings because I know na itong part na ito ng career ko, mahihirapan nadumating ulit. The years 2007 and 2008 were very good years for me, soparang nanamnamin ko na lang ulit ang blessings.

"Unlike, si MissGina Pareño, for the longest time na nasa showbiz, sino ho ba angmakapagsasabi na yung nare-reap niyang awards ngayon ay darating at her age? Kayaon my part, I will just cherish the moment."



Hindi rin issue kay Cherry Pie na nominasyon lang ang kanyang makuha, hindi angaward mismo. O kaya naman ay hindi siya nano-nominate for a film kung saan sapalagay niya she did a good job.

"Bilang artista, alam naman natin if we deserveto win or not. Honestly, kung minsan nga, pag nano-nominate ako sa isangproject na feeling ko hindi ko deserve, sinasabi ko, ‘Bakit?' More or lessnaman masasabi ko kung alin project ang I am really proud of or kung which onedeserves a recognition or appreciation. I treat each project as work and I giveit my all," pagtatapos ni Cherry Pie.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN